Day off ni Melody ngayon kaya naisipan niyang yayain si Train na manood ng anime. Samurai X ang napili niyang panoorin na alam niyang magugustuhan nito dahil nabanggit nito sa kaniya na paborito nito ang anime na iyon noong bata pa ito. Wala rin naman itong trabaho ngayon dahil araw ng linggo. Gusto sana ng binata na sunduin siya sa bahay pero tumanggi siya. Ayaw niyang istorbohin pa ito dahil minsan lang ito magpahinga. Madali naman niyang nakuha ang instruction nito kaya pagkalipas ng halos isang oras na biyahe ay nakarating na siya sa condominium tower kung saan ito nakatira. Sa tenth floor pa ang unit nito kaya sumakay siya ng elevator at nang makarating sa tapat ng unit ay agad na nagbuzzer siya. Ang mukhang inaantok at naghihikab pa na Train ang sumalubong sa kaniya. Napangiti si

