Chapter. 12

1561 Words
NAPABALIKWAS siya nang bangon sa kama nang masilayan niya ang likod ng isang babae. Payapa itong natutulog habang tinititigan niya ang kabuuang katawan nito. Kinuha niya ang black wallet sa ibabaw ng side table nito at ilang libong pera ang kaniyang inilabas. Marahan siyang bumangon at dinampot ang pantalon mula sa sahig. Mabilisan niya itong isinuot dahil sa sunod-sunod na tawag ang kaniyang naririnig mula sa kaniyang cellphone. Hindi na niya pinagtuunan nang pansin ang babae. Lumabas siya ng silid at dali-daling sumakay ng kotse. Paharurot niya itong pinatakbo at kasunod nang pagsagot niya ng kaniyang cellphone. “Just wait for me, ako na ang susundo sa'yo,” tanging sagot niya sa kaniyang kausap. Tinawagan na rin niya si Dave para sabihing umalis na siya ng resort. Ayaw niya na may ibang susundo sa kaniyang kasintahan. Kaya hindi siya mapakali nang malaman niyang ito ay darating na. Ngunit tila hindi mawala-wala sa kaniyang isipan ang babaeng nakasama niya buong gabi. Naisipan niyang tawagan ang isa sa mga security ng private house sa Beach resort. Kasunod nang pagtigil niya sa parking lot nito. “Just call me, if you have any information about her!” Inilagay niya ang cellphone nito sa kaniyang bulsa at tsaka nagdesisyong bumaba ng kaniyang kotse. ____________ “Anny! Anong gagawin ko? Hindi ko nga kilala kung sinong lalaki ang nagdala sa akin dito! Hindi ko nga rin alam kung paano ba ako napunta sa bahay na ito, Eh!” “Okay, sige. Magbihis ka muna tapos umalis ka sa lugar na 'yan! Hihintayin na lang kita sa airport. Naintindihan mo ba?” “Thank you, Anny!” wika ni Aliyah kasunod nang paglisan niya sa isang private house malapit sa Beach resort nito. Patakbo niyang tinungo ang isang Beach house kung saan siya nag-check-in. Kinuha niya ang lahat ng mga gamit niya at mabilis siyang umalis. Matapos ang ilang oras na byahe ay narating niya ang NAIA terminal kung saan naghihintay ang kaniyang kaibigan. Patakbo niya itong niyakap nang mahigpit habang maluha-luha ang kaniyang mga mata. “Dapat kasi hindi ka na nagpunta ng Palawan! Alam mo naman doon mo naaalala ang iyong nakaraan.” “I'm sorry, gusto ko lang naman makalimot.” “Nangyari na ang nangyari, wala na tayong magagawa pa. Naibigay mo na rin ang p********e mo sa isang lalaking hindi mo naman kilala!” But don't you worry, anuman ang mangyari. I'm still by your side.” “Salamat talaga sa'yo dahil palagi ka nand'yan para sa akin.” “Ano ka ba wala 'yon!” Isang mahigpit muli nayakapan ang kanilang iginawad sa isa't isa. Napakunot naman ng noo si Aliyah nang makita niya ulit ang lalaking kinaiinisan niya. “Aliyah, pupunta lang ako sa ladies room sandali. Kanina ko pa kasi itong tinitiis, Eh!” “Okay, hihintayin na lang kita,” tanging wika niya sa kaibigan. Napabaling ang tingin niya sa isang bakanteng upuan. Subalit akmang aalis na siya sa kaniyang kinaroroonan nang may ilang armadong lalaki ang humarang sa kaniyang harapan. “Anong kailangan n'yo?” tanong ni Aliyah. “Ikaw ang kailangan namin!” matapang na wika ng isang lalaki. “Kailangan, I'm sorry, hindi ko kayo kilala kaya makakaalis na kayo sa daraanan ko!” Halos walang narinig ang mga lalaki sa kaniya. Napansin rin niya na may nakasuksok na baril sa bandang tagiliran ng baywang ng mga ito. Paatras niyang inihakbang ang kaniyang mga paa. Pakiramdam niya ay may masamang motibo ito sa kaniya. Wala siyang maisip kung sinong tao ang gagawa nito sa kaniya. Maliban na lang sa isang estranghero na nagbanta sa kaniya noong nakaraan. Habang iniaatras niya ang kaniyang mga paa ay unti-unti rin ang mga itong sumusunod sa kaniya. Marahan nitong binitawan ang maletang hawak niya. Nakita rin niya ang paglabas ng kaniyang kaibigan sa isang Ladies room. Ngunit isang malakas na pagsigaw niya sa kaibigan at mabilis siyang tumakbo papalayo. “Anny!” “Aliyah!” pagbaling nito sa kaibigan. Mabilis ang pagtakbo ni Aliyah habang palingon-lingon siya sa kaniyang likuran. Mas gugustuhin niyang makalayo sa mga lalaking kahit kailan ay hindi niya nakilala. Tila mas lalong naging malapit ang kaniyang kapalaran. At sa hindi sinasadyang pagkakataon ay naramdaman na lang niya ang kamay ng isang lalaki sa kaniyang baywang. Napasandal ang mukha niya sa malapad nitong dibdib. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa pagkakakulong nito sa kaniyang katawan. Ang malaking braso nito na pumapalibot sa kaniya. Napaangat ang kaniyang ulo dahil sa baritonong boses nito na kaniyang narinig. “Miss, are you okay?” Tila ba tumigil ang oras nang magtama ang kanilang mga mata sa isa't isa. