"Binasura mo na ba yun?" Tanong ni Dani habang kumakain silang dalawa ni Evenne ng breakfast.
"Hindi, nasa drawer ko. Ibabalik ko pa sa may-ari baka hinahanap pa niya eh." Inaantok na sagot ni Evenne. Wala siyang tulog buong gabi dahil sa kakaisip kung ano kaya ang kinahinatnan ng buhay niya kapag may nangyari sa kanya kagabi.
"Haha... Are you joking Evenne? May nakita ka bang taong nagbabalik ng lost and found na condom? Gusto mo bang gamitin niya sa iyo pagkabalik mo ng condom niya?" Natatawang sabi ni Dani. Buti na lang at sila lang dalawa sa staff room dahil maaga ang dating nila.
"Malay ko ba, baka mahal ang condom."
"Whatever Evenne. Kung gusto mong gawin iton, edi approach mo siya at ibalik mo tapos get a room to test it out." Inirapan niya si Dani.
"Gumamit ba kayo ng condom kagabi?" Biglang tanong naman ni Evenne na ikinagulat ni Dani. Nanlalaki ang mata nito hanggang sa unti-unting mamula ang tainga at pisngi niya.
"Eh... Kagabi? May nangyari ba kagabi?" Natawa na lang siya sa kaibigan, she's obviously trying to act innocent.
"You can count on me, that would be our dirty little secret."
"Just hold onto that condom too." Ngumiti ng nakakaloko si Dani na tila may halong kalokohan.
Pagkatapos ng breakfast nila ay balik trabaho na naman ang dalawa. Malapit na naman ang weekend na day off nila. Malapit na rin siyang mag two weeks sa trabaho at parang mabilis lang na lumipas ang mga araw dahil sobra silang busy at enjoy niya ang kanyang ginagawa.
"Evenne, pinapatawag ka ni boss sa office niya." Mag-uumpisa na sana sila sa morning work nila nang tawagin siya ng manager nila.
"Eh, bakit daw po? May nagawa ba akong masama?" Kinabahan siya bigla sa sinabi ng manager.
"Kung pinapatawag ba masama na lahat ng dahilan? Malay mo baka blessing ang matatanggap mo at tsaka bago ka pa naman dito diba? Baka gusto lang makita ni boss ang. bago niyang employee." Nahiya siya agad sa sarili. Oo nga naman, why is she assuming things agad-agad?
"Sorry po. Punta na po ako."
"Wait, hindi ka papapasukin kapag hindi mo dala ang ID mo. This serves as our pass bear that in mind."
"Noted po." At kumaripas na siya ng takbo papunta sa CEO's building.
Ramdam pa rin niya ang kaba despite sa positivity na sinabi ng manager nila. Ayaw niyang mag-assume na blessing ang sasalubungin niya. She won't let her hopes up dahil mahirap mabigo.
"Miss Manlangit?" Tanong nung bodyguard.
"Opo" sagot niya sabay abot ng ID niya.
Pinapasok siya agad ni kuya guard with the direction kung saan ang office ng boss nila. Pumasok na siya sa elevator saka hinintay na bumukas muli ang elevator sa twentieth floor. Hindi rin alam ni Evenne kung paano siya magbehave sa harap ng boss nila. Pero kahit papaano ay medyo naeexcite din naman siya dahil makakaharap muli siya ng Japanese person in broad daylight.
Pagkabukas ng elevator ay agad niyang hinanap ang room na sinabi ni kuya guard. Mas lumala pa ang kaba niya nang nasa harap na siya ng pintuan. Bago pa siya kumatok ay biglang bumukas ang pinto at sumalubong sa kanya ang amoy na pamilyar sa kanya. Ang amoy ng sake kagabi.
"Come in." Authorative na boses ng boss nila. Pumasok naman siyang nakayuko dahil ayaw niyang makita ang facial expression ng boss nila.
"Lift up your head miss Manlangit." Nanlaki agad ang mata niya nang mapagtanto ang boses na iyon, yung lalaki kagabi. At dahil medyo madilim kagabi, hindi niya masyadong namukhaan ang lalaki kaya naman ngayon, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at pinadausdos ang mata niya sa kabuuan ng lalaki. Nakatayo siya at nakatingin sa labas ng bintana wearing a t-shirt paired with pajama. What attire is that, nasa office ba talaga siya? Unti-unti itong humarap sa kanya habang ang mga braso niya ay nakacross sa dibdib niya.
