
Hindi lahat ng tao ay marunong makuntento sa kung nasaan o ano man ang kalagayan sa buhay. At lalo na kung ikaw man ay nasa ibang mundo o daigdig na ginagalawan. Lumaki si Rainey sa mundo ng mga Diwata. Ang mundo niya ay katulad din ng mundo ng mga tao sa lupa. May pabago-bagong panahon, tag-ulan, tag-init, may bagyo, may roon ding mga sakunang kaganapan. Ang kaibahan lamang ay ang mga hitsura ng nilalang sa magkabilang daigdig. Sa mundo ng mga tao ay normal nila tingnan ang bawat isa. Sa mundo ng tao ang tingin nila sa mga diwata ay mga taong puwedeng mong hingian ng hiling na makapagbibigay sa iyong naisin. Sa mundo ng diwata ay kabaligtaran ng iniisip nila para sa mga nilalang sa mundo nang tao. Pero si Rainey para sa kanya magaganda ang tao, at gusto niyang maging katulad ng mga tao. Walang mahahabang tainga. Walang maasul na mata. At higit sa lahat walang buntot. Si Rainey ay isang babaeng mahilig sa adventure, lahat ng lugar na magaganda ay napuntahan na niya gamit ang kanyang mabalahibong paa. Tumatalon sila iyon ang ginagawa niyang paraan para makapunta sa lugar na gusto nilang puntahan. May panahon para sa mga diwata kung kailan puwede na sila gumamit ng mga mahika katulad ng pag-lipad,pag palit-anyo. Ang bawat nilalang sa mundo ng diwata ay magkakaroon ngkabuuang kaalaman tungkol sa kanilang uri sa araw na sumapit ang ika-anim na kaarawan sa karaniwang panahon. Para sa kanila ang edad na 6 ang pinaka-huling stage ng buhay nila bilang bata dahil sa kaalamang mundo na malalaman nila ay makakapagdesisyon ang bawat isa sa kung ano ang gustong gawain para sa kani-kanilang buhay. Hindi mahigpit sa lugar nila . Lahat nang gusto mong gawin ay magagawa mo . Lahat ng gusto mong puntahan ay mapupuntahan mo. Walang batas na mag-pipigil sa iyong gustong gawain. Nag-iisa lamang ang batas sa lugar na 'yon bawal kang umibig sa tao. Paano matutupad ang pangarap ni Rainey na maging tao?kung bawal umibig means bawal din lumabas sa mundong diwata? Makakaya ba niyang suwayin ang kaisa-isang batas ng mundo nila para sa pangarap niya?
