Tumunog ang telepono at narinig ni Roxanne na sinagot ito ni Manong Rodel. Maaring para kay Drake ang tawag dahil hindi siya hinanap nito. At nang paakyat na siya sa kanyang kwarto nakita niya si Manong Rodel sa hallway kaya tinanong niya kung sino ang tumawag kanina. “Si ma'am Pauleen po,” sagot nito. “Tinatanong niya kung nakaalis na daw si Atty. papunta sa airport, hindi daw po kasi niya makontak sa cellphone.” Hindi alam ni Roxanne kung paano pa siya nakaakyat nang hindi natutumba. Nanginginig ang buong katawan niya sa sobrang pagkapahiya. Napakasinungaling niya. How dare him! Akala ba niya hindi ko malalaman? Malakas ang pagsasara niya sa pinto at galit na hinubad ang kanyang damit. Dahil sa selos na nararamdaman, kinuha niya ang kanyang cellphone at hinanap ang number ni Arthur.

