nakahold lang po muna ang stories ko babalik po ako salamat.
Please support and follow my account I\'m new writer. Thanks everyone.
Don\'t say i love what i\'m doing. Make it happens to love what you\'re doing."it is easier to do something than to try to do nothing"
Isang dalaga ,ay mali isang binata pala.
Babaeng napapag-kamalan na lalaki dahil lagi siyang kasama ng mga kabinataan sa lugar nila.
Madalas nakasuot ng t-shirt at short na six pockets with sombrero pa. Simula bata pa lamang ay lagi na silang magkaka-tropa, magkasama kahit saan mag-punta. Lalo na ang magpinsan na sina Arvin at Maan. Laman ng kalye ang mag-pinsan, sa basketbolan man o sa mga tambayan. Hanggang sa dumating ang panahon ng pagbibinata at pagdadalaga nila.
Si Maan ay unti-unting nagkakaroon ng namumuong pagmamahal sa kanyang pinsan. Hindi lang bilang ka-tropa o pinsan. Kundi bilang isang lalaki.
Hindi naman imposible na magustuhan ni Maan ang pinsan niya una ito ang lagi niyang kasama pagsikat pa lang ng araw. Sa pagdaan ng mga araw patuloy lang na nagugustuhan ni Maan si Arvin. Pero ang nag-iisang dahilan nya’t pilit nilalabanan ni Maan ang pag kagusto niya dito ay dahil pinsan niya ito. Hanggang kailan niya kayang pigilan ang lumalaking pagmamahal sa puso niya para sa itinatangi niyang pinsan. Kaya ba niyang supilin na lang ang nararamdaman para sa katahimikan?
Sinasabing mapagbiro ang tadhana . Tunghayan natin kung paano maglaro ang tadhana sa kanilang dalawa.
Mayroong naging kasalanan si Richard kay Kriz. ’Yun ang pag-kakaalam ni Kriz. Para kay Richard ay napaka-perpektong tao na niya. Kaya nagtataka siya kung bakit isang araw ay nabalitaan niya sa bestfriend nito na hindi na siya gusto ni Kriz. Sa pagkaka-alam niya ay wala naman siyang nagawang mali para kamuhian siya ng babaeng mahal niya.
Sa paglipas nang panahon hindi nabago ang pagtingin ni Kriz kay Richard. Nasaktan siya noon sila ay highschool pa lamang. She hurt emotionally. Ayaw daw ng binata sa kanya dahil isa lang siyang mahirap na tao.Hindi niya inaasahan na magiging boss niya sa trabaho ang binata. Secretary sa PGC Peralta Group of Companies ang in-aplayan niya. Ang ipinagtataka ni Kriz ay normal lang kung kumilos ang boss niya, normal lang itong makitungo sa kaniya na akala mo walang nagawa sa kanya dati.
Kung kailan nagkakamabutihan na ang ating mga bida sa kwento, kung kailan nagkaroon na ng kasagutan ang mga katanungan ni Kriz tungkol sa nakaraan ay saka naman eeksena sa buhay nila ni Richard ang Bestfriend niya, si Dianne. Si Dianne na current girlfriend ni Richard.
Hindi lahat ng tao ay marunong makuntento sa kung nasaan o ano man ang kalagayan sa buhay. At lalo na kung ikaw man ay nasa ibang mundo o daigdig na ginagalawan. Lumaki si Rainey sa mundo ng mga Diwata. Ang mundo niya ay katulad din ng mundo ng mga tao sa lupa. May pabago-bagong panahon, tag-ulan, tag-init, may bagyo, may roon ding mga sakunang kaganapan. Ang kaibahan lamang ay ang mga hitsura ng nilalang sa magkabilang daigdig. Sa mundo ng mga tao ay normal nila tingnan ang bawat isa. Sa mundo ng tao ang tingin nila sa mga diwata ay mga taong puwedeng mong hingian ng hiling na makapagbibigay sa iyong naisin. Sa mundo ng diwata ay kabaligtaran ng iniisip nila para sa mga nilalang sa mundo nang tao. Pero si Rainey para sa kanya magaganda ang tao, at gusto niyang maging katulad ng mga tao. Walang mahahabang tainga. Walang maasul na mata. At higit sa lahat walang buntot. Si Rainey ay isang babaeng mahilig sa adventure, lahat ng lugar na magaganda ay napuntahan na niya gamit ang kanyang mabalahibong paa. Tumatalon sila iyon ang ginagawa niyang paraan para makapunta sa lugar na gusto nilang puntahan. May panahon para sa mga diwata kung kailan puwede na sila gumamit ng mga mahika katulad ng pag-lipad,pag palit-anyo. Ang bawat nilalang sa mundo ng diwata ay magkakaroon ngkabuuang kaalaman tungkol sa kanilang uri sa araw na sumapit ang ika-anim na kaarawan sa karaniwang panahon. Para sa kanila ang edad na 6 ang pinaka-huling stage ng buhay nila bilang bata dahil sa kaalamang mundo na malalaman nila ay makakapagdesisyon ang bawat isa sa kung ano ang gustong gawain para sa kani-kanilang buhay. Hindi mahigpit sa lugar nila . Lahat nang gusto mong gawin ay magagawa mo . Lahat ng gusto mong puntahan ay mapupuntahan mo. Walang batas na mag-pipigil sa iyong gustong gawain. Nag-iisa lamang ang batas sa lugar na 'yon bawal kang umibig sa tao. Paano matutupad ang pangarap ni Rainey na maging tao?kung bawal umibig means bawal din lumabas sa mundong diwata? Makakaya ba niyang suwayin ang kaisa-isang batas ng mundo nila para sa pangarap niya?