Kabanata 1
Huminga ng malalim si Evenne bago niya binalik ang tingin sa kanyang cellphone.
"This is it, I'm going to end it all once and for all." bulong niya saka sinend ang message niya.
Finally, she had the courage to go against her aunt. Ayaw na niyang mabuhay na kontrolado ng ibang tao ang lahat ng desisyon at plano niya sa buhay. She's already twenty and she no longer want be tied by dependence. This time, she will pursue the thing she wants for herself. She wants to enjoy her freedom and discover her passion.
"Sino ba yan? Boyfriend mo no?" Tanong ni Dani na co-worker niya sa restaurant. Bago pa lang siya sa restaurant na iyon. Unang week pa lang niya sa trabaho and it seems to be going great. Her work is easy and it's not something illegall or dark, it's absolutely safe kasi waitress lang naman siya. Mabubuti rin naman ang mga co-workers niya pero hindi pa niya nakilala ang boss nila. Isa lang ang alam niya tungkol sa boss nila, that he is Japanese.
Ang restaurant na pinagtratrabahuhan niya ay nagse-serve ng Japanese foods. One reason why she was very eager to get the job ay dahil associated ito sa Japanese. She's a Japanese freak na kahit anong bagay basta Japanese-related ay kinababaliwan niya.
"Hindi, tita ko." Sagot niya sa tanong ng kasama niya.
Lunch break ng dalawa at magkasama silang kumakain sa staff room.
"Mukhang may problema ka?" Tanong ulit nito. Napansin kasi nito ang pangungunot-noo ni Evenne.
"Siguro, first time ko kasing maging pasaway sa mga tita ko. Medyo ninenerbyos ako pero okay lang naman ako. Parang nabunutan ako ng tinik, I'm feeling more mature na."
"I see, family or relative issues? I may not be the right person to help you out regarding issued na ganyan but I will always be here kung sakaling kailangan mo ang tulong ko"
"Siyempre, may choice ba ako? Roommate na nga kita, magktrabaho pa tayo at wala akong ibang ka-close dito." Sabay silang natawa nang marealize na sila nga lang talagang dalawa ang palaging magkasama.
"Malay ko ba, baka mas prefer mo mag-share ng problema kay Karl." Napatingin sa gawi nila si Karl nang marinig ang pangalan. Abala ito sa pag-encode sa kanyang laptop.
"Hindi ako close sa mga lalaki at wala akong balak na makipagclose sa kanila. Never." Nag-iba ang tono ni Evenne. Kung may lalaki man siyang mapagkakatiwalaan ay walang iba kundi ang mga kapatid niya lamang.
"Anubayan, balak pa naman sana kitang isama sa club mamayang gabi. Uuwi raw ngayon yung anak ni boss galing Japan."
"Gusto kong matulog ng maaga at tsaka, hindi ba maraming lalaki sa club?" Naririnding tanong ni Evenne.
"Supposedly marami ngang tao sa club pero dito sa Calayan resort iilan lang ang makikita mong tao sa club kasi pang vip lang ang club dito. Mga mayayaman lang ang nakaka-avail."
"Edi bawal din pala tayo, mukha ba tayong vip?" Kunot-noong tanong ni Evenne.
"Madali lang yan, just leave the bouncer to me." Kumindat pa ang kaibigan niya.
"Okay, sasama ako pero ngayong gabi lang. Gusto ko lang maikita ang Japanese guy na yan."
"Okay, ako na rin bahala sa susuotin mo." Pagkasabi no'n ay mabilis na lumbas si Dani kaya hindi na nakapag-protesta si Evenne. Mukhang mapapahamak na naman siya.
Mabilis na lumipas ang gabi dahil naging busy na naman ang restaurant nang hapon na iyon. Gusto na niyang matulog pero ayaw niyang madis-appoint ang kaibigan. Naligo muna siya dahil masyado siyang pinagpawisan sa trabaho, mainit-init pa naman ang panahon.
"Ito ang suotin mo, bagay na bagay yan sa'yo." Inabot sa kanya ni Dani ang damit. Agad naman itong sinuot ni Evenne at siya namang pagsisisi niya nang makita ang itsura sa salamin, it was tight, short and revealing, her nightmare.
"Perfect!" Pumalakpak pa ang kaibigan niya. Tiningnan niya ng masama si Dani pero wala siyang nagawa kundi pagbigyan ito.
"Mahaba pa kaya yan at huwag kang mag-alala, maraming babae dun na mas masahol pa ang suot sa'yo kaya hindi ka pagtutuonan ng pansin. Kahit naman maganda ang katawan mo kung hindi naman ganun kalandi manamit, hindi ka mapapansin."
"May halong sarcasm ba yan?" Napanguso siya kay Dani.
"Maganda ka naman, hindi ka lang kasi maporma. Tingnan mo, wala ka pang make-up at hindi ka man lang nagkikilay." Turo ng kaibigan sa mukha niya. Kahit nga skincare hindi niya afford eh, make-up pa kaya?
"Oo na. Tara na nga." Iniwan na niya ang kaibigan na abala pa sa pagmamake-up.
Umupo siya sa bench na nasa labas lang ng dorm nila tsaka tumingala sa kalangitan. Clear na clear ang kalangitan kaya naman walang mataguan si Mr. Moon.
Naalala na naman niya ang message ng tita niya na nasa Maynila. Pinapabalik siya nito para ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Siyempre nagi-guilty siya dahil ito ang tumulong sa kanya sa lahat ng mga babayarin niya last school year pero ayaw na niyang tumaya pa. Hindi na siya mamumuhay na parang hindi niya pagmamay-ari ang katawan niya. Kaya nireject niya ang offer ng kanyang tita.
"Tara na." Sa wakas ay natapos na rin si Dani. Giniginaw na rin kasi si Evenne dahil dumadampi ang malamig na hangin galing sa dagat sa exposed niyang balat.
Ilang minuto lang ng paglalakad sa dalampasigan ay nakarating na sila sa club. Mula pa lang sa malayo ay rinig na nila ng bouncy music kaya naman expected na mas maingay pa ito sa malapitan. Hindi na rin niya marinig ang sinisigaw ni Dani sa tainga ng bouncer. Maya-maya pa'y pinapasok na silang dalawa. Gaya nga ng sinabi ni Dani, wala masyadong tao sa club pero maraming babae na kulang na lang ay maghubad pa sila. Hindi ba sila giniginaw?
"Doon tayo sa counter, tuturuan kitang uminom." Hinila siya ni Dani sa counter at naupo sila sa harap ng bartender.
"Bigyan mo nga kami ng inumin na para sa mga first-time drinkers, Allan." Order ni Dani sa bartender. Hindi nakaligtas sa peripheral vision niya ang titig ng ilang mga lalaking nasa club, buti na lang at maraming mga babaeng mas mapanukso sa paligid.
"Akala ko magbi-beer ka na naman." Pabirong sabi nung bartender kay Dani. Tila matagal na silang magkakilala sa paraan ng pag-uusap nila.
"Ngayong gabi lang hindi ako maglalasing kasi tuturuan ko pa muna itong si Evenne kung paano uminom."
"Tinuturo rin pala kung paano uminom?" Pabirong tanong na naman nung bartender.
"Oo naman, ayaw ko namang lasingin siya sa first time niya." Sagot naman ni Dani.
Tahimik lamang si Evenne buong usapan dahil masyadong focused na yung dalawa sa pag-uusap. Hinala rin niya na parang may gusto yung dalawa sa isa't isa. Maya-maya pa'y biglang umalis yung dalawa at iniwan siyang mag-isa sa counter. In the end, hindi siya tinuruan ni Dani kung paano uminon.
Aalis na sana siya sa upuan para magpahangin sa labas habang hinihintay si Dani nang may tumabi sa kanya. Bigla siyang nanigas sa takot at hindi na makagalaw. Nag-pray pa siya mentally na sana hindi bastos ang bagong dating.
"Hi miss, light drink?" Biglang tanong nung bagong dating. Nag-initiate ito agad ng usapan.
"Uhmmm... oo, first time."
"Try this one then. That's all the way from Japan." Tinapat nito sa kanya ang bote. Hahawakan sana niya ito pero nasagi niya ang kamay ng katabi. Para siyang kinuryente kaya mabilis niyang hinugot ang kamay.
Japan. At naalala niya yung sinabi ni Dani kanina. Hindi kaya ang bagong dating na ito ay ang yung anak ng boss nila na Japanese? Dahan-dahang itinaas ni Evenne ang kanyang ulo tsaka lumingon sa kaliwa. Abala sa pag-inom ang katabi niya at tila may malalim na iniisip. Ang hairstyle niya ay tipikal na buhok ng mga Japanese. Bumaba ang tingin niya sa adam's apple nito at muntikan na siyang mapamura, Japanese nga.
"I will pour it for you then." Sinalinan nito ang wine cup niya. Halos hindi maka-react si Evenne sa pagkamangha, may Japanese na guwapo sa harap niya. This man just broke her disgust in men and he's being nice to her.
"Isn't it creepy that you're staring too long?" Muntikan ng mabilaukan si Evenne sa sinabi ng katabi. Ramdam din niya ang pag-init ng mukha niya sa hiya.
