
"DR. FAVELLON OBSESSION"PROLOGUE"Kukunin na namin ang baka at palayan niyo, ibabalik namin sa inyo ulit ng buong-buo kapag na balik niyo ang pera." Turan ni kuya isko habang umiiyak kaming tatlong magkakapatid habang si inay at itay nagpipigil ng iyak.Tumango naman si Tatay Benedick. "Oo, kukunin din namin 'yan kapag my pera na kami." Wika nito."Aalis na kami, kahit anong oras pwede kayo pumunta sa bahay para kunin ang mga palayan at baka." Tumango lang sila ama kaya tumalikod na ang mag-asawa kasama ang anak nito na childhood Friend ko na si Lanz."Bye, Shantalle!" Pahabol pa nito bago sumakay sa tricycle nila."B-bye!" Kahit umiiyak pinilit ko nalang mag goodbye pabalik.Nang hindi ko na makita ang tricycle nila Tito Isko hinarap ko sila mama."Ano napo ang gagawin natin?" Wika ko kaya napatingin silang apat sa akin."Ikaw nalang ang maaasahan natin para mabalik ang mga nakuha nila Isko. Ikaw palang ang tapos sa pag-aaral at ang kuya Banjo mo my trabaho pero hindi sapat ang sahod ang bunsong si Danilo hindi pa pwede mag trabaho dahil ten years palang."Graduate ako ng nurse at nakapasa ako sa board exam kaya kahit saan' hospital pwede ako mag-apply bilang nurse dahil Valedictorian din ako at SSLG din noon kaya kahit busy sa mga activity nung collage nakatuon din sa school noon."Pero tay, mababa lang ang sahod ng nurse.""Pero kahit na mababa makakatulong na maka-ipon tayo." Wala naman akong nagawa."Sige po ako bahala. Luluwas ako ng maynila para maghanap ng trabaho." "Kung ayaw mo mag nurse meron akong kaibigan noon nung collage kailangan daw niya ng katulong at napaka laki ng offer niya. Fifty thousand every month. Alam ko natago ko 'yung binigay n'yang card para kung my mahanap ako. Alam ko matatanggap ka doon, maglilinis kalang naman, alam mo naman kung paano lahat pati pag-luluto, 'di ba?" Mahabang lintaya ni mama."Opo , ikaw ba naman po nagturo sa akin lahat non." "Halika pumasok na tayo sa loob para makapag ligpit at kaka-usapin ko ang kaibigan kona pupunta ka doon para sa trabaho." Turan ni mama.Ang bahay namin ay malaki hanggang second floor, medyo makaluma pero napaka ganda dahil kulay puti an ding-ding semento ang bahay namin at my terrace ito. at higit walo ang kwarto kasama na 'yung isang kwarto sa baba at my malawak kaming dinning area at kusina. My Sala din kami na malawak pwede ka mag Chinese garter.Nang makapasok agad kinuha ni mama ang telepono at my pinindot na number habang ako ito kinakausap ni Banjo."Kaya mo ba? Okay lang sa 'yo?"Tumango ako. "Ako ang panganay kaya kakayanin ko para maibalik ang palayan at baka. Every month magpaladala ako ng fourthy thousand ang ten thousand para sa gusto kong bilhin." Saad ko."Kahit twenty-five lang anak okay na." Turan Bigla ni mama habang papalapit na sa amin."Ten thousand lang akin ma sapat na sa akin. Para agad natin makuha at mabayaran narin ang kuryente at tubig at pagkain niyo dito." "Salamat anak. Bukas sabi niya sakto kakauwi lang nila mag-asawa at ang pamangkin nito uuwi bukas." Tumango ako."Ma, tulungan niyo na po ako magligpit ng mga gamit." Tumango ito at inakbayan ako paakyat.Nasa kwarto na kami ni mama nagliligpit nilalagay namin ang mga gamit ko sa isang maleta, kaonti lang dinala ko dahil maglalaba nalang ako. Ang dinala ko lang pantulog na terno at nighties dress den, at dress na mga fitted at mga silicon backless para pag-aalis o gagala my damit ako at ang last ay puro pants at oversized na at naglagay ng isang heels, sapato at nike na tsinelas.May kaya kami sadyang nagipit lang dahil nag ka sakit si mama. Meron itong isang barado sa puso kaya agad in-opera-han kaya umabot iyon ng dalawang million sabi ni papa, nagkulang naman ang mga na-ipon maski sa amin ni Kuya banjona ipon binigay narin namin pang-dagdag pero kulang talaga kaya no choice kami kundi I-sangla ang palayan namin at baka kaysa naman mapahamak si mama."Anak, pasensya na nang dahil sa akin malalayo ka sa amin, kapag nakuha na ang palayan at baka pwede kana bumalik dito. Pero kung nagustuhan mo doon bumisita ka nalang." Saad ni mama sa mahinahon.Binaba ko naman ang make-up set ko at hinawakan si mama sa kamay."Wala po 'yon kaysa naman lumala ang barado sa puso mo tyaka saglit lang naman po ako doon, wala pang isang taon uuwi rin po ako, tyaka kahit gusto ko doon uuwi ako dito." Naiiyak kong boses at niyakap si mama."Kapag hindi mo kaya ang trabaho umuwi ka nalang dito at maghahanap tayong dalawa sa iba." Turan ni mama sabay kalas sa pagkaka-yakap."Basta ma, tatawag ako kapag my nangyari doon. At cha-chat ko si Kuya araw-araw na okay ako at higit sa lahat si Kuya Banjo cha-chat ko kapag gusto kona umuwi.""Halika na ma kain na tayo para maaga tayong matulog, habilin ng doctor bawal ka magpuyat o ma-stress baka daw bumalik ang barado." Pa-alala ko."Sige." Ibinaba ko naman sa kama ang maleta ko at hinatak sa gilid.Kakausapin ko pala si Lanz pagkatapos kumain sa puno ng manga-han, lagi namin ginagawa iyon bago ma

