CHAPTER 2

1455 Words
A HUSBANDS REGRET CHAPTER : 2 Craig point of view Pinilit kong abalahin ang sarili sa buong maghapon sa company hanggang sa hindi na kinakaya ng utak ko at mapatayo upang balikan ang palengke kung saan ko nakita ang nahahawig kay Celestine. Napahinto ako habang nakakubli sa poste sa di kalayuan, mukhang pagod na ito sa maghapon pagtitinda sa palengke. Babad na rin ang kan’yang kamay sa tubig. Magulo ang kan’yang maikling buhok habang tagaktak ang pawis. Mahaba ang buhok ni Celestine na nakacurl, bukod don ay may kulay din. Pero ang kan’yang kahawig ay maikli at itim na natural ang buhok. Naalala ko tuloy noong hindi pa kami kinakasal at magkasintahan pa lamang. Kinamot ni’ya ang kan’yang sentido dahil sa pagod. Na madalas na ginagawa nuon ni Celestine, hindi ko alam kung nagkataon lang ba ’yon o nahihibang lamang ako. Napalingon siya sa lalaking kasama niya kanina sa pagtitinda, may kalakihan ang kan’yang katawan suot ang apron. Inabot nito ang kape sa styro cup na tinanggap naman ng kahawig ni Celestine. Hindi ko alam ang kan’yang pangalan at wala din naman akong balak na alamin. Gusto ko lang s’yang pagmasdan saglit. Kapwa sila napangiti ng lalaking kan’yang kausap kaya malalim ang paghingang pinakawalan ko. “Ang akala ko nga noong una ay nobya ni Kalo ang babaeng ’yan, kapatid pala na galing sa probinsya. ”napatingin ako sa dalawang may edad na matanda sa tabi ko na kapwa nakatingin sa direksyon ng nahahawig kay Celestine. “Napakagandang bata naman kasi ni Aleng! Mabait at masiyahin pa at mukhang walang planong makipag relasyon para tumulong kay esme. ”nagtawanan sila kaya muli kong binalik ang paningin sa dalawang taong nagtatawanan. “Aleng.” Kung gano’n ay magkapatid sila. “Mauna na ’ko Kuyaaaa Kalo!” napatago ako ng makita kong maglakad siya sa harapan ko. At ng mauna s’yang maglakad ay marahan ko s’yang sinundan. Bitbit ang supot ng pagkain ay naglakad ito habang pakanta kanta, nanatili akong nakasunod sakan'ya at kung minsan ay iiwas at patay malisya kapag siya’y mapapabaling sa likuran. Naupo siya sa istasyon ng bus habang nakatayo naman ako sa di kalayuan, at ng huminto ang pampublikong bus at umakyat ito sa unang pinto ng bus ay sinegundahan ko naman ng pagsakay sa huling pinto. Malayo sakan’ya. Nanunuod lamang ito sa maliit na tv sa bus at kung minsa’y titingin sa bintana at matutulala. Hindi ko alam kung saan siya papunta at hanggang saan ko siya susundan. Huminto ang bus sa istasyon kung kayat mabilis akong napatayo upang maglakad sakan’ya palapit dahil madami ang sasakay ng bus dahil rush hour na. Napatayo ito upang bigyan ng mauupuan ang may edad na babae, at dahil siksikan ay napaatras siya sa ’kin, mabilis akong humawak sa magkabilaan upuan ng bus upang hindi siya madikitan ng kung sino. Dahan dahan ang kan’yang pag angat ng tingin sa ’kin ng tumama siya sa ’king dibdib, umiwas ako ng tingin kahit ramdam ko ang gulat sakan’yang mga mata. Nanatili kami sa ganoon position hanggang sa huminto ang bus at maglakad ito palabas, hindi kaagad ako nakababa dahil baka maghinala s’yang sinusundan ko siya, may ilan andar ang bus bago ako sumigaw ng para. Tanaw ko pa itong naglalakad papasok ng kanto kung kaya’t lakad takbo ko s’yang sinundan. “Aleng shot puno! ” “Sinabi ko na sa ’yong hindi ako nag iinom benjoo! ” nagtawanan ang mga nag iinom sa sagot nito. “Ay aleng naglalakad ka nanaman! Sinabi ko na sa’yo ay single ang anak ko! Hatid sundo kapa kahit saan. ” “Mas masaya ang maglakad aling Marisa. ” “Ang sabihin mo takot kalang sa Kuya Kalo at Nanay mo! ”natatawang biro ng matanda kaya hindi na ito nakaimek at nagpatuloy nalang sa paglalakad. “Ate aleng saluhin mo! ”mabilis n’yang nasalo ang basag na piraso ng tiles na agad n’yang itinapon sa puting guhit na nasa kalsada. Tumalon talon ito hanggang sa matapos. “Ayan ha! Niligtas nanaman kitaaaa nana! ”biro nito kaya natawa ako. “Ay madaya bawal ang gano’n!”reklamo ng ibang batang kalaro niya. Natatawang naglakad ito paalis at napahinto sa makalawang na gate na may mga halaman. Hindi pa man ito tuluyan nakakapasok sa maliit nilang bahay ng lumabas ang dalawang babaeng may edad na. Ang isa ay umiiyak at ang isa naman ay may subong sigarilyo sakan’yang bibig. “Nay! Bat ho kayo umiiyak? ” “Nab*ril ang papa mo aleng may natamaan daw sa organs kaya kailangan s’yang operahan p-pero wala tayong pera. ” “Sino po ang gumawa n’on nay?” halata sakan’yang mukha ang matinding pag aalala. “Edi sino pa ang pinagkaka utangan ni’ya sa sabong, Milyon na ’yon kaya gusto nalang s’yang itumba. ”Sabat ng babaeng may subong sigarilyo sakan’yang bibig habang may pang kulot sakan’yang buhok. “Kung gusto mong magkapera sumama ka sa ‘kin sa bar! Sigurado ako aleng maooperahan ang tatay mo, makakabayad kapa ng utang dahil maganda ka. ”nakangising sabat nito. “Ate hindi kailangan ni aleng na isakripisyo ang sarili para kay ferdi!”pangongontra ng kan’yang ina. “Pag isipan mong mabuti aleng, dignidad o ang tatay ferdi mo”mapanuksong sabi nito bago maglakad paalis. Nasalubong pa ’ko nito at napatigil ng tumingin sa ’kin, inayos ko ang necktie ko at mabilis na nagkubli sa poste. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mag ii stay don, gumagabi na. Kahit hindi ako hinahanap ni Austine ay gusto ko s’yang makita. Naglakad na ’ko paalis at bumalik ng company upang kunin ang kotse ko, dumiretso na ’ko sa bahay at gaya ng araw araw ay mailap sa ’kin ang anak ko na sa twing nakikita ako ay tumatakbo ito palayo. Siguro ay miss na miss niya na talaga ang kan’yang ina. Wala akong magawa dahil iiyak lamang ito kapag pinilit ko na lapitan siya, sinubukan ko na din na mag offer ng mga laruan na tingin ko ay gusto niya ngunit kahit ang paborito n’yang laruan ay hindi ko alam kung kaya’t ayaw n’yang tanggapin. Malalim na paghinga ang pinakawalan ko bago maglakad pataas ng hagdan at makapaligo bago mag hapunan. Bumagsak ang malamig na tubig sa ’king katawan kaya naitukod ko ang isang kamay sa pader ng bathroom. Napapikit ako ng sariwain ko sa ’king ala-ala ang masasayang nakaraan namin ni Celestine. Nawala na ang dating masiyahin na Celestine at napalitan ng babaeng laging galit at stress, at dahil iyon sa ’kin. Kasalanan ko. Matapos niya ’kong samp*lin ng paulit ulit na hindi ko iniilagan, naibaba niya ang palad at nagsimulang umiyak. “Anong dapat kong gawin para b-bumalik tayo sa dati, Craig? ”lumuluha n’yang tanong sa ’kin. malamig ko s’yang tinitigan. “Umalis kana sa buhay ko. ” umiling siya at pinahid ang pisnge. “h-hindi ako susuko Craig, nanumpa tayo sa simbahan— “Ikaw ang sumira ng sumpaan Celestine, simula ng malabag mo ang ika-anim na utos. Ang pakiki apid. ”pagak s’yang napangiti. “P-pero hindi ko sinasadya lahat ng ’yon, pinagsisisihan ko Craig. Kung alam mo lang lagi kong sinsisi ang sarili ko. ”natawa ako ng sarkastiko. “Dahil walang ibang dapat sisihin kundi ikaw lang Celestine, hindi ako nagkulang sa ’yo sa katunayan ay ibinigay ko ang lahat. Hindi kita hinigpitan sa mga bagay na makakapagpasaya sa ’yo, pero nawalan ka ng limitasyon Celestine! ” “Ganoon ba talaga ako kahirap patawarin Craig? K-kahit kay Austine nalang para sa anak natin. ” “Hindi ko anak ang batang ’yon kaya wag mo s’yang ipilit sa akin. " Napaluhod siya sa 'king harapan upang hawakan ang kamay ko. “Bigyan mo pa 'ko ng isa pang pagkakataon Craig. ”ngunit umiling lamang ako. “Wala na Celestine, hindi na maibabalik ang tiwalang nasira. Maaring maging maayos tayo ngunit hindi na kita kayang pagkatiwalaan pa. ” “H-hindi mo naba 'ko mahal Craig? K-kasi ako mahal na mahal kita. Higit pa sa sarili ko. ”malalim akong napalunok dahil sakan’yang tanong. “Wala na 'kong maramdaman. ” napayuko siya habang lumuluha at walang marinig sa kabuuan ng kwarto kundi ang kan’yang pag iyak. “Kung mahal mo 'ko, pakawalan mo na ’ko at pirmahan mo na ang divorce paper. Sa ganoon paraan ay baka mapatawad pa kita. ” Tinapos ko ang pagligo at nagbihis, direkta akong humiga sa malaking kama at tumingin sa kisame. Pinikit ko ang mga mata at sinariwa ang mukha ng babaeng nahahawig kay Celestine. Ang kan’yang maamong mukha. Matamis na ngiti. Kahit ang kan’yang boses ay kapareho ng kay Celestine. Kung hindi ko kilala ang pamilya ni Celestine ay maiisip kong mayroon itong kakambal. Ngunit wala. Siguro ay sa ibang lugar ay may kamukha din ako. Celestine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD