A HUSBAND'S REGRET
CHAPTER : 1
Craig point of view
“Austine, come here. ”
Patakbo na lumapit ang anak ko sakan’yang yaya, napapahiya akong napatitig na lamang sakan’ya. Isang taon na ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha ang kan’yang luob.
Ngayon ko lamang napagtanto na malaki ang pagkakahawig namin dalawa na mayroon kaonting nakuha kay Celestine ngunit ang lahat lahat ay ako ang kan’yang kamukha.
Masyado lamang akong kinain ng galit patungkol sa nakaraan ni Celestine kung kaya’t kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang mahalin ang bata nuon.
Nagpa DNA test akong muli para makasiguradong anak ko si Austine, ngunit ang resulta ay gano’n padin. Ako ang kan’yang ama at totoong anak ko ang bata.
Mabigat sa dibdib ang mga ala-alang nangyari nuon kung sa’an pinalagpas ko ang kan’yang binyag, unang kaarawan. Lahat lahat ay pinalagpas ko sakan’ya.
Abala ako sa trabaho sa araw ng kan’yang binyag at hindi ko pinakikinggan si Celestine, mag isa n’yang sinelebrate ang unang kaarawan ni Austine. Na sobra sobra kong pinagsisisihan.
Wala ako sa bahay, wala ako sa mga oras ng matuto itong gumapang, maglakad at ni minsan ay hindi ko din nadinig ang kan’yang unang pagtawa, pag ngiti.
Naalala ko pa ng lumapit ito sa’kin upang tawagin akong Daddy, sa unang pagkakataon ngunit.
“I'm not your fvcking Dad, stay away from me. ”
At hindi na ’yon naulit pa.
Nasa iisang lugar lamang kami ngunit parang magkalayo, ni minsan hindi ko nabisita ang anak ko sa twing may sakit ito. Ang mga sinasabi ni Celestine ay binabaliwala ko lang.
At ngayon wala na ito.
Nahihirapan ako ngayon sa mga mali kong nagawa.
Hinablot niya ang buhok ng babaeng kasama ko sa restaurant at walang habas na ipinahiya sa mga tao, napapahilot na lamang ako sa tungki ng ilong ko sa twing nag iiskandalo siya, mapa office o public place.
Para s’yang wala na sa katinuan, at punong puno na ’ko at binging bingi na ako sa kan’yang sinasabi. Sobrang desidido na ’kong makipaghiwalay sakan’ya.
Pakiramdam ko ay para akong sinasak*l kapag nand’yan siya, walang kalayaan at walang kasiyahan.
Pinipilit niya palagi na paano ang anak namin, may anak kami. Ngunit lagi ko sakan’yang sinasabi na hindi ko anak ang bata at kahit kailan ay wala akong paki sa bata.
Ngayon nilulunok ko na lahat.
Wala na si Celetine ngunit nananatiling mabigat at walang kasiyahan, dapat ay masaya ako dahil sa wakas ay wala na ang tinik sa lalamunan ko, wala ng hahadlang sa kalayaan ko ngunit kabaliktaran dahil mas pinabigat ngayon.
Magkahalong bigat, sakit at pagsisisi na sana mas maaga akong nagpatawad na sana hindi ako nagpakain sa galit.
Sana
Masayang pamilya kami ngayon.
Isa sa mga pangarap namin nuon ang ikasal at magkaroon ng masaya at malaking pamilya.
Ang akala ko tuluyan ng naging bato ang puso ko para sa asawa ko, ngunit nagkamali ako. May natitira pa rin ngunit mas lamang nga lang ang galit.
Mahal ko pa rin si Celestine.
Pero ang taong 'yon ay matagal ng wala Craig! Mag iisang taon na pero hanggang ngayon binabangungot pa rin ako ng nakaraan kung saan huling beses s’yang nagmakaawa para anak naming nasa hospital.
Hindi ko manlang pinakinggan iyon.
Kung alam ko lang na huling beses ’yon na makita ko ang pagpatak ng kan’yang luha hindi ko na sana si’ya hinayaan na umalis at mag isa.
Pinagmasdan ko ang maamong mukha ng anak namin na natutulog sakan’yang crib, nadidinig ko ang kan’yang pag iyak sa twing madaling araw dahil hindi ito sanay na hindi katabi ang kan’yang ina.
Lagi s’yang umiiyak.
At wala manlang akong magawa para punasan ang kan’yang luha dahil para sakan’ya ay isa lamang akong hangin.
Ni ayaw n’yang sumama sa’kin, gustong gusto ko s’yang damayan ngunit wala akong karapatan dahil ako mismo ang naglayo sa sarili ko sa bata.
Humihikbe ito habang tulog kung kaya't inaabot ko ang paborito n’yang dinosaur na stufftoy na kasama niya na simula sanggol, ang unang regalo ni Celestine sa anak namin.
Tatapikin ko ang kan'yang hita sa magaan na paraan upang maipagpatuloy nito ang pagtulog.
Nagtungo na ’ko sa kwarto upang magpahinga dahil sa maghapon trabaho sa company.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng malaking kwarto, ang painting sa taas ng head board ng kama. Ang kasal namin dalawa.
Isang taon na ’kong natutulog sa kwartong ito ngunit ang bigat bigat padin, matagal kong iniwan ang bahay at hindi na bumalik pa dito. Sa tantya ko ay anim na taon nadin akong hindi umuuwi dito.
Para na rin kaming hiwalay ni Celestine, tama ganoo’n nga dahil ganon ko siya itrato noon.
Sa luob ng isang taon ay hindi ko magawang makatulog ng mahimbing hanggang sa nasanay ako sa ganoon. Mababaw ang tulog o mas madalas na hindi makatulog.
Mabilis na natapos ang magdamag at naghanda na ’ko para sa pagpasok sa trabaho ng magring ang cellphone ko.
Tinambol ng kaba ang dibdib ko ng makita ko ang pangalan ng caller.
“Mr.Davidson.”
Ang Daddy ni.. Celestine.
Nakakailang ring na ’yon ngunit hindi ko magawang sagutin, nawala sa isipan kong mayroon pa palang pamilya si Celestine na nasa France
At ngayon lamang ito tumawag matapos ang isang taon.
Paano ko sasabihin na
Wala na ang anak nila, na hanggang ngayon ay wala pa rin balita sa mga taong gumawa sakan’ya ng ganoon karum*l dumal na pag p*t*y??
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng katarungan ang pagkawala ni Celestine.
Nag notif sa screen ng cellphone ang mensahi nito na lalong nagpakaba sa ’kin.
“We're going back to Philippines.
Very soon. ”
Bumagsak ang cellphone sa sahig dahilan para magising ako sa realidad.
Kilalang strikto ang ama ni Celestine, hindi basta tao lamang dahil mataas ang position nito sa company, siya ang may-ari ng malaki at bigatin company sa kanilang bansa sa France.
Alam niya noon na halos iwan ko ang kan’yang anak dahil sa ginawa nitong pagkakamali ngunit umaasa padin na magkakaayos kami at mapapabuti kaya hindi na ito nakialam pa.
Anong sasabihin ko na ganoon ang sinapit ng kanilang anak?
At paano?
Nanghihina akong napahawak sa gilid ng cabinet at hindi alam ang gagawin.
Ilang oras akong nanlumo at hindi alam ang gagawin, bigla akong nawalan ng gana sa lahat at magtrabaho pero kailangan dahil may meeting ako ngayon.
Sa huli ay sumakay ako ng kotse upang magdrive papunta sa company.
Tinanghali ako kung kaya’t inabutan ako ng trafic sa kalsada at.
Naaninagan ko ang babaeng naglalakad sa tabi at napahinto sa tapat ng pedestrian lane kung saan nakahinto ang kotse ko dahil sa trafic.
Napatitig ako sakan’ya ng pasimple s’yang magsalamin sa bintana ng kotse ko. Napapailing akong napatingin sa harapan dahil sa trafic, sinilip ko ang wristwatch at napag alaman na alas otso na.
Napabalik ang tingin ko sa babaeng nagsasalamin sa harap ng kotse ko na mabilis kong ibinaba dahil hindi ako comportable sakan’yang ginagawa sa harapan ng kotse ko kahit tinted naman ito.
Napakurap kurap akong napatitig sakan’ya at ibinaba ang suot na shades.
napakurap kurap din ang kan’yang mga mata at napaiwas ng tingin.
Celestine?!
Malakas na busina ang tumapos sa paghahallucinate ko ng umusad na ang mga kotse sa harapan ko.
Muli kong sinilip ang babae sa sidemirror ng kotse upang pagmasdan ang kan’yang mukha dahil baka nananaginip nanaman ako ng gising ngunit napasubsob ng bigla akong magpreno.
Magkamuka nga talaga sila ni Celestine!
Tumawid na siya kung kaya’t hinabol ko nalang siya ng paningin.
Mabilis kong itinabi ang kotse sa gilid ng kalsada upang bumaba at habulin ang babaeng nahahawig sakan’ya.
Hindi ako tumigil sa pagtakbo para siya’y hanapin hanggang sa makarating ako sa public market.
Napatigil ako sa pagtakbo habang habol ang sariling hininga.
Pinagmasdan ko s’yang magsuot ng apron kaharap ng lalaking hindi ko kilala, ngunit sa tantya ko ay magkaedad lamang kami.
Nag uusap sila.
Matapos magsuot ng apron ay sinimulan na n’yang ngumit sa mga taong dumadaan sakanilang pwesto.
Kahit ang kan’yang pagngiti ay malaki ang pagkakahawig kay Celestine, kusa akong naglakad upang pagmasdan s’yang mabuti.
Kinakabahan ako, mabilis ang t***k ng dibdib kong makita siya sa mas malapit.
Napatitig si’ya sa ’kin dahilan para mawala ang kan’yang ngiti, naiilang s’yang napatingin sa ’kin.
“Bibili ho ba kayo. Sr? ”
Hindi ko siya nagawang sagutin ngunit nanataling nakatitig sakan’ya.
“Magkano ’tong tilapya ineng? ”
“Ilan piraso po ba nanay? Gusto niyo ho ba ng katamtaman laki o sakto lang? Ano ho bang lutong gagawin? ”nakangiti n’yang tanong sa matanda.
“Balak ko sanang ihawin ineng. ”
”Ganon ho ba nanay ako na pong pipilii, 150 nalang po itong tatlong piraso. Nilakihan ko na po para sa susunod dito na kayo bibili. ”
“Nakuuu salamat ineng! Lagi kitang nakikita dito napaka ganda mong bata. ”
“Lilinisan ko na po ba? ”
“Kung maari ineng. ”
Nakangiti n’yang hinawakan ang isda at kinaliskisan at nilinisan ng walang kahirap hirap.
Hindi mo mapaghahawak si Celestine ng isda, hindi niya gagawin ito.
Tumalikod ako at pinilit ang sariling humakbang palayo.
Wala na siya Craig, maaring magkamuka lamang sila. Isa pa ay may asawang tao na ang babaeng may pagkakahawig kay Celestine.