Nang ikalawang gabi habang nasa Paris si Drake, inimbitahan ni Roxanne si Arthur na mag-dinner sa mansyon. “Are you sure it's alright for me to come over?” tanong ni Arthur nang pagbuksan siya ni Roxanne. “Gusto nga sana kitang tawagan kaninang tanghali to suggest that we went out instead.” “Bakit naman? Wala naman tayong ginagawang masama. Kaibigan kita at normal lang sa magkaibigan ang magkita at lumabas. Ginagawa din ʼyan ni Drake.” “Natatandaan ko pa noon, kinukwento mo na madalas kayong hindi nagkakasundo,” nagtatakang sagot ni Arthur. “Hindi pa rin ako makapaniwala na pinakasalan mo siya.” “Well, pinakasalan ko na nga siya. At nagpapasalamat ako sa'yo kung bakit nangyari itong lahat.” Ikinumpas ni Roxanne ang kanyang kamay at itinuro ang kabuuan ng salas. “Tingnan mo kung ano

