Chapter Twenty Two

1793 Words

Ang unang napansin ni Roxanne pagpasok niya ng hallway ay ang isang basket na nasa floor. Kumunot ang noo niya, at nang palapit na siya para tingnan ang laman ng basket, tumunog ito ng malakas. Nagulat si Roxanne kaya napatalon siya palayo sa basket. Tapos may narinig siyang mahinang tahol at sumilip ang isang maliit na shih tzu mula sa basket na may color combinations na black, brown at white. “Dumating po ʼyan kaninang tanghali ma'am,” sabi ni Manong Rodel kay Roxanne habang pumapasok ng hallway. “May kasama po ʼyang note, pinatong ko po sa lamesa.” Kinuha ni Roxanne ang envelope at inilabas ang card. Handwriting ni Drake ang nakasulat sa message. “While you are training this cute puppy to be comfortable with her new home and companion, I hope you will start learning to do the same.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD