Chapter Thirty Three

1563 Words

Isang taon mula ng isilang ni Roxanne ang anak nila ni Drake, ni isang saglit ay hindi nawala sa puso at isip niya ang asawa. Ang anak nilang si Drake Junior ang nagsisilbing tagapagpaalala na si Drake ang lalaking patuloy niyang mamahalin habang siya ay nabubuhay. Parang pinilas ang mukha ng bata sa kanyang ama. Kahit sinong tumingin ay hindi maipagkakaila na anak ito ni Drake. Akie ang nakasanayan nilang tawag dito dahil sa madalas na tawag ng kanyang Yaya. Nang umalis siya sa mansyon ni Drake ay sa Bicol siya nanirahan. Ang ibig sabihin ng aki sa salitang Bicol ay anak. Sa Naga isinilang ang ina ni Roxanne kaya pinili niyang doon manirahan. May mga kamag-anak pa sila roon kaya hindi naman siya nahirapan. Noong unang dumating siya ay nakituloy muna siya sa pinsang buo ng Auntie Nenet

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD