Tagaktak na ang pawis ni Melody habang naghahalungkat ng mga cd. Medyo maalikabok pa ang mga cd dahil matagal nang nastock ang mga iyon kaya marumi na rin ang mga kamay niya. Pero kahit pawisan at mukhang madungis na ay wala siyang pakialam at sige lang siya sa paghalungkat. Maaga siyang nagpunta ngayon ng divisoria dahil nagtext sa kaniya kahapon ang kakilala nyang tindera na marami raw bagong dating na cd na Korean drama series. Marami kasi siyang inaabangan na drama series na katatapos lang ipalabas sa Korea kaya napasugod agad siya sa stall. Suki na siya doon kaya malaki ang discount niya kapag bumibili siya. Hindi kasi bumababa sa sampung cd ang binibili niya kapag nagagawi siya doon. "Ate, nabigay ko na sa'yo ang lahat ng bagong dating na Kdrama, ano pa ba ang hinahanap mo? Kawaw

