NANG makita ng dalaga ang papalayong sasakyan ni Adrian. Sumagi sa isipan niya ay kung paano nga ba siya makatatakas sa mansion ng binata. Naalala rin niya ang pagtawag sa kaniyang matalik na kaibigan. Muli niyang kinuha ang di-keypad na cellphone. At nag-dial ng numero. Nasilayan niya ang matandang nag-aayos ng ilang kagamitan sa bahay. Lalo na ang maalala niya kung paano sumigaw si Adrian sa harapan nito. Tinawag niya ang pangalan nito habang unti-unti siyang lumalapit sa matanda. “Manang Delfin.” “Señorita,” tugon ng matanda. “Gusto ko lang sana na humingi ng pasensya sa ginawa ni . . .” napahinto siya sa pagsasalita nang ngumiti ito sa harapan niya. Sabay kuha ng kaniyang mga kamay. “Señorita, naiintindihan ko. Kung anoman ang sasabihin mo. Mabait na bata si Señorito Adrian. Hin