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito matapos siyang masilayan. Napahinto ang pagbuka ng kaniyang bibig para ito'y sagutin. “Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako! Attorney!” galit nitong untag sa kaniya. “I-I'm sorry, hindi ko naman sinasadya,” tugon ni Aliyah habang mayroong pangamba sa kaniyang nararamdaman. Napalingon muli siya sa mga lalaking humahabol sa kaniya. “Kapag minamalas ka talaga!” sambit nito sa kaniyang sarili. “Sa dami-dami ng tao sa mundo na makikita ko, siya pa talaga,” muli siya napatingin nang marinig niya muli ang tinig nito. “Sorry, 'yon lang ba ang sasabihin mo!” isang matalim na titig nito ang ipinukol ng lalaki sa kaniya. “Hindi ko matatanggap ang sorry mo!” “Okay lang kung hindi mo matatanggap ang sorry ko, pero kailangan ko nang umalis!” Malayo man ang mga lalaking humahabol sa kaniya ay tanging pagkatakot ang kaniyang nararamdaman. Tila ba anong oras ay kaya siyang kuhanin o, damputin sa hindi nito maipaliwanag na dahilan. “Hey!” sigaw ng isa sa mga lalaking humahabol sa kaniya. Kaagad niyang naitulak ang lalaking hindi pa rin siya magawang bitawan. At dahil sa kaniyang pagkakatulak ay bigla nitong nahawakan ang kaniyang mga kamay na ikinatumba nila pareho. Napahiga siya sa ibabaw nito na mas lalong ikinainis ng lalaki sa kaniya. “Do you think, mahuhulog ako sa patibong mo!” “Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo! Kaya bitawan mo ang mga kamay ko!” “Paano kung ayaw ko! May magagawa ka ba!” wika ni Adrian sa galit nitong boses. “Itigil mo na, ang mga kahibangang ipinupukol mo sa'kin! So please, Let me go!” “Ikaw ang mahihibang sa akin at hindi ako!” “Kung ano man ang nasa pag-iisip mo! Hindi ko na problema 'yon!” “Hindi pa ako tapos sa'yo! Attorney, Gomez!” “Magsampa ka na lang sa office ko nang reklamo mo! Nang magawan ko nang paraan ang mga hinaing mo!” Tatayo na sana siya nang may biglang humila sa kaniyang mga kamay. Nagpapalag siya sa bawat hawak ng mga ito sa kaniya. “Bitawan n'yo nga ako!” Pagpupumilit niyang makatakas sa mga lalaking kumuha sa kaniya. Pakaladkad siya ng mga itong kinuha. Na Kahit anong sigaw nito ay walang nangahas siyang tulungan dahil sa mga baril na hawak ng mga lalaking kumukuha sa kaniya. Bigla na lang siyang napabulagta sa sahig nang maramdaman niya ang pagbitaw ng isa sa mga lalaki. Nakita niya ang sunod-sunod na suntok nito sa mga armadong lalaki. Halos sigawan ng mga tao sa airport ang kaniyang naririnig. Hindi na rin niya nakita si Anny dahil malayo-layo na rin kasi ang kaniyang itinakbo. Buhat nang iwan niya ito sa waiting area. Isang magkakasunod na putok ng baril ang kaniyang narinig. Habang nasisilayan niya ang lalaking kinaiinisan rin niya. Subalit sa pagbaling ng mga mata niya sa ibang armadong lalaki ay nakita niya ang pagkuha ng baril sa gawing tagiliran nito. Tanging kaba ng puso niya nang itutok ito sa lalaking nangahas siyang iligtas. Mabilis siyang nakatayo at patakbong tinungo ang kinaroroonan nito. Kasabay nang pagputok ng baril ay mahigpit niya itong niyakap. Hanggang sa maramdaman na lamang niya ang balang tumama sa kaniyang likuran. Napatitig siya sa lalaking may halong pagtataka na gumuguhit sa mukha nito. Kasabay nang pagpikit ng kaniyang mga mata ay ang pagkawalan niya nang malay sa harapan nang lalaking walang humpay siyang pinaka-titigan. ___________ “Halos dalawang linggo ako sa hospital nang malaman ko mula kay Anny ang lahat na nangyari sa akin. Mahilo-hilo akong bumangon at sumandal sa aking unan. Naramdaman ko ang kirot sa bandang likuran ng aking balikat. Akmang aabutin ko ang cellphone ko nang bumukas ang pintuan ng aking silid. May pagtataka man ako sa kaniya ay tanging ngiti ko na lang sa aking mga labi ang iginawad ko sa kaniya.” “Thank you, for saving my life.” Paglapit nito sa aking kinahihigaan. Dala-dala ang isang bungkos ng bulaklak. “Thank you rin dahil tinulungan mo ako.” “I bought white roses for you. I hope you like it.” “Naku, nag-abala ka pa, pero salamat talaga.” Isang dampi ng halik ang iginawad ni Adrian sa kaniya habang hawak ang mga kamay nito. “I'm sorry for what I did last time?” tugon nito sa kaniya. “Let's just forget all that happened,” wika ni Aliyah. “Okay, I will wait until you get out of here and recover. I will help you, no matter what happens?” Muli siya nitong tinitigan habang marahan nitong iniipit sa kabilang bahagi ng kaniyang tenga ang ilang pirasong hibla ng kaniyang buhok na sumasangga sa kaniyang makinis na pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD