bc

YOUR SMILE IS MINE ONLY

book_age16+
28
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
confident
billionairess
sweet
office/work place
childhood crush
school
foodie
civilian
like
intro-logo
Blurb

Mayroong naging kasalanan si Richard kay Kriz. ’Yun ang pag-kakaalam ni Kriz. Para kay Richard ay napaka-perpektong tao na niya. Kaya nagtataka siya kung bakit isang araw ay nabalitaan niya sa bestfriend nito na hindi na siya gusto ni Kriz. Sa pagkaka-alam niya ay wala naman siyang nagawang mali para kamuhian siya ng babaeng mahal niya.

Sa paglipas nang panahon hindi nabago ang pagtingin ni Kriz kay Richard. Nasaktan siya noon sila ay highschool pa lamang. She hurt emotionally. Ayaw daw ng binata sa kanya dahil isa lang siyang mahirap na tao.Hindi niya inaasahan na magiging boss niya sa trabaho ang binata. Secretary sa PGC Peralta Group of Companies ang in-aplayan niya. Ang ipinagtataka ni Kriz ay normal lang kung kumilos ang boss niya, normal lang itong makitungo sa kaniya na akala mo walang nagawa sa kanya dati.

Kung kailan nagkakamabutihan na ang ating mga bida sa kwento, kung kailan nagkaroon na ng kasagutan ang mga katanungan ni Kriz tungkol sa nakaraan ay saka naman eeksena sa buhay nila ni Richard ang Bestfriend niya, si Dianne. Si Dianne na current girlfriend ni Richard.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1 Present day
KABANATA 1 “Bilihin mo na lahat ng gusto mo anak huwag ka nang mahiya.” “Talaga po Mama?” “Oo naman anak , sige na .” “Opo” Nasa mall kami ng aking mama. Iniwan muna niya ako dahil magpapa-parlor daw muna siya. Ako naman ay napuntahan na ang lahat ng mga nag-gagandahang boutique. Pero wala akong nagustuhan na kahit ano. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga materyal na bagay. Masaya na ako sa kung ano ang meron kami. Solo akong anak kaya naibibigay ng aking mga magulang ang sapat sa mga pangangailangan ko. Isang buwan na ang nakakaraan nang tumama si papa ng 7B sa isang lottery dito sa bansang Pilipinas. Isang napakalaking pagbabago sa buhay namin ang nangyari pero hindi namin ipinagsasabi sa kahit na sino ang nangyari. Iniisip lang namin ang aming kaligtasan. Sa panahon ngayon marami ang masasamang loob at lalong marami ang hindi mapagkakatiwalaan. Unti-unti ay ipinapaayos ni Papa ang bahay namin. Sabi ko nga kahit hindi na palawakin pa kasi tatatlo naman kami pero sabi ni papa para daw naman maranasan namin ang magkaroon ng bahay na hindi mamroblema sa mga darating na bagyo. May trabaho naman si papa bilang isang janitor sa isang sikat na bangko ang Banco De Oro. Regular worker ang papa ko doon. At si mama naman ay palaging may extra work, isang labandera sa Hospital na malapit dito sa lugar namin. Mas madalas si mama na walang work kaya sa bahay lang siya. Inaalagaan ang maganda niyang anak. Ako 'yon. Hindi naman sa pagmamayabang pero kung ganda ang pag uusapan ay nahahawig ako sa hitsura ni Jun ji-hyun. 'Yon bang sikat na leading actress ni Lee min-ho sa Legend of the Blue Sea. Tanging ako lamang ang naging anak nina mama at papa dahil nagkaroon ng kumplikasyon ang matris ni mama habang ako’y nasa sinapupunan niya . Maswerte pa na nailabas ako nang maayos ni mama dahil sa hirap nito sa pagbubuntis. Kaya siguro hindi na ako nagkaroon ng kapatid . “Anak ano na, may nagustuhan ka ba?” “Wala po mama okey lang naman po ako” “Kakain na lang po tayo mama nagugutom na po ako.” “Anak mula ngayon pag may nagustuhan ka, bilihin mo. Ngayon lang kami makakabawi sa iyo anak, mula nang dumating ka sa buhay namin napaka-tipid mong bata ka. Maano bang bumili ka naman” Si mama. “Ay hala magpasama ka na lang kay Dianne pag may naisipan ka ng bilihin ha anak?” si mama ko na may tampo 'di na lang ako nakipagtalo wala talaga akong nagustuhan at saka di naman ako sanay sa mga ganito eh. Hindi ko nga ginagastos ang mga baon ko dati kasi aanhin ko ba naman 'yon eh nakain naman ako sa bahay namin full tank ako sa umaga tapos nabalik ako sa amin pag tanghali, malapit lang naman. Ok na ako sa bahaw na tanghalian lagi basta may ulam kami na natira sa agahan . Kilala na ako ng mga kaeskwela ko nasanay na sila na kapag lumapit sila sa akin ay may mapapahiram ako sa kanila. Kasi nga raw matipid akong bata. Na inaabuso naman ng karamihan. May mga kaeskwela ako na di na ako binabayaran. “Anak dito tayo sa Buddy’s masarap ang sisig nila dito” Buddy's ay isang sikat na Restaurant na nagmula sa Bayan ng Lucban Quezon. Pancit hab-hab ang specialty nila. Sabi ng marami hindi mo daw mae-enjoy ang pansit kapag hindi mo ito hinab-hab. Ako naman sunod lang kay mama “Mama bahala ka na po sa kakainin ko, kung ano sa iyo ‘yon na din sakin “ "Sige anak" Nagtalikod na si Mama nasanay naman na si Mama na siya ang napunta sa counter at ako hahanap nang mapupuwestuhan namin. Habang nasa counter si mama napatingin ako sa labas ng restaurant. Nasa side kami ng mall. Napatingin ako sa 'di kalayuan sa may parking space ng mall. Parang kilala ko ‘yong lalaking 'yon. Parang nakatingin sa akin. Tama kilala ko nga. Ang mukhang 'yon kailan man ay hindi ko malilimutan. Siya lang naman 'yong nagsabi sa akin na ako’y mahirap lamang. Na hindi kami nababagay! Hindi ko naman narinig sa mismong bibig niya ang mga salitang ‘yon narinig ko lang sa kwento nang kaibigan ko na si Dianne. Na narinig n'ya daw na sinabi ni Richard 'yon. Richard de Vera. Crush ko pa naman siya. Mula noon 'di ko na siya nicrush bad kasi siya sakin. Pero di bale ako lang naman ang nakakaalam at ang diary ko.. Mahilig kasi ako sumulat ng diary everyday ako may nasususlat doon. “Anak sinong tinitingnan mo?” “Yon pong dati kong kaeskwela ‘ma, na crush ko “ with peace sign si ako “Ah yong Richard ba?” Hala kasasabi ko lang na ako lang at si diary ang nakakaalam. “Bakit alam mo ‘ma?” “Secret” “Ah-ah mama naman e “ “Ayan na pagkain natin. Kain na tayo nang makauwi na” Nang mapatingin ulit ako sa labas ay hindi ko na nakita si Richard. Di ko na pinilit si Mama kung paano niya nalaman mausisa ko na lang magkukwento na lng si mama. Ganoon naman si mama maririrnig ko na lang sa bibig niya ang mga bagay kahit 'di ko siya pilitin haha. Mabilis natapos ang aming tahanan . Kahit sinong mapatingin ay nagsasabi na napakalaki nang iginanda ng bahay namin. Ang iba ay nagtataka kung bakit biglaan ang pagbabago sa aming bahay. Sabi na lang namin ay nagloan si papa sa kanyang SSS. Bisita ko ngayon sa bahay namin ang bestfriend ko na si Dianne. “Best ganda na ng bahay ninyo ah, puwede ba dito makitira?” “Ikaw pa best , syempre puwede. By the way kumusta na ang work mo tagal na nating hindi nagkikita ah?” namamanghang inililibot ni Dianne ang kanyang mata sa kabuuan ng bahay. “Ayos lang naman best medyo nangangapa pa ako kasi di pa sanay marami na akong nakilala ka officemate ko. Tinutulungan nila ako 'pag may hindi ako alam.” “Ikaw best natanggap ka na ba sa inaaplyan mo?” “Oo best sa monday ako mag-start sa trabaho ko” Kunting kwentohan pa ay nagpaalam na rin si bestfriend ko dahil may pasok pa raw siya. Sabi ko naman na dito na matulog para maranasan ko ang may katabi sa pagtulog pero sabi niya ay may bisita daw siya na darating. Nobyo niya yata 'yon. Malihim sa mga bagay-bagay ang bestfriend ko. Nasa kwarto na ako nang mag-text si best Dianne. Nanghihiram siya ng pera. “Bakit di ka pa nagsabi nagkita na tayo?” sabi ko. “Nahihiya ako best eh." “Magkano ba best. Kainaman ka naman parang hindi tayo mag-kaibigan niyan ah?” “10 thousand sana baka meron ka best. Nahihiya talaga ako best dami ko na kasi utang sa'yo?” “Laki nyan best ah” Hindi ko puwedeng ipahalata na mayroon naman ako ipapahiram kasi alam mo na mahirap din naman magpautang alam nating lahat 'yan. Mayroon na akong sarili kong Bank account. Sabi ko naman kina mama kahit 'wag na dahil gusto ko sana 'yong galing sa paghihirapan ko ang iiponin ko. “Sige best may ipon pa naman ako send ko na lang sa Gcash mo ha.” “Salamat best napakabait mo talaga at ganda-ganda mo pa” “Hala nambola pa best?” at naputol na ang linya. Hindi na kami nakapag-paalam sa isa't-isa Napaisip ako sa tagal ko nang kakilala si Dianne lagi niya akong hinihiraman ng pera? Laging utang. Utang kalimutan. Hindi naman ako naniningil. Hintayin ko na lang na magkusa siya. Alam naman niya na may utang siya eh. Ah bahala na nga! Medyo malaki na rin nahiram n’ya kung susumahin ko. Hangang sa nakatulogan ko na ang pag-iisip. Lunes. Ready na ako pumasok sa trabaho ko. Konting sipat pa sa salamin at ako’y nasiyahan sa uniforme ng kompanya. Infairness lakas ng porma ng uniform ha. Lakas maka office girl ng dating. At sakto lang sa bewang ko hindi ko na kailangan pang ipa-adjust kay Aling Bebang. Alas otso ang oras ng pasok ko tamang-tama may time pa ko mag-refresh nang sarili ko. Dali dali akong lumapit sa elevator at akmang sasarado na ang pintoan nang biglang bumukas ulit. “Hay thanks po” Napatingin at natigilan ako sa lalaking nakatayo sa loob ng elevator. Biglang bilis ng t***k ng puso ko! aba! Siya 'yon ang lalaking crush ko. Ang lalaking pangarap ko makasama habang buhay. Ang lalaking inaalayan ko ng mga ngiti ko sa araw-araw noong ako’y highschool pa lamang. Ang lalaking hindi ko na nicrush dahil sabi niya hindi ako nababagay sa kanya dahil mahirap lang ang pamilya ko. “Are you coming in or not?” baritonong boses ang nagpabalik ng aking ulirat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook