Story By Jaha Mara
author-avatar

Jaha Mara

bc
HIRING AS A MOTHER OF THE CHILD OF MR. BILLIONAIRE
Updated at Nov 21, 2024, 06:36
HIRING AS A MOTHER OF THE CHILD OF MR. SEVERIONCHAPTER 1"Ahvi, tara na." Nang marinig ko ang boses ni mairah, nagmamadali na akong lamabas, dahil baka kanina pa ito naiinip sa kakahintay saakin.Maghahanap ako ng trabaho ngayon, sobrang kailangan ko talaga lalo na wala na kong pera pambili sa sarili kong mga gamit o kahit pagkain man lang. Mahirap talaga pag nandito ka sa syudad mahirap hanapin ang pera at ang dali maubos dito. Dahil minsan may gusto akong bilhin at hindi ko makonrol minsan ang sarili ko at mabili ko ang mga bagay nayon."Ang tagal mo naman! Kanina pa ako dito at kanina narin ako kinakagat ng lamok dahil sa tagal mo." Reklamo nito.Hinila ko nalang siya para hindi na ito magsasalita, para din itong si aling sanding dahil sobrang ingay ng bunganga mas maingay pa ito sa bunganga ni aling sanding diyan sa kabilang bahay na tinitirhan ko."Alam mo ba may naghihire ngayon, pero hindi bilang janitress, maid or ano pa. Ang hinahire nila ay magiging isang ina sa anak ni Mr. Severion." Tumigil ako sa paglakad at nagtataka ko itong tiningnan."Huh? Bakit kailangan pang mag hire ng isang ina? Diba may ina nayon? At isa pa ngayon ko lang naririnig yang trabaho nayan." Naguguluhan na sabi ko sakanya."Kahit ako naman ahvi naguguluhan o nagulat din dahil diyan. Pero tanggapin nalang kaya natin? Baka kasi ito lang ang makakatulong sayo o saakin at baka isa din saatin ang matanggap di swerte dahil may trabaho na. Kahit weird." Nagkibit balikat ito habang nagsasalita."Alam mo baliw ata yang nag hihire sa ganyan trabaho, kuha mo yon? Bakit kailangan pang mag hire kong may ina naman yon." "Kaya nga nag hire diba dahil wala, jusko ang hina ng utak mo ahvi, hindi mo parin nakukuha yong punto kung bakit sila nag hihire niyan. Kaya sila kumukuha ngayon dahil siguro naghahanap ang bata ng ina na makakasama niya kahit panandalian lang." Mahabang sabi nito."Oo na ikaw na ang tama ako na ang mali, ikaw na ang mabilis makuha ang punto. At ako na ang mahina." Umirap ako sakanya at nagpapatuloy na sa paglalakad."Ayan ka nanaman." Sabi nito.Kahit hindi ako tumitingin sakanya, alam kong umiiling ito ngayon.__________Ilang oras din kami sa paglalakad at naka abot na kami sa tambayan ng mga tricycle. Medyo malayo layo din dito saamin ang mga sasakyan. Medyo siksik kasi ang lugar namin at hindi mapapasokan ng malalaking sasakyan. Ang makakapasok lang yong mga motor, hindi yong mga tricycle."Manong sa Severion place nga po." Si mairah na ang nagsasalita, sinusundan ko nalang siya ngayon. Siya lang ang may alam ng lahat o saan kami pupunta kaya siya ang susundan ko ngayon.Sumakay na kaming dalawa at nagsimula ng umandar ang sinasakyan namin ngayon.Tumitingin ako sa labas, medyo malayo layo ata yong lugar nayon. Mga apat na oras din ang byahe namin at nakaabot na.Hindi na nakapasok ang tricycle dahil bawal daw dito. Hanggang gate lang kami."Manong, kami po yong mag aapply kay Mr. Severion." Sabi ni mairah.Pinagmasdam ko lang ang mga ginagawa niya, siya lang ang palagi kong sinusundan dahil siya lang ang may alam nito."Mag aapply din pala kayo, sige good luck ma'am at sana matanggap ang isa sainyo." Nakangiting sabi ng guard at agad nitong binuksan ang gate.Pumasok na kami ni mairah at kumapit ako sa braso niya, nakaramdam ako ng kaba at hindi ko alam kong saan yon galing."Sino kayo?" Napatigil kami sa paglalakad ng may narinig kaming isang boses ng babae at tila matanda na ito. Agad kaming humarap dito at si mairah na ang sumagot."Ano po kami po yong mag aapply." Nakangiting sagot ni mairah."Ahh sige, sige sundan niyo lang ako para malaman niyo kong saan ang opisina ni sir dito." Sabi nito.Tulad ng sinabi niya, sinundan nga namin ito hanggang sa huminto kami sa isang itim na pinto. Wala namang kakulay kulay ito para namang ang lungkot ng mga kulay sa paligid ng opsinang ito."Pumasok na kayo, pero isa isa lang."Umuna ng pumasok si mairah at nandito lang ako sa labas at naghihintay sakanya. Nakaramdam ako ng kaba ngayon at hindi ko alam kong saan naman ito galing.___________Mga ilang oras din ang tinagal at lumabas na si mairah at nakangiti akong tumingin dito. Pero napawi yon ng makita ko ang malungkot na mukha nito."Natanggap kaba?" Nag alalang tanong ko sakanya.Umiling naman ito agad kayang pinagbagsakan ako ng lupa dahil sa nalaman. Mas lalo akong kinakabahan, hindi nga tinaggap si mairah ako pa kaya?Pero gusto ko ding subukan, pumasok na ako sa loob at pagkapasok ko. Halos makilabutan na ako sa mga nakikita sa paligid. Halos dilim ito at walang kakulay kulay."What your name?" Agad akong napaharap sa isang lamesa na puno ng mga papel at doon naka tuon ang atensyon nito ngayon."Karina Ahvina Rosario po." Mabilis na sagot ko dito.Umangat ang tingin nito at kita ko ang gulat sa mukha niya pero agad din itong nawala at seryoso ulit itong tumingin saakin."Age?""23""You have a experience?""Opo meron, i have a lot of experience." Sagot ko sakany
like
bc
A HUSBAND'S REGRET
Updated at Nov 18, 2024, 01:54
A HUSBAND'S REGRETPrologueNapatingin ako sa cellphone kong patuloy na nagriring.Ngunit wala akong balak na sagutin iyon dahil si Celestine lang naman ang tumatawag at wala akong panahon na makipag-usap pa sakan’ya.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ko ang nakaraan namin dalawa.Inooff ko ang cellphone at naramdaman ko ang malambot na palad ng babaeng nakaupo sa aking kandungan, ngumiti ito sa akin at siniil ako ng halik.Mabilis na napatayo si Mica sa pagkaka upo sa aking kandungan ng malakas na bumukas ang pinto, iniluwa no’n ang hingal at galit na mukha ni Celestine.Dumako ang kan’yang paningin kay Mica na nakayuko at tiklop kapag nand’yan si Celestine. Sino ba naman na hindi? Marami ng pinahiya at idenemanda si Celistine, halos lahat nalang ng nagiging babae ko.Matalim na dumako ang kan’yang paningin kay Mica na sinenyasan ko na umalis na kaya napabalik ang kan’yang masamang tingin sa akin.“Anong kailangan mo?” walang gana kong tanong habang nakatitig sakan’ya. Ipinahid niya ang butil ng luhang mabilis na kumawala.“Kanina pa kita tinatawagan at ngayon maaabutan kong nasa nakikipaghalikan ka sa ibang babae!” nanginginig ang kan’yang boses at pigil ang sariling lumapit sa akin upang padapuin sa akin ang kan’yang palad.Manhid na ang mukha ko sa paulit ulit n’yang sampal, ang gusto ko ay pirmahan niya ang divorce paper at umalis na sa buhay ko.“Hanggang ngayon hindi ka padin sanay Celestine?”Sarkastiko s’yang natawa at pinahid ang luha sa mga mata.“Kung wala kang paki alam sa‘kin sana—kahit kay Austine nalang Craig!”malamig ko s’yang tinitigan.“Bakit ako magkakaroon ng pakialam sa batang hindi ko naman anak?”Natawa si’ya kasabay ng pag ragasa ng kan’yang mga luha.“Anak mo si Austine. Craig! ”Ako naman ang natawa.“At sinong maniniwala sa babaeng nagising katabi ng ibang lalaki sa Condo? Nakakalimutan mo na ba na ikaw ang gumawa ng ikinasira natin dalawa?” direkta kong tanong sakan’ya.“L-limang taon na ang nakakaraan Craig! P-pinagsisihan ko ng lahat ng ‘yon.”“Too late. ”“Nasa hospital si Austine ngayon kaya kailangan kita! Saka mo na ‘ko sumbatan dahil kailangan ka ng anak natin!” “Anak mo lang Celestine. ”Matagal s‘yang napatitig sa’kin habang lumuluha bago tumalikod at mag martsa paalis ng office ko.Limang taon ang nakakaraan ng mangyari ang hindi ko inaasahan, She cheated, She slept with other guy. 10year’s kaming magkarelasyon at isang taon pa lamang ng ikasal kami.Maluwag naman si’ya sa lahat, She can go somewhere with her friend’s. Pero sinira niya lang. Nalasing si’ya at.Magdamag s’yang hindi umuwi noon, pagod ako sa maghapon trabaho habang si’ya ay pumaparty lang magdamag.Don na lumamig ang pagsasama namin, at don na rin ako natutong mambabae at ibalik sakan’ya lahat ng sakit na naramdaman ko noon.Hindi ko si’ya magawang patawarin kahit anong gawin ko, tuluyan ng nawala ang pagmamahal ko para kay Celestine. Nakikipag divorce na ako sakan’ya ngunit ayaw niya.Until i met Cristina.Simple at hindi ganoon kaganda, hindi ganoon kayaman ngunit aminado akong minahal ko siya. Hindi lang isang bastang babae si Cristine para sa ’kin. I love her.Ngunit nawala si’ya sa akin matapos s’yang gawan ng kaso ni Celestine dahilan para siya’y makulong, nagpyansa ako para sakan’ya at handa na kaming magsamang dalawa ngunit bigla nalang s’yang umiwas at lumayo.Because of Celestine! Sobrang bato na ng puso ko para sakan’ya! Sobrang walang wala ng natitira kun’di galit. Nagbuntis si’ya ngunit alam kong hindi naman iyon sa ’kin, matagal kaming nagsama at walang nabuo. Matapos n’yang makipagsiping sa ibang lalaki at don lamang ito nagbuntis?Malaki na ang bata at wala akong kahit na anong amor na nakikita para sa batang ’yon. Tinatawag ni’ya kong Daddy ngunit hindi ko iyon pinapansin, never kaming nagsama bilang mag ama dahil lagi kong inaabala ang sarili sa pagtatrabaho. Hindi ko maitatanggi na kahit sa anak ni’ya at napupuot ako, dahil bunga iyon ng pagtataksil ni Celestine. Nagbuntis si Cristina sa anak namin ngunit nalaglag lamang, at alam kong dahil iyon kay Celestine.Tumayo na ’ko at iniligpit ang gamit ko, hindi ako umuuwi sa bahay kung sa’an ako nakatira, nag s-stay ako sa Condo. Kung ayaw ni’ya makipag divorce ay mas mabuting wag na kaming magsama.Nagdrive na ’ko pauwi at.Nagising ako sa isang bangungot ng gumimbal sa ’kin ang balitang.Dalawang araw na ng hindi ko makita si Celestine, naging masaya ako sa dalawang araw na hindi ko nakita ang mukha ni’ya at hindi nangungulit pa sa buhay ko.Natagpuan ang kotseng gamit ni Celestine sa liblib na lugar, Wala na ang mahalagang bagay sa kan’yang bag at kotse at wala na din do’n si Celestine.Nanatili sa hospital ang anak n’yang si Austine na kinailangan kong puntahan dahil wala ang kan’yang ina.Nag matches ang dugo namin dalawa kaya para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto kong totoong anak ko ang batang nakaratay sa hospital bed na pinagdamutan ko ng pagmamahal at att
like
bc
𝗜'𝗠 𝗜𝗡 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗬𝗘𝗥
Updated at Nov 15, 2024, 10:29
𝗜'𝗠 𝗜𝗡 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗬𝗘𝗥PROLOGUE: Everything has changed. Pati takbo ng buhay ko nagbago na rin. I can't even imagine na ganito kalayo ang mararating ko sa paglalaro ng moba games. Tutuusin nga kung hindi ako pumasok sa E-Sports hindi ganito ang magiging buhay ko. But at the end of the day, gigising ka sa reality na ang lahat ay panandalian lang. Yes, nakamit mo na ang gusto mong makamit. Pero bakit gano'n? Bakit parang may kulang pa? Oo, masaya ako sa paglalaro dahil pangarap ko ring makatungtong sa world stage. Mahawakan ang trophy habang sinisigaw nila ang pangalan ko. Gusto ko na lang matawa dahil sa sobrang laki ng pangarap ko na alam ko namang hindi na 'yun matutupad. “What's happening to you, Vex? Hindi ka naman ganito maglaro? May problema ka ba? O baka naman wala kang tiwala sa teammates mo?” We're heading to the playoffs. Dalawang laro na lang at makakapasok na kami sa finals pero bakit ngayon pa'to nangyari? Nasasaktan ako sa katotohanang baka ako pa ang maglaglag sa kanila. “Dalawang laro na lang. Sana h'wag mo kaming biguin.” Sobrang bigat ng nakapasan sa balikat ko. I bowed my head. “S-Si Adria muna ang ipasok niyo sa susunod na match.” Nag-angat ako ng tingin para tignan kung anong magiging reaksiyon nila. I know I made a big mistake. Sapat na siguro ang rason na 'yun para hindi muna ako makapaglaro. “A-Are you sure a-about that?” Isang simpleng tango ang ginawa ko. Mahirap sa'king bitawan ang paglalaro. Para na rin naman 'to sa lahat. “Magpahinga muna tayo. Let's talk about it later.” Sinundan ko ng tingin si Zero. I disappoint him again. Tiningnan ko ang iba baka may gusto pa silang sabihin pero isa-isa na lamang silang nagsialisan sa harap ko. “Ako na lang sana ang pinalaro nila no'ng una pa lang.” “Adria, that's enough.” Saway ni Coach Wan sa kanya. Umalis na rin ito gaya ng iba. Tanging kami na lang ni Coach Wan ang naiwan sa may dining area. Napaupo ako sa silya dahil pakiramdam ko ilang segundo na lang at mawawalan na ako ng lakas. “Sorry, coach.” Naitakip ko ang aking palad sa aking mukha dahil sa sobrang pagkadismaya. I've waited for this chance for so long but what did I do? Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Wala na akong ibang ginawa kundi ang ipatalo ang team. Gusto ko lang namang patunayan ang sarili ko na kaya ko ring makipagsabayan sa kanila. But this happened. They are right from the very beginning, wala sigurong lugar ang katulad ko sa E-Sports. I'm just a girl, nangangarap sa makarating sa kinatatayuan ko ngayon. “Vexia, it's not your fault. Kung alam lang sana nila ang pinagdadaanan mo, sigurado akong maiintindihan nila.” Pero hindi nila ako maiintindihan. Isa lang naman ang gusto namin. Walang iba kundi ang manalo. Makamit ang tropiyo na matagal na naming inaasam. “How's your hand?” Pinasok ko ang aking kamay sa bulsa ng jacket. Ayaw ko munang pag-usapan ang tungkol dito. I've done enough. Ang dami ko ng kapalpakang ginawa sa grupo. At ngayon wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Lalo na kay Zero. He trusted me but I broke it.