
A HUSBAND'S REGRETPrologueNapatingin ako sa cellphone kong patuloy na nagriring.Ngunit wala akong balak na sagutin iyon dahil si Celestine lang naman ang tumatawag at wala akong panahon na makipag-usap pa sakan’ya.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ko ang nakaraan namin dalawa.Inooff ko ang cellphone at naramdaman ko ang malambot na palad ng babaeng nakaupo sa aking kandungan, ngumiti ito sa akin at siniil ako ng halik.Mabilis na napatayo si Mica sa pagkaka upo sa aking kandungan ng malakas na bumukas ang pinto, iniluwa no’n ang hingal at galit na mukha ni Celestine.Dumako ang kan’yang paningin kay Mica na nakayuko at tiklop kapag nand’yan si Celestine. Sino ba naman na hindi? Marami ng pinahiya at idenemanda si Celistine, halos lahat nalang ng nagiging babae ko.Matalim na dumako ang kan’yang paningin kay Mica na sinenyasan ko na umalis na kaya napabalik ang kan’yang masamang tingin sa akin.“Anong kailangan mo?” walang gana kong tanong habang nakatitig sakan’ya. Ipinahid niya ang butil ng luhang mabilis na kumawala.“Kanina pa kita tinatawagan at ngayon maaabutan kong nasa nakikipaghalikan ka sa ibang babae!” nanginginig ang kan’yang boses at pigil ang sariling lumapit sa akin upang padapuin sa akin ang kan’yang palad.Manhid na ang mukha ko sa paulit ulit n’yang sampal, ang gusto ko ay pirmahan niya ang divorce paper at umalis na sa buhay ko.“Hanggang ngayon hindi ka padin sanay Celestine?”Sarkastiko s’yang natawa at pinahid ang luha sa mga mata.“Kung wala kang paki alam sa‘kin sana—kahit kay Austine nalang Craig!”malamig ko s’yang tinitigan.“Bakit ako magkakaroon ng pakialam sa batang hindi ko naman anak?”Natawa si’ya kasabay ng pag ragasa ng kan’yang mga luha.“Anak mo si Austine. Craig! ”Ako naman ang natawa.“At sinong maniniwala sa babaeng nagising katabi ng ibang lalaki sa Condo? Nakakalimutan mo na ba na ikaw ang gumawa ng ikinasira natin dalawa?” direkta kong tanong sakan’ya.“L-limang taon na ang nakakaraan Craig! P-pinagsisihan ko ng lahat ng ‘yon.”“Too late. ”“Nasa hospital si Austine ngayon kaya kailangan kita! Saka mo na ‘ko sumbatan dahil kailangan ka ng anak natin!” “Anak mo lang Celestine. ”Matagal s‘yang napatitig sa’kin habang lumuluha bago tumalikod at mag martsa paalis ng office ko.Limang taon ang nakakaraan ng mangyari ang hindi ko inaasahan, She cheated, She slept with other guy. 10year’s kaming magkarelasyon at isang taon pa lamang ng ikasal kami.Maluwag naman si’ya sa lahat, She can go somewhere with her friend’s. Pero sinira niya lang. Nalasing si’ya at.Magdamag s’yang hindi umuwi noon, pagod ako sa maghapon trabaho habang si’ya ay pumaparty lang magdamag.Don na lumamig ang pagsasama namin, at don na rin ako natutong mambabae at ibalik sakan’ya lahat ng sakit na naramdaman ko noon.Hindi ko si’ya magawang patawarin kahit anong gawin ko, tuluyan ng nawala ang pagmamahal ko para kay Celestine. Nakikipag divorce na ako sakan’ya ngunit ayaw niya.Until i met Cristina.Simple at hindi ganoon kaganda, hindi ganoon kayaman ngunit aminado akong minahal ko siya. Hindi lang isang bastang babae si Cristine para sa ’kin. I love her.Ngunit nawala si’ya sa akin matapos s’yang gawan ng kaso ni Celestine dahilan para siya’y makulong, nagpyansa ako para sakan’ya at handa na kaming magsamang dalawa ngunit bigla nalang s’yang umiwas at lumayo.Because of Celestine! Sobrang bato na ng puso ko para sakan’ya! Sobrang walang wala ng natitira kun’di galit. Nagbuntis si’ya ngunit alam kong hindi naman iyon sa ’kin, matagal kaming nagsama at walang nabuo. Matapos n’yang makipagsiping sa ibang lalaki at don lamang ito nagbuntis?Malaki na ang bata at wala akong kahit na anong amor na nakikita para sa batang ’yon. Tinatawag ni’ya kong Daddy ngunit hindi ko iyon pinapansin, never kaming nagsama bilang mag ama dahil lagi kong inaabala ang sarili sa pagtatrabaho. Hindi ko maitatanggi na kahit sa anak ni’ya at napupuot ako, dahil bunga iyon ng pagtataksil ni Celestine. Nagbuntis si Cristina sa anak namin ngunit nalaglag lamang, at alam kong dahil iyon kay Celestine.Tumayo na ’ko at iniligpit ang gamit ko, hindi ako umuuwi sa bahay kung sa’an ako nakatira, nag s-stay ako sa Condo. Kung ayaw ni’ya makipag divorce ay mas mabuting wag na kaming magsama.Nagdrive na ’ko pauwi at.Nagising ako sa isang bangungot ng gumimbal sa ’kin ang balitang.Dalawang araw na ng hindi ko makita si Celestine, naging masaya ako sa dalawang araw na hindi ko nakita ang mukha ni’ya at hindi nangungulit pa sa buhay ko.Natagpuan ang kotseng gamit ni Celestine sa liblib na lugar, Wala na ang mahalagang bagay sa kan’yang bag at kotse at wala na din do’n si Celestine.Nanatili sa hospital ang anak n’yang si Austine na kinailangan kong puntahan dahil wala ang kan’yang ina.Nag matches ang dugo namin dalawa kaya para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto kong totoong anak ko ang batang nakaratay sa hospital bed na pinagdamutan ko ng pagmamahal at att

