A HUSBAND'S REGRET
CHAPTER : 3
Aleng point of view
Mabigat ang dibdib kong napatingin kay Tatay na nakahiga sa kama ng hospital, mahimbing itong natutulog. At hindi pa naisasagawa ang operasyon dahil walang sapat na pera.
Nangingilid ang mga luha kong pinunasan iyon, napahawak ako sa dibdib ng mag simulang manikip iyon.
Alam kong magagalit ang Nanay at Kuya ngunit ito nalang ang naiisip kong paraan, kailangan kong gawin ito kahit pa labag sa luob ko. Ayokong manahimik habang walang magawa na nasa peligro ang minamahal ko sa buhay.
Sila ang rason kung bakit hanggang ngayon buhay padin ako, lalo na ng magkaroon ng insidente sa buhay ko. Kagaya ng nangyari kay itay ay hindi kami titigilan ng mga pinagkakautangan nito. Ayokong sa susunod ay si nanay naman ang mapahamak.
Napatingin ako sa maliit na peklat na nasa sentido ko, ito ang rason kung bakit hanggang ngayon wala padin akong naalala mula sa pagkabata ko. Kapareho ng rason kung bakit muntik mawala ang tatay.
Para tigilan na nila kami ay gagawin ko 'to.
Sunod kong kinapa ang pababang peklat sa 'king puson. Na nakuha ko daw nuong operahan ako dahil sa apendix. Pinagmasdan ko ng matagal ang sarili ko sa harapan ng salamin bago malalim na huminga para maglabas palabas ng bahay.
Nanlalamig ang mga kamay kong makita si tiya sa kanto para abangan ako, sabay kaming namasahe ng jeep papunta sa bar kung saan niya ko ipapasok.
“Galingan mo lang aleng! Sigurado akong marami kang makikilalang mga mayayaman”masayang sabi nito kaya pilit akong napangiti.
Malayo pa lamang ay tinatambol na ng kaba ang dibdib ko dahil sa kaba, lalo na ng huminto ang jeep sa tapat ng isang sikat na bar. Hinawakan niya ko sa kamay at sabay kami na pumasok.
Sinalubong kami ng may edad na bakla sa luob ng bar na tingin ko ay manager ng bar.
Malagkit niya kong pinasadahan ng tingin kaya naiilang akong napaiwas ng tingin.
“Maganda at sexy kaaaaa iha! Ayos ayos mars madaming mag aagawan sakan’ya!”nagtawanan sila kaya napatingin ako sa kabuuan ng maingay na bar.
“Sumunod ka sa ’kin Aleng! Ang pangalan mo ay mariposa” masaya n’yang sabi habang hawak ako sa braso.
Dumating kami sa isang kwartong puno ng damit habang may mga ilan babaeng nakaupo sa harap ng vanity mirror at nag aayos, napatingin ako sakanilang suot na konti nalang ang natatakpan sakanilang katawan.
Napatingin sila sa 'kin at pinasadahan ang aking kabuuan, nagbulungan sila at nagtawanan ng makita ako.
“Marimar! Ikaw ng bahalang mag ayos sakan’ya ha pagandahin mo siya ng bonggang bongga may aasikasuhin lang ako sa labas okay Gorls?! ”pinitik niya ang kamay at tumalikod na palabas ng kwarto.
Ginawa na nila ang dapat nilang gawin at.
“W-wala nabang mas mahaba pa d-dyan?”naiilang kong tanong kaya nagtawanan sila.
“Wala kaya wag ka ng mag inarte dahil iyan ang gustong gusto ng mga bigatin custumers dito sa bar! ”
Bumukas ang pinto at iniluwa ang nakangising manager ng bar.
“Sumunod ka sa ’kin! Mayroon na akong kausap sa ’yo, maswerte ka at pagpasok mo palang sa bar ay sold out kana! ”gulat silang napatingin sa ’kin kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba.
Hinila niya nako palabas ng kwarto para dalhin sa isang VIP room ng kanilang bar, mataas na building kasi ang bar. Sa ibaba ay inuman at sa taas ay hotel, sa pinaka dulo ng floor ay restaurant.
“Pumasok kana! Galingan mo lang ay at agad mong maiiahon ang pamilya mo sa kahirapan” patulak niya kong binitawan at naglakad paalis.
Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang seradura ng pinto ngunit saglit na napatigil at napapikit.
Makakaya ko bang gawin ito para sa pera?
Alam kong maraming marangal na trabaho sa mundo ngunit ito lang ang alam kong mas madaling paraan ngunit.
Paano ang itay.
Pinihit ko ang seradura ng pinto at humakbang papasok ng hotel room, may kadiliman ang luob na nagpadagdag sa 'kin ng kaba ngunit tinuloy ko padin ang paglalakad.
Naaninagan ko sa sa upuan ang lalaking prenteng nakaupo sa sofa, nagsalin ito ng maiinom sa baso at direktang ininom.
Hindi pa ko tuluyan nakakalapit ng pumitik ito kasabay ng pagbukas ng ilaw sa buong paligid.
Sinimsim niya ang alak habang titig sa ’kin.
Parang may bumara sa lalamunan ko ng tangkain kong magsalita, dahil ang lalaking kaharap ko ay walang iba kundi ang lalaking nakita ko sa gitna ng traffic.
Napahawak ako sa dibdib ng magsimulang manikip iyon.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko samantalang pang-apat na beses palang namin na nagkikita, ang una ay sa gitna ng traffic at aaminin kong.
May kakaiba akong naramdaman ng mga oras na ’yon, at ng sundan niya ko sa palengke. Pati sa bus.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto nito sa ’kin, gayon hindi naman kami magkakilala.
Kung pamilyar ako para sakan’ya at hindi ko siya maalala ay bakit ganito kasakit ang nararamdaman ko?
CRAIG POINT OF YOUUU
Pinasadahan ko ang kan’yang kabuuan, suot ang piraso ng tela sakan’yang katawan na konti lamang ang natatakpan.
Mukhang hindi ito sanay sa ganoon kasuotan.
Tumayo ako at humakbang palapit sakan’ya, titig s’yang nakatingin sa 'kin at napaatras ng maglakad ako palapit sakan’ya.
Napaiwas siya ng tingin ng igalaw ko ang kamay ko upang hubadin ang suot kong coat.
Ramdam ko ang kaba at takot sakan’yang reaksyon, ngunit wala naman akong ibang gagawin sakan’ya kundi ang ipatong lamang ang suot na coat sakan’yang balikat dahil sa tindi ng lamig ng aircon sa hotel room. Ngunit dahil nasa ilalim ako ng impluwensya ng alak ay aaminin kong kakaibang init ang nararamdaman ko lalo na ng makita ko ang nahahawig sa dati kong asawa.
Alam kong hindi sila iisa ni Celestine ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko.
“I SOLD YOU FOR 5MILLIONS.”gulat ang kan’yang mga mata na umangat sa ’kin.
“At wala kang gagawin kapalit no’n kundi ang. ”matagal s’yang napatitig sa ’kin at ganoon din ako.
Napapikit ako saglit at malalim na paghinga ang pinakawalan.
“Tawagin mo ’kong Craig”
Hindi ko agad nadinig ang kan’yang pag response sa aking sinabi kaya idinilat ko ang mga mata ko.
“Craig.”
“Craig.”gamit ang kan’yang mahinahon na tinig.
Naikuyom ko ang kamaong pigil na magpakawala ng emotion.
“Say it, again. ”
“Craig.”
Mabilis ko s’yang hinawakan sa dalawang pisnge at patulak na isinandal sa pader, bumaba ang isang kamay ko sakan’yang lieg at naramdaman ko ang kan’yang mabigat na paglunok.
Nagtama ang dulo ng aming mga ilong habang habol ko ang sariling hininga.
Kahit ano pang gawin mo ay wala na si Celestine kaya wag mo ng lokohin pa ang sarili mo.
Lumuwag ang pagkakahawak ko sakan'yang pisnge at lieg hanggang sa tuluyan ko na s’yang bitawan.