“M-Magpapahinga na ako, coach.” Paalam ko at patakbong nagtungo sa kwarto. Walang tigil ang pag-agos ng aking luha habang sinusulyapan ang kamay ko. Bakit ngayon pa? Ngayon pang may pag-asa na kaming makapasok sa finals. Nilapag ko sa mesa ang cellphone ko. Hindi muna ako nagbukas ng social media dahil alam kong huhusgahan na naman ako ng mga tao. Sa ilang buwan ko palang dito, marami na akong nababasang masasakit na salita mula sa kanila. ‘ I suggest na magpahinga ka muna. Baka mas lalo pang lala 'yang nararamdaman mo. Alam kong importante ang paglalaro sa'yo, Ms. Vexia pero mas importante ang sarili mo. Tumigil ka muna sa paglalaro hangga't maaga pa. Sa lagay ng kamay mo ngayon, kapag hindi ito naagapan sadly to say this baka hindi ka na makapaglaro pa ulit.’ I closed my eyes. Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang aking hikbi. Gano'n na lang ba kahirap abutin ng pangarap ko? Kung saan nabigyan na ako ng pagkakataon, ngayon pa 'to nangyari. Ang lupit nga naman ng tadhana. Inayos ko muna ang aking sarili bago damputin ang cellphone na nasa mesa. I checked the caller's name. Hindi na ako nagdalawang-isip na sagutin ang tawag ni mom. “ Mom?” “Vexia, kailan ka ba uuwi? Nag-aalala na kami ng dad mo sa'yo. Sinasabi ko na nga bang walang kahihinatnan 'yang paglalaro mo!”“Magpapahinga na ako, mom.” I said as I ended the call. She doesn't care? Hindi man lang nila ako kinamusta? Desisyon mo rin 'to, V. Kaya panindigan mo.Humiga ako sa kama habang yakap-yakap ang unan. Isinubsob ko ang aking mukha do'n. Wala ng pag-asa, Vex. Wala ng pag-asa para maabot mo ang mga pangarap mo.
like
bc
DR. FAVELLON OBSESSION
Updated at Nov 14, 2024, 15:40
"DR. FAVELLON OBSESSION"PROLOGUE"Kukunin na namin ang baka at palayan niyo, ibabalik namin sa inyo ulit ng buong-buo kapag na balik niyo ang pera." Turan ni kuya isko habang umiiyak kaming tatlong magkakapatid habang si inay at itay nagpipigil ng iyak.Tumango naman si Tatay Benedick. "Oo, kukunin din namin 'yan kapag my pera na kami." Wika nito."Aalis na kami, kahit anong oras pwede kayo pumunta sa bahay para kunin ang mga palayan at baka." Tumango lang sila ama kaya tumalikod na ang mag-asawa kasama ang anak nito na childhood Friend ko na si Lanz."Bye, Shantalle!" Pahabol pa nito bago sumakay sa tricycle nila."B-bye!" Kahit umiiyak pinilit ko nalang mag goodbye pabalik.Nang hindi ko na makita ang tricycle nila Tito Isko hinarap ko sila mama."Ano napo ang gagawin natin?" Wika ko kaya napatingin silang apat sa akin."Ikaw nalang ang maaasahan natin para mabalik ang mga nakuha nila Isko. Ikaw palang ang tapos sa pag-aaral at ang kuya Banjo mo my trabaho pero hindi sapat ang sahod ang bunsong si Danilo hindi pa pwede mag trabaho dahil ten years palang."Graduate ako ng nurse at nakapasa ako sa board exam kaya kahit saan' hospital pwede ako mag-apply bilang nurse dahil Valedictorian din ako at SSLG din noon kaya kahit busy sa mga activity nung collage nakatuon din sa school noon."Pero tay, mababa lang ang sahod ng nurse.""Pero kahit na mababa makakatulong na maka-ipon tayo." Wala naman akong nagawa."Sige po ako bahala. Luluwas ako ng maynila para maghanap ng trabaho." "Kung ayaw mo mag nurse meron akong kaibigan noon nung collage kailangan daw niya ng katulong at napaka laki ng offer niya. Fifty thousand every month. Alam ko natago ko 'yung binigay n'yang card para kung my mahanap ako. Alam ko matatanggap ka doon, maglilinis kalang naman, alam mo naman kung paano lahat pati pag-luluto, 'di ba?" Mahabang lintaya ni mama."Opo , ikaw ba naman po nagturo sa akin lahat non." "Halika pumasok na tayo sa loob para makapag ligpit at kaka-usapin ko ang kaibigan kona pupunta ka doon para sa trabaho." Turan ni mama.Ang bahay namin ay malaki hanggang second floor, medyo makaluma pero napaka ganda dahil kulay puti an ding-ding semento ang bahay namin at my terrace ito. at higit walo ang kwarto kasama na 'yung isang kwarto sa baba at my malawak kaming dinning area at kusina. My Sala din kami na malawak pwede ka mag Chinese garter.Nang makapasok agad kinuha ni mama ang telepono at my pinindot na number habang ako ito kinakausap ni Banjo."Kaya mo ba? Okay lang sa 'yo?"Tumango ako. "Ako ang panganay kaya kakayanin ko para maibalik ang palayan at baka. Every month magpaladala ako ng fourthy thousand ang ten thousand para sa gusto kong bilhin." Saad ko."Kahit twenty-five lang anak okay na." Turan Bigla ni mama habang papalapit na sa amin."Ten thousand lang akin ma sapat na sa akin. Para agad natin makuha at mabayaran narin ang kuryente at tubig at pagkain niyo dito." "Salamat anak. Bukas sabi niya sakto kakauwi lang nila mag-asawa at ang pamangkin nito uuwi bukas." Tumango ako."Ma, tulungan niyo na po ako magligpit ng mga gamit." Tumango ito at inakbayan ako paakyat.Nasa kwarto na kami ni mama nagliligpit nilalagay namin ang mga gamit ko sa isang maleta, kaonti lang dinala ko dahil maglalaba nalang ako. Ang dinala ko lang pantulog na terno at nighties dress den, at dress na mga fitted at mga silicon backless para pag-aalis o gagala my damit ako at ang last ay puro pants at oversized na at naglagay ng isang heels, sapato at nike na tsinelas.May kaya kami sadyang nagipit lang dahil nag ka sakit si mama. Meron itong isang barado sa puso kaya agad in-opera-han kaya umabot iyon ng dalawang million sabi ni papa, nagkulang naman ang mga na-ipon maski sa amin ni Kuya banjona ipon binigay narin namin pang-dagdag pero kulang talaga kaya no choice kami kundi I-sangla ang palayan namin at baka kaysa naman mapahamak si mama."Anak, pasensya na nang dahil sa akin malalayo ka sa amin, kapag nakuha na ang palayan at baka pwede kana bumalik dito. Pero kung nagustuhan mo doon bumisita ka nalang." Saad ni mama sa mahinahon.Binaba ko naman ang make-up set ko at hinawakan si mama sa kamay."Wala po 'yon kaysa naman lumala ang barado sa puso mo tyaka saglit lang naman po ako doon, wala pang isang taon uuwi rin po ako, tyaka kahit gusto ko doon uuwi ako dito." Naiiyak kong boses at niyakap si mama."Kapag hindi mo kaya ang trabaho umuwi ka nalang dito at maghahanap tayong dalawa sa iba." Turan ni mama sabay kalas sa pagkaka-yakap."Basta ma, tatawag ako kapag my nangyari doon. At cha-chat ko si Kuya araw-araw na okay ako at higit sa lahat si Kuya Banjo cha-chat ko kapag gusto kona umuwi.""Halika na ma kain na tayo para maaga tayong matulog, habilin ng doctor bawal ka magpuyat o ma-stress baka daw bumalik ang barado." Pa-alala ko."Sige." Ibinaba ko naman sa kama ang maleta ko at hinatak sa gilid.Kakausapin ko pala si Lanz pagkatapos kumain sa puno ng manga-han, lagi namin ginagawa iyon bago ma
like
bc
BEG AT ME AGAIN MY EX HUSBAND
Updated at Nov 13, 2024, 05:38
"BEG AT ME AGAIN MY EX HUSBAND"PROLOGUE "Love, my sasabihin ako!" Masaya kong turan ng makita ko siya sa garden na medyo gulo-gulo ang buhok halatang naka-uwi lang galing office."Let's break up, Xyrille." Malamig na boses ni Knight sa akin na ikinanlumo ko."But why? Wala naman akong ginawa, hindi ko alam ang nangyaring 'yon, set up lahat 'yon ng ex mo at mom mo." Iyak kong turan."Do you think I'll believe in you again? No, never, pare-parehas ka lang ng ibang babae, sinungaling. Kaya bakit pa kita papakinggan?!" "Okay na siguro ang five years na pagsasama, kaya pirmahan mona ang annulment para malakad kona at makahanap na'ko ng ibang mapapangasawa, na mas better sa 'yo!" Binato naman niya sa akin ang isang brown envelope kaya pinulot ko iyon sa sahig habang umiiyak."Maniwala ka sa akin, mahal kita—shut up, ayokong makarinig ng ganyang salita galing sa bibig mo!" Putol nito sa akin habang nakaduro sa tapat ng bibig ko."Bakit ka naniniwala sa kanila, ako ang asawa mo! Asawa mo'ko kaya sa akin ka makinig." Sigaw ko habang bumubuhos lalo ang luha ko."Isakang babaeng malandi noon pa man alam ko na 'yon, kaya naniniwala ako kay mom na niloloko mo'ko, matagal na!""Gusto lang niya tayo maghiwalay dahil simula ng bumagsak ang company nila nang dahil sa atin nagalit siya sa akin! Kaya ganon nalang nila ako I set up maniwala ka." Hinawakan ko naman ito sa kamay.Pumiglas naman din siya kaagad. "Don't touch me, nakakadiri kana. Never akong nagka-asawa ng madumi."Sinampal ko naman siya ng malakas sa kanan. "Ganyan naba ang tingin mo sa akin huh? Alam mo una hanggang huli ikaw lang ang minahal ko!" "Pwede ba huwag mona akong gaguhin? Ilang beses mo nang sinabi 'yan sa mga lalaki mo na nakama mo?! Ilan na kaming mga lalaki ang sinabihan at tinikman mo!" Sigaw nito sa garden na medyo um-echo.Sinampal ko naman siya ulit kaya lumapit sa akin lalo si Knight. "Totoo naman 'yon, isa kang babaeng easy to get, 'di ba lagi kang nasa bar kasama ang mga kaibigan mo? Syempre natikman kana, baka nga lahat 'yon natikman mona pati matanda. Tapos kapag-uwi mo, ako naman." Sarkastiko nitong turan at tumawa na parang demonyo."Gago ka, hindi ako ganong babae, walang kumama sa akin maliban sa'yo! Ikaw pa nga nakakuha ng pagkababae ko na matagal kong iningatan!" Sigaw ko habang hinahampas siya ng buong lakas."Walang hiya ka! Lagi akong nasa gimik pero hindi ako ganon, alam mo 'yan. Sinasabi mo 'yan para ano? Maka pirma ako! Then fine pipirmahan ko!"Pansin ko naman na natigilan ito saglit. "Good, here's the