Chapter. 13

2255 Words
“Mr. Adrian Casanova. How are you?” ngiting biro at sambit ni Dave sa kaibigan. Naupo ito sa gawing harapan na bakanteng upuan. Kinuha nito sa ashtray ang isang cigarette at mabilis naibuga ang usok nito. Naka-cross pa ang dalawang binti nito habang siya ay pinakatitigan. “Don't look at me like that!” Pagbaling nitong tingin sa kaniyang kaibigan habang hawak ang mga importanteng dokumento nito. “What is your plan? Adrian!” may diin sa wika nito. “Nothing!” Mabilis nitong pagtugon kay Dave. “Really, halos araw-araw mo na nga siya binibisita sa ospital. Tapos sasabihin mo sa akin na wala! Kilala kita Adrian mula ulo hanggang paa. Hindi mo sasayangin ang oras mo sa walang kabuluhang bagay.” “She saved my life. Ibinabalik ko lang naman ang pagligtas niya sa buhay ko! Masama ba 'yon?” “There is nothing wrong, what you are doing! But if your plan is more than that, itigil mo na baka pagsisihan mo lang sa huli ang gagawin mo! I'm always warning you, Adrian!” Isang matalim na titig ang ipinupukol nito sa kaibigan. Pinatay nito ang nagsisilbing baga ng sigarilyo at inilagay nitong muli sa maliit na ashtray. He stood up and put his hand in his pocket. Muli siyang nagsalita habang hindi maalis ang ipinupukol niyang tingin kay Adrian. “I hope you don't go wrong in what you're doing,” tanging wika ni Dave. Napailing na lang siya at nagpasyang umalis sa harapan nito. Natigil ang malalim na kaisipan niya sa mga sinabi ni Dave. Nang bumungad sa harapan niya si Stephanie. Sa tingin pa lang ay maaakit ka na sa magandang hubog ng katawan nito. Ilang taon na rin silang magkasinta pero wala pa rin itong ipinagbabago. Mabait ito at maalaga sa kaniya. Ito ang klaseng babaeng magugustuhan ng kahit sinong lalaki. Na kahit siya ay hindi nakawala sa simple ng maganda nitong mukha. May dala itong supot ng pagkain. Marahan nitong inilagay sa kaniyang lamesa. Umupo ito sa bandang ibabaw ng kaniyang mga hita at pagyakap nito sa kaniyang leeg. “Alam ko na busy ka, pero hindi ako makatiis na hindi kita puntahan dito,” wika ni Stephane. “Thank you, Babe.” “Ano ka ba? Obligasyon ko 'yon bilang kasintahan mo. Isa pa malapit na rin ang kasal natin 'di ba. Na kahit hindi ka mag-propose sa akin. Alam mo na ang isasagot ko!” “Babe, darating din 'yon pero hindi natin kailangang magmadali.” “So,you mean. Maghihintay na naman ba ako nang another year pa uli. Gano'n ba ang ibig mong sabihin?” “Of course not, Babe. May kailangan lang akong ayusin and after that, maaari na tayong magpakasal sa kahit anong simbahan na gusto mo.” “Really!” “Yes, I do!” Halos matamis na halik ang ipinukol ni Stephanie sa mga labi nito. Tila ba walang sino man ang taong makakapaghiwalay sa kanilang dalawa. Natigil siya sa paghalik nang biglang tumunog ang cellphone nito. “Excuse me, Babe,” pamamaalam niya kay Adrian. “I think si Mommy ang tumatawag. I need to go, tatawagan na lang kita kapag nasa bahay na ako.” Muli niyang hinalikan si Adrian at nagmamadaling lumabas ng opisina nito. Tinungo niya ang parking lot na pinagparadahan niya ng kaniyang kotse. Kasunod nang pagsagot nito sa tumatawag. “What!” galit nitong wika sa kabilang linya ng cellphone nito. “I'm sorry, Miss. Stephanie, pero hindi namin mahanap ang pinahahanap mo.” “Binabayaran ko kayo ng malaki! Kaya hanapin ninyo kung na saan ang pinahahanap ko! Dahil kapag hindi ninyo nakita. Ako mismo ang tatapos sa mga sinumulan n'yo! Na iintindihan mo ba!” “Masusunod po, ngunit Miss.Stephanie ayon sa taong napagtanungan ko. May iba na ang nakakuha nito at hindi pa namin matukoy kung sino.” “Gawin n'yo ang lahat kung sino ang taong 'yon! Kung ayaw n'yo magsisi kayo sa huli!” inis na untag nito kasabay nang pag-off ng cellphone nito. “Kung sino ka man, natitiyak kong hindi ka magtatagumpay!” may diin sa mga labi nito na halo-halong emosyon ang kaniyang nararamdaman. Matapos niyang sumakay ng kotse ay mabilis niyang nilisan ang kaniyang kinaroroonan. ______________ “Masakit pa rin ang balang tumama sa aking balikat. Nakalabas na rin ako ng ospital buhat sa ilang araw na pananatili ko dulot nang pagkakabaril sa akin. Pagpasok ko pa lang ng bahay bumungad kaagad sa akin si Anny.” “Welcome back!” tanging wika nito na hindi maipinta ang saya sa mukha. “Ano na naman ba ito, Anny?” “Hoy! Sa tingin mo hindi ko alam na palagi ka na lang binibisita ni Mr. Adrian Casanova sa ospital!” “Ano naman ang mali roon sa ginagawa niya? Nagmamalasakit lang 'yong tao!” “Nagmamalasakit! Talaga lang ha! Samantala sa pagkakaalam ko magkagalit kayong dalawa! Iyan ang palagi mong sinasabi at kinukwento sa akin. Hindi ba galit na galit siya sa'yo dahil doon sa utang mo raw sa kaniya. Tama ako di ba!” “Na misunderstood lang niya 'yon. Humingi naman siya ng sorry. At nagkamali siya sa ibinibintang niya sa akin,” malumanay na wika ni Aliyah. Dahan-dahan itong umupo sa couch at isinandal ang likod nito. Ramdam pa rin niya ang kaunting kirot dahil sa tama ng bala sa kaniyang balikat. “Gano'n lang nagkamali! Oh my god!” Halos paikutin ni Anny ang kaniyang mga mata dahil sa pagtataka nito. “Ewan ko lang ha! Pero bakit gano'n na lang kabilis mo siya patawarin matapos kaniyang insultuhin! Magsabi ka nga sa akin may namamagitan na ba sa inyo habang nasa ospital ka!” “Ano ka ba! Wala!” sigaw ni Aliyah. “Hindi ako naniniwala. Sa mga ngiti mo pa lang kakaiba na.” “Sandali nga Anny. Mas gusto mo ba na malungkot akong nakatingin sa'yo o, nakikita ako! Ha!” bulaslas ni Aliyah. Kinuha nito ang ilang malilit na mani na binuksan ni Anny kanina. Mabilis niya itong ibinato sa kaibigan. “Ano ba! Aliyah, tama na!” Habang isinasangga nito ang kaniyang mga kamay sa ilang pirasong mani na ibinabato sa kaniya. “Ngayon maniwala ka!” Walang tigil na pagbato ni Aliyah sa kaniyang kaibigan na halos magkalat na sa sahig ang mga butil ng mani. “Aliya! Ano ba! Binibiro lang naman kita! At isa pa g'wapo naman siya. Matangkad tapos isang yakap lang sa'yo daig mo pa ang nakakulong sa kaniyang mga bisig!” “P'wede ba Anny! Tumigil ka na sa kahibangan mo dahil hindi mangyayari ang iniisip mo!” ngiting wika ni Aliyah sa kaibigan. “Naku! Sana nga Aliyah magdilang anghel ka! At kung hindi magiging masaya ako para sa'yo. Baka ito na ang panahon para kalimutan mo na si Jacob. Masubukan na mabuksan ang puso mo sa iba para magmahal muli!” Halos malalakas na tawa sa bawat isa ang namumutawi sa loob ng kanilang bahay. Tila ba napapawi ang lungkot na kaniyang pinagdaanan noon. Hindi rin niya maalala ang mga bawat sandali noong nagluluksa siya sa pagkawala ng dating kasintahan. Napapalitan ng ngiti ang kaniyang magandang mga labi. Iniisip pa lang niya si Adrian ay tila ba may kung anong kilig sa puso niya ang kaniyang nararamdaman. Hindi niya masabi kung ano iyon. Ngunit batid niya ang kaba sa kaniyang puso. Natigil ang tawanan nila nang makarinig sila ng sunod-sunod na tunog ng doorbell mula sa labas. “May bisita ka ba Anny?” tanong nito sa kaibigan. Napailing naman si Anny sa kaniya. “Wala naman akong natatandaan na inimbitahan. Maliban na lang kung mayro'n ka sinabihan.” “Wala rin ako.” Kibit balikat ni Aliyah habang nakatuon ang paningin nito sa pintuan na walang humpay sa pagtunog. Minabuting tingnan ito ng kaniyang kaibigan. Subalit hindi siya nakontento ay sinilip niya kung sino ang taong 'yon. Laking gulat ng kaniyang mga mata ng mapagmasdan niya kung sino ang lalaking nasa labas nito. “Adrian,” mahinahon niyang bulong sa kaniyang sarili. Ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Tila ba mas higit pa ito sa dati niyang nararamdaman noon kay Jacob. Hindi niya maipaliwanag. Nahihiya siya at nanlalamig ang kaniyang mga kamay. May kuryenteng dumadaloy sa kaniyang katawan. Kakaiba sa noon at ngayon. Napaharap siya sa salamin. Hindi niya alam kung bakit pero parang gusto niyang maging maganda ang tingin nito sa kaniya. Sinuklay nito ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri. Pinagmasdan rin niya sa salamin ang kaniyang labi. Mapula pa ito pero tingin niya ay hindi kaaya-aya. Nagmadali siyang kuhanin sa sling bag niya ang kulay pulang lipstick. Idinampi niya kaagad ito sa kaniyang mga labi at isang buntonghininga ang kaniyang iginawad sa sarili. Lakas loob niyang tinungo ang pintuan kung saan naroroon si Anny. Mas lalo ang kaba sa dibdib niya nang ito'y mabuksan. Napatitig siya at napatitig rin ito sa kaniyang mga mata. Magsasalita na sana siya nang mauna itong magsalita sa harapan niya. “How are you feeling, does it still hurt?” tanong ni Adrian habang pinagmamasdan nito ang namumula niyang labi. “Okay, na ako. Isa pa bakit nandito ka? Hindi ka ba busy?” “Don't worry, inilaan ko talaga ang oras ko para sa'yo,” ngiti nitong wika sa dalaga. Halos bulta-bultaheng kuryente ang naramdaman ni Aliyah. Nang marinig nito ang sinabi ng lalaking nasa harapan niya ngayon. Tila ba gusto niyang tumigil ang oras. Daig pa niya ang matutunaw sa pagtitig nito sa kaniya. Naramdaman na lang niya ang paghawak nito sa kaniyang mga kamay. Ang malamig na kamay niya ay halos mag-init nang maglapat ang kanilang mga palad sa isat isa. Wala siyang nagawa kundi ang dalhin ito sa couch kung saan siya nakaupo kanina. Ngunit ang pagkakahawak nito sa kaniya ay hindi maalis-alis. Kinakabahan siya sa bawat amoy na nalalanghap niya mula sa pabango nito. Pakiramdam niya ay isang panaginip lang pero sana ay hindi. Iyon lang ang tanging bumibigkas sa kaniyang isipan. Pinilit niyang pakalmahin ang kaniyang sarili at tsaka siya nagsalita. “Kumain ka na ba? May gusto ka bang kainin? Ipagluluto kita.” “Magaling ka magluto?” tanong ni Adrian. “Oo, si Papa kasi ang nagturo sa akin noon. May gusto ka ba na ipaluto sa akin.” Napapangiti man si Adrian sa alok sa kaniya ng dalaga. Hindi niya maiwasan pagmasadan ang magagandang nitong mga mata. Hahaplusin na sana nito ang pisngi ni Aliyah nang bigla na lang itong tumayo. “Sabihin mo na lang sa akin kung ano ang gusto mong lutuin ko. Para naman maipagluto na kita ngayon.” “Basta kung ano ang paborito mo 'yon ang kakainin ko.” Napa-kagat labi na lang siya sa sinabi nito. Tila ba hinahalukay ang kaniyang kaisipan sa makamundong sumisiksik sa kaniyang isipan. Nagpaalam siya at kaagad itinuon ang pansin sa kusina. Dali-dali ang hakbang niya palayo sa lalaki. Dinaig pa niya ang hinahabol nito dahil sa laki nang bawat hakbang ng kaniyang mga paa. Niluto niya ang pininyahang adobong manok. Ito kasi ang special na recipe ng kaniyang ama. Noong nabubuhay pa ang kaniyang ina. Malimit ito ang iniluluto ng Papa niya. Ilang minutong paghihiwa ng mga sangkap ay kinuha na niya ang paglulutuan nito. Binuksan niya ang stove at isinalang ang casserole na may laman na manok at iba pang pampalasa. Feel na feel niya ang bawat halo nito sa kaniyang niluluto. Hindi niya alam pero sa tingin niya ay kailangan na masarap ito sa panlasa ni Adrian. Pakinig niya ang pagtawa ni Anny tila ba ang tagal na nitong kilala ang taong kausap niya. Iniayos niya ang lamesa at saka mga pinggan na paggagamitan nila. Kinuha pa niya ang nakatagong babasagin na baso sa kabinet. Na halos ngayon lamang ito magagamit. Nilinis pa niya ito at itinabi sa kanang bahagi ng plato. Hindi na niya alintana ang pawis na kaniyang nararamdaman. Akmang tatangalin na niya ang suot na apron nito. Nang magulat siya dahil sa baritonong boses na kaniyang narinig. “Ay, kabayo!” Halos mapatalon siya at mapahawak sa kaniyang dibdib dahil sa gulat. Muntikan na rin siyang mawalan ng balanse. Mabuti na lang at mabilis siyang nahawakan ni Adrian sa kaniyang baywang. Napakapit naman siya sa braso nito at ang kanang bahagi ng kamay niya ay nakalapat sa malapad nitong dibdib. Ang lakas ng kabog sa kaniyang puso. Ramdam rin niya ang ang bawat pintig ng puso nito. Nagtama ang kanilang paningin sa isa't isa. Ang katahimikan nila ay tila ba may magnitikong tumatama sa kanilang mga mata. Ngunit bigla na lang binasag nito ang katahimikan. “Kabayo! Mukha na ba akong kabayo sa paningin mo?” wika nito habang nakangiti at nakatitig sa kaniyang mukha. “H-hindi, nagulat lang talaga ako,” mautal-utal niyang sambit. “Maari ko bang tikman ang niluto mo.” “A-ah, Oo sige. Malapit na rin itong maluto.” Aalisin na sana niya ang pagkakahawak nito sa kaniyang baywang. Nang bigla na lamang niya maramdaman ang mainit na dampi ng labi nito. Natigilan siya sa hindi niya mawari na kadahilanan. Nag-iinit ang buong katawan niya. Marami siya tanong sa kaniyang isipan. “Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko? Subalit bakit hindi ko kayang ipaliwanag? Panahon na ba para kalimutan ko ang dating naging bahagi ng buhay ko? Bakit ang bilis? Bakit? Bakit nga ba niya ito ginagawa? Mahal na nga ba niya ako sa ilang sandaling pagkakakilala namin?” paulit-ulit na tanong ni Aliyah. Kasabay nang pagtugon niya sa halik na kanilang pinagsasaluhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD