NAPANSIN ng ibang kasamahan niya sa trabaho ang kakaibang imahe ng kaniyang mukha. Na kahit ang pagtipa ng mga letra sa kaniyang laptop ay humahalintulad sa mabilis na pag-ikot sa kumpas ng orasan. Tila ba napapangiti siya sa tuwing nakikita niya ang larawan nilang dalawa sa screen nito. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na sa mabilis na paraan lang sila magkakaibigan. Ibinaling pa niya paharap sa babasaging salamin ang kaniyang kinauupuang swivel chair. At bahagya siyang sumandal habang hawak ang kaniyang cellphone. Napatingala siya sa kisame na may ngiti mula sa kaniyang labi. Ipinikit nito ang kaniyang mga mata at binigkas pabulong ang pangalan ng lalaking hindi niya inaasahang mahalin.
“Adrian...”
Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Saka niya iminulat ang kaniyang mga mata. Kinuha niya mula sa drawer ang k'wintas na ipinamana pa ng kaniyang ina.
“Amaris...” tanging bulong niya sa sarili habang hindi mawala ang matamis niyang ngiti. Isang pangalan na tumatatak sa kaniyang isipan. Na magpahanggang ngayon ay kaniyang pinapangarap.
“Kung sakaling magkakaanak ako ng babae ay Amaris ang aking ipapangalan. This name meaning “Child of the Moon,” ngiting wika ni Aliyah.
Nawala ang kaniyang pagmumuni-muni nang isang tawag ang kaniyang narinig mula sa kaniyang cellphone. Kinuha niya ito sa ibabaw ng executive table. Tila ba lalong lumawak ang kaniyang pagkakangiti nang sumilay sa kaniya ang lalaking kanina pa niyang hinihintay.
“H-hello...” Tila ba umuurong ang dila niya sa hindi maipaliwanag na dahilan.
“Hi...” malambing na tinig nito sa kaniya. “Kumain ka na ba? Gusto mo ba'ng magpa-deliver ako ng food para sa'yo?”
“Naku! Huwag na A-Adrian,” mauutal-utal nitong sambit. “Bumili na kasi si Anny para sa lunch namin mamaya. So, don't you worry.”
“I'll pick you up later. Pagkatapos ng meeting ko sa mga investors.”
“Ano ka ba! Okay, lang naman sa akin kahit hindi mo muna ako sunduin. Alam ko naman na busy ka rin sa lahat. Isa pa ayokong naaabala ka pa.” Tanging pag-aalala ni Aliyah habang hindi mawala-wala ang matatamis niyang mga ngiti.
Pinaikot-ikot pa niya ang dulo ng hibla sa kaniyang buhok. At sumandal sa headrest ng kaniyang kinauupuan. Hindi niya inakala na ang dating lalaking malimit siyang insultuhin ay ito na pala ang kaniyang iibigan.
“Mabilis lang ang meeting ko. At huwag ka na rin makipagtalo, Okay!” maydiin na tinig ni Adrian.
Wala siyang nagawa kundi sundin na lang ang kagustuhan nito. Napagpasyahan niyang ibaling muli sa laptop ang mga kailangan niyang tapusin. At ilang minuto lang ang nakalilipas ay isang katok mula sa pintuan ng opisina ang kaniyang narinig. Unti-unti naman bumukas ang doorlock ng pinto nito at saka nagsalita sa kaniyang harapan.
“Attorney. Gomez.” Pagtawag nito sa kaniyang pangalan.
“Yes, Lily. Ano'ng kailangan mo?” Pagkunot ng noo ni Aliyah.
“May nagpapabigay nito sa'yo. Hindi ko kilala kung sino. Ibinigay lang sa akin ng security para sa'yo raw.”
“Are you sure? Sino naman ang magpapadala sa akin 'yan?” pagtatakang tanong ni Aliyah.
Tanging kibit balikat lang ang naging tugon sa kaniya ng isa sa mga kasama niya. Ipinatong nito sa exclusive table niya at saka nagpasyang umalis. Magtatanong pa sana si Aliyah. Subalit nakalabas na ito ng kaniyang opisina. Pinagmasdan niya ang mga bulaklak na humuhugot ng alaala sa yumao niyang ina. Ang amoy nito na halos hindi niya maalis sa mga bulaklak. Tila ba may naaalala siya. Ngunit hindi niya matandaan kung saan ba siya nakakita ng katulad nitong bulaklak. Marahan niya itong hinawakan. Kasabay nang pag-angat ay ang pag-amoy niya sa mga bulaklak. Napapaisip siya kung sino ba ang magbibigay nito sa kaniya. Hinanap niya ang greetings card nito. At tanging handwritten lang na may nakasulat na “Have a nice day” ang kaniyang nabasa. Walang ibang pangalan rin siyang nakita. Kahit nakailang baliktad na siya ng card. Minabuti niyang alisin ang mga bulaklak sa pagkakabungkos nito. At saka inilagay sa isang empty vase sa katabi ng side table niya. Nakangiti pa siya habang dahan-dahan niya itong inilalagay. Nilagyan niya rin ito ng kaunting tubig para hindi malanta.
“Mas maganda ka kung d'yan kita ilalagay,” tanging tugon niya na may pagkakangiti sa kaniyang mga labi.
Excited niyang kinuha ang cellphone na nakapatong sa kaniyang lamesa. Isang text message ang kaniyang ipinaabot kay Adrian.
“Thank you, for giving me a beautiful flowers. One of my favorite essent flowers.”
Walang pag-aalinlangan niya itong nai-send. Ngunit hindi pa siya nakontento nag-send rin siya ng mga emoji pictures. Labis-labis lalo ang kaniyang pananabik sa lalaki.
“Mahilig ba talaga si Adrian mag-surprise ng mga magagandang bulaklak.” tanong ni Aliyah.
Naghintay siya sa pag-reply nito. Subalit wala siyang natatanggap na kahit anong mensahe mula kay Adrian. “ Siguro may meeting pa siya sa ngayon.”
Pinagtuunan niya nang pansin ang necklace na nasa leeg niya. “Magiging okay, rin ang lahat. Thank you, Jacob dahil palagi kang nand'yan para gabayan ako. Alam kong pagdating ng panahon. Muli tayong maglalandas na dalawa.” Humugot siya ng malalim na paghinga. At naupo sa couch na katapat lang ng table niya. Ngunit tila napansin niya ang isang black envelope. Na pinaglagyan ng mga bulaklak na hawak niya kanina. Napakunot ang noo niya. Habang ito ay pinagmamasdan niya. Nalaglag kasi ito sa sahig na hindi man lang niya napapansin. Tumayo siya upang kuhanin ang maliit na black envelope. Dinampot niya ito nang marahan habang nakasingit sa ilalim ng exclusive table niya. Marahan ang kaniyang pagbukas sa pagkakadikit nito upang hindi ito masira. Isang papel ang kaniyang kinuha sa loob. At tanging kaba at takot ang kaniyang naramdaman nang mabasa niya ang nakasulat sa papel. Napatayo siya at napahawak sa ibabaw ng kaniyang mesa.
“You're a killer.” Ito ang kaniyang nabasa mula sa maliit na papel.
“S-Sino ang nagpadala nito?” Nanginginig ang kaniyang mga kamay. Tila ba gusto niyang pakawalan ang galit na nagmumula sa pagkuyom ng kaniyang mga palad. Hanggang sa hindi na niya napansin ang paglaglag ng papel na kaniyang hawak. Na tanging pagkatakot ang kumikirot sa kaniyang dibdib. Napahinto siya sa kaniyang kaisipan. Nang mapansin niya ang daloy ng luha sa kaniyang pisngi.
“Sino ba siya? At anong kailangan niya sa akin? Kung hindi si Adrian ang nagbigay nito. Sino?” paulit-ulit niyang tanong sa sarili.
Dinampot niya ang mga nakakalat sa sahig. Saka nito itinapon sa maliit na trash bin na kalapit lang niya. Kinuha niya ang key car remote mula sa kaniyang bag. At walang pag-aalinlangan na lumabas ng kaniyang opisina. Bago pa siya makarating sa parking lot ay may kakaibang pakiramdam ang bumabalot sa kaniya. Mabilis ang bawat hakbang ng kaniyang mga paa. Pakiramdam niya ay may kung sinong tao ang sumusunod sa kaniya. Kaagad siyang sumakay ng kotse at saka niya ito ini-start upang makaalis sa kaniyang kinaroroonan.
“Bakit ba hindi nila ako tigilan?!” wika ni Aliyah. Habang binabaybay ang kahabaan ng highway patungo sa hotel na tinutuluyan ng kaibigan niyang si Anny.
Matapos niyang mai-park ang kaniyang sasakyan ay kaagad siyang nagtungo sa elevator nito. Nasa 6th floor lang ang room ng kaniyang kaibigan. Kaya naman madali lang niya itong mapupuntahan. Sa pagbukas ng lift ay halos matampilok siya sa kaniyang pagmamadali. Wala naman siyang ibang malalapitan kundi si Anny na palaging nand'yan para sa kaniya. Ilang sandali pa ay sunod-sunod na doorbell ang kaniyang iginawad. Tila ba takot ang bumabalatay sa kaniyang katawan. Hindi nga niya alam kung sino ang taong may masamang motibo para sa kaniya. Batid niya ang kaniyang kinahaharap simula noong buksan muli niya ang kaso ng dati niyang kasintahan.
“Anny!” tanging sigaw nito nang magbukas ang pintuan sa kaniyang harapan.
“Aliyah!” Pagtataka sa mukha nito. Nang bumungad sa kaniya ang hindi maipaliwanag na emosyon sa mukha ng kaibigan. “Anong nangyari sa'yo? May problema ba? Bakit tila balisa ka at hindi magkaintindihan?” sunod-sunod na tanong ni Anny.
“Natatakot ako!” nangangatal na sambit nito sa kaibigan.
“Natatakot! Kanino at sino? Ibig mo ba'ng sabihin. Pinagtatangkaan ka na naman ng mga taong may galit sa'yo, ganoon ba?”
“I don't know, Anny. But I'm so scared!” wika nito na may pagkabalisa sa sarili. Daig pa niya ang nagkaroon ng trauma dahil sa nagdaang pangyayari noon. At ayaw na niya itong maulit pa.
“Mag-relax ka nga Aliyah. Hindi mangyayari 'yon dahil nandito ako para sa'yo. Kung kinakailangan natin hanapin ang mga taong gumawa noon. Hahanapin natin baka mabuksan ang matagal na nating hinahanap.”
“Sa palagay mo ba tungkol ito sa kaso ni Jacob?”
“Malay mo di ba! Bakit ka pagtatangkaan kung wala silang dahilan? Isa pa batay sa kakilala ko na pulis. Hindi malabo na may kinalaman sila sa kaso ng dati mong kasintahan. Ngunit ang pinagtataka ko lang, Anong kasalanan mo sa kanila? Sino sila at anong pakay nila sa'yo? Kung sa dati mong kasintahan ang tinutukoy nila. Bakit kailangan na ikaw ang singilin sa bagay na hindi mo naman ginawa? ” wika ni Anny. At bahagya itong napaupo sa couch habang siya ay nagtatanong sa kaibigan.
Minabuti ni Aliyah na ikalma ang sarili niya. Kasabay nang pag-upo nito sa tabi ng kaniyang kaibigan. Hinawakan nito ang mga kamay ng kaibigan dahil sa hindi niya mapigilang kaba ng kaniyang dibdib.
“Noong dumalaw ako sa puntod ni Jacob. Ganoon rin ang nangyari sa akin. May isang lalaking pinagtangkaan rin ang buhay ko. Umuulan pa noon kaya nga nagpasya akong pumunta ng Palawan ng mga araw na 'yon. Gusto kong makalimot sa sakit na naramdaman ko sa pagkawala niya,” maluha-luha niyang wika sa kaibigan.
“Hindi kaya pareho lang sila. Ang taong pinagtangkaan ang buhay mo at ang estranghero na tinutukoy mo. Nahihiwagaan ako, Aliyah.”
“Alam ko, kahit ako rin Anny.”
“You mean, may ginawa na naman ba sila na hindi maganda sa'yo ngayon? Hindi mo pa nasasabi sa akin ang dahilan.”
“Nakatanggap ako ng bulaklak na paborito ni Mama. Dala-dala ni Lily sa loob ng office ko. Akala ko galing kay Adrian ang mga bulaklak kaya nag-send ako ng text message sa kaniya. Ngunit nagkamali ako, Anny! Nakita ko ang black envelope sa ilalim ng table ko. Hindi ko iyon napansin kanina. Natakot ako nang mabasa ko ang–” hindi maituloy-tuloy na wika ni Aliyah dahil sa walang tigil niyang pag-iyak.
“Anong nabasa mo? Please, tell me.”
“Y-You're a killer,” mautal-utal niyang wika. “Anny, kailangan kong mahanap kung sinong tao ang nasa likod nito. Ang taong gumugulo sa akin ngayon! Sino ba siya?! At bakit niya ito ginagawa?!”
Tanging yakap lang ang iginanti ng kaniyang kaibigan. “Mahahanap rin natin ang taong gumagawa sa'yo nito. I'll make sure, na rehas ng bakal ang hihimas sa kaniya,” matapang na untag ni Anny. At mahigpit na pagkakayakap nito sa kaniyang kaibigan.