"Sorry, first time ko lang kasi." Nahihiya niyang rason.
"First time na makakita ng guwapo? I feel flattered but thanks." Napakunot-noo siya sa lalaki. Ang hangin naman.
"I mean, meet a Japanese in person." Mabilis niyang pagtatama na ikinalingon naman ng kausap niya.
"How do you know I'm Japanese? Isa ka sa mga stalker ko no?" Malapit na, malapit na pala siyang mandiri sa lalaking kausap niya. He's accusing her as a stalker?
"Excuse me? I just know a Japanese when I see one. I just watch a lot of Japanese stuffs. At sinabi rin kasi ng kaibigan ko na may Japanese na pupunta dito ngayong gabi." Evenne was desperate to defend herself.
"Kaya ka nandito? You have a fetish in Japanese men?" Then that hit her. He really is jusy every other guy. Hindi na niya ito sinagot at agad na lumabas ng club. Men are all the same, their mentality is just the same kahit anong nationality pa yan.
Padabog siyang lumabas ng club at naupo sa dalampasigan. She's so inlove with Japan ever since she was a child tapos sisirain lang ng lalaking iyon ang paghanga niya? How she wish to earn easily para makapunta na siya sa Japan. She wants to go to Hokkaido then to Kyoto, to Tokyo and just anywhere in Japan. Napapikit siya at inimagine ang sarili na nasa Japan.
"Hindi mo pa nauubos 'to." Napadilat siya nang marinig ulit ang boses ng lalaking 'yon. Sinundan pa talaga siya nito.
"Sayo na yan at huwag mo na akong abalahin pa, ayaw ko sa mga hindi matinong kausap."
"Ano ibig mo sabihin sa matino? Hindi naman ako lasing a." Pabirong sabi ng lalaki. Inirapan lamang niya ito at agad na naglakad palayo.
"Talk to me woman kung gusto mo pang magtrabaho dito." Napahinto siya sa paglalakad dahil sa sinabi ng lalaki. What does he want from her?
"Kung gusto mo ng kausap, maraming babae sa loob ba willing. At huwag mo akong bina-blackmail porket you have the authority. Hindi ako marunong mag-advice if that's what you need me for." Nanggagalaiti niyang sigaw sa lalaki.
"You seem to hate me that much, may galit ka ba sa mga lalaki?"
"Pakialam mo ba? Ano ba ang sasabihin mo nang makaalis na ako?" Inis niyang tanong.
"Yun nga ang tanong ko, may galit ka ba sa mga lalaki?"
"Oo and please don't ask furthermore." Tumalikod na siya at nagpatuloy sa paglalakad pero mabilis na hinablot ng lalaki ang kamay niya at bigla siya nitong niyakap.
For a moment, parang nawalan si Evenne ng hininga. Ramdan niya ang mabilis na t***k ng kanyang puso at ang init ng katawan ng lalaki. His chest is hard and his arms are big enveloping her small frame.
Tinulak niya ang lalaki nang marealize ang ginawa nito.
"Ginagawa mo?" Sigaw niya dito.
"Did that alleviate your hate or did it worsen?" Nakangiti pa nitong tanong.
"Iwan mo na nga ako." Evenne tried to calm herself. Did she just let herself be hugged, her breast poking a man's body? She felt the warmth of a man's body? Gusto na niyang lumusong sa tubig dahil feeling niya, nagliliyab na ang buong katawan niya sa hiya.
"See you tomorrow then, I will assign you a new job where you can earn more." At agad na tumakbo pabalik sa club ang lalaki. She never knew his name or familiarize his face dahil sa bilis ng mga pangyayari. And what did he mean by saying 'new job'?
May nakita siyang kumikinang na bagay mula sa kinatatayuan ng lalaki kani-kanina lang. Nilapitan niya ito at pinulot. Isang maliit na sachet ito pero hindi niya alam kung ano ang laman. Medyo madilim din kasi kaya hindi niya mabasa ang nakasulat. If it's something important, ibabalik na lang niya bukas.
Pagbalik nila ni Dani sa dorm nila ay agad niyang inilabas yung napulot niya kanina. May nakasulat kaya binasa niya.
"If lost and found, please call this number... 09**********" Basa niya pero hindi pa rin niya alam kung ano ang laman nito.
"Dani, alam mo ba kung ano ito?" Tanong niya kay Dani na tila pagod na pagod at inaantok. Pagkakita sa hawak niya ay agad itong napatayo na tila nakakita ng himala.
"Condom?"
Agad na nabitawan ni Evenne ang hawak. Condom, could it be that balak gamitin nung lalaki ito kanina?