Halos ikabaliw ni Train ang ibinalita sa kaniya ng nurse na nakaassign sa private room ni Melody. Nang pumunta siya doon ay nalaman niya na nakalabas na pala ito ng ospital at balak pa itong isama ng mga magulang sa Nueva Ecija. Sa labis na pagkataranta ay hindi na siya nakapagbilin pa sa staff niya na aalis siya ng ospital. Basta na lang siya sumakay ng kotse at mabilis na pinaharurot iyon. "Damn!" ilang beses siyang napamura habang hawak niya ng mariin ang manibela. Hindi na dapat siya pumayag pa sa gusto ng ama ni Melody na huwag itong lapitan. Ngayon niya labis na pinagsisihan ang lahat. Napahiya kasi siya nang aminin niya sa pamilya nito ang buong pangyayari. Nagalit sa kaniya ang daddy nito at ipinagtabuyan siya. Wala naman siyang magawa dahil alam niya na hindi magkakaganoon si
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