pen." Sabay bigay ng ballpen galing sa bulsa ng tuxedo nito."Pero tandaan mo kapag pumirma ako wala kanang babalikan, wala maski isa sa amin!" Makahulugan kong turan.Yes, buntis ako 2 months na at balak ko na sa nang sabihin ng mangyari ito."What do you mean, maski isa sa amin?" Konyo nitong turan."Hindi kona sasayangin ang laway ko para magpaliwanag pa sa'yo, dahil hindi mo rin naman ako paniniwalaan. Hindi ba sabi mo isa akong easy to get? Baka nga." Lumapit naman ako sa lamesa at pumirma.Habang pumipirma ako tumutulo sa papel ang luha ko.Hindi ko akalain na ganon ang turing niya sa akin. Kahit kelan hindi ko ginawa 'yon, siya lang ang lalaking nakama ko ng ilang years, wala ng iba.Nang napirmahan kona agad ko itong binalik sa loob ng brown envelope at agarang ngumiti ng makaharap ako. "Thank you, thank you sa pagmamahal na hindi ko makakalimutan. Sana maging Masaya ka sa bago mong mapapangasawa, mag-iingat ka." Lumapit naman ako sa kaniya at hinaplos ang pisngi nito.Napansin ko naman na nangingilid ang mga luha nito pero hindi niya magawang umiyak. "Mahalin mo siya kagaya ng pagmamahal mo sa akin, good luck to your new journey. Don't worry wala akong galit sa inyong lahat, kahit grabi ang ginawa niya sa akin. Balang araw malalaman mo rin ang lahat na hindi ko ginawa 'yon, alam mo 'yan kahit dati pa pero dahil sa kanila naikot kana." Hagulgol ko."Kahit ganon pa man, masaya parin ako dahil malaya kana, makakahanap kana ng babaeng mas better at mas mamahalin ka. Tandaan mo mahal na mahal na mahal kita. And I'm happy because you came into my life, naging asawa kita ng ilang years at lahat 'yon ay magiging alaala. At napaka saya ko dahil naransan ko ang mahalin ng isang Knight. Napaka swerte ng magiging bago mong mamahalin dahil napaka alaga mo at napaka sweet mo. Sana ako nalang ang babaeng 'yon." Ngumiti naman ako ng peke."Pero siguro nga tama ka, tama na ang higit five years na pagsasama natin siguro oras na para pakawalan na natin ang isa't isa." Mahabang lintaya ko bago tumalikod sa kanya at umakyat ng kwarto namin. Kukunin ko ang mga gamit ko.Dahil kaonti lang ang gamit ko sa isang malaking maleta ko nilagay lahat kaya bago ako lumabas ng kwarto hinawakan ko ang medyo umbok kong tyan. "Baby kakayanin naman natin siguro na mabuhay ng wala si papa mo. Don't worry andyan ang mga kaibigan ko at ang mga asawa nila na pwede mo maging papa-papahan, andito rin ako na lahat gagawin ko maging
like
bc
PROTECTED BY YOU
Updated at Oct 23, 2024, 02:09
I was walking in the hallway. Pinipilit ko lang na aliwin ang sarili ko. 2 years of being a housewife. Hindi ganitong buhay ang gusto ko. Yes, I'm happy because having a faithful husband and loving kids is a big blessing for me. But there's something missing that I can't explain. You know what I mean, hindi ako kuntento sa pagiging housewife lang. I want more. Gusto ko pang gawin ang mga bagay na gusto ko. I sighed.Pinagpatuloy ko ang paglalakad until I stopped in front of his office. Hindi ko na nakitang lumabas sa pintong 'yan. Nagdadalawang-isip ako kung bubuksan ko ba ang pinto. I just want to ask him kung kumain na ba siya para mahatidan ko siya ng pagkain. Pati dito sa bahay dinadala ang trabaho niya.
like