"You must already know kung bakit kita pinatawag dito miss Manlangit?" Sumeryoso ang aura nito.
Napakunot-noo si Evenne. She can enumerate three reasons at hindi niya alam kung alin doon. Is it the 'new job', her misbehavior, or the condom?.
"I'm just informed na pinapatawag ako ni boss." Sagot ni Evenne which made the guy grin.
"That's right, I'm your boss. And I won't beat around the bush any longer. I called you here because I'm hiring you as my maid. Leave the restaurant and pack all your things. Before six o'clock this afternoon, you should be there already. I will double your salary from what you get from the restaurant and if you reject my offer, you will immediately be fired."
Hindi makapagsalita si Evenne sa narinig. He's leaving her no choice with his blackmailing.
"Bakit ako?" Since hindi siya nag-eexpect ng sagot ay nagtanong si Evenne.
"Because I can't f**k you and you're not my type." Parang binuhusan si Evenne ng malamig na tubig but at the same time, relieved. Sana totoo ang sinabi niya, sana nga hindi mangyayari ang nasa isip niya
"Great, but I have to inquire about my works." She didn't feel offended at all sa sinabi niya. Para kay Evenne, it's a sign that she is safe and this work is safe.
"You will clean my mess from dusk 'till dawn, that's all."
"What do you mean by that?" Confused na tanong ni Evenne. Does he mean, in and out of his home? Maid job pa ba yun?
"Don't underestimate your job. The house wasn't cleaned for how many years already, make it clean in one week." Nahulog ang panga niya sa narinig. Maglilinis siya ng buong bahay within one week at hindi pa niya alam kung gaano ito kalawak o ilang storeys.
"If it's already clear to you, you can go now, pack your things and bid farewell to your friends. And by the way, you will address me as Hiro. Puwede ka ng umalis kung wala ka ng tanong."
Hindi na nagpaalam pa o sumagot si Evenne at dali-daling umalis ng building. Hindi niya alam kung ano na ng napasukan niya. No choice naman siya diba? Kaysa sa mawalan siya ng trabaho at bumalik na naman sa dati niyang buhay, why not try the job. Kapag may mangyaring masama man, she can just quit it.
Bumalik siya sa restaurant at sumalubong naman si Dani na nag-aalala.
"Bakit para kang maiiyak, care to tell me kung ano sabi ni boss?" Nag-aalalang tanong nito. So sinabi lahat ni Evenne sa kanya ang nangyari pero imbes na manlumo ay sinuportahan pa siya nito.
"Guwapo naman daw anak ni boss eh, ma-eenjoy mo yan." Kinikilig pang sabi nito sabay tapik sa pwet niya.
"Bahala ka na nga diyan, mag-iimpake pa ako."
"Sige, huwag mong kalimutan yung condom ha." Sabi pa niya sabay kindat. What a p*****t.
Four o'clock na nang matapos niya lahat ng pag-impake at paglilinis niya. Nakaramdam siya ng lungkot para sa kaibigan niya. Halos magdadalawang week pa lang silang magkasama pero maghihiwalay na naman sila. Bago niya iwan ang dorm nila ay nag-iwan siya ng sulat para sa kaibigan. Siguro naman may day off siya every weekend para makipag-bonding kay Dani.
Matapos ang isang oras ng paghihintay niya sa bench na nasa tapat lamang ng dorm nila ay sa wakas, nakarating na rin ang sundo niya. Matapos ipasok ng driver lahat ang mga gamit niya ay sumakay na rin siya. Bale thirty minutes lang ang biyahe nila papunta sa bahay ni Hiro.
Hindi alam ni Evenne kung tatalon siya sa saya nang makita ang bahay na pagtratrabahuhan niya o manlulumo dahil mukha na u***g haunted house. Malayong-malayo sa expectation niya ang nakikita niya ngayon, a typical Japanese house made of wood but there's a big problem, nagtataasan na ang mga overgrown weeds at maalikabok na sa loob. Wala bang nagme-maintain sa bahay na ito? Kay yaman-yaman ng may-ari pero hindi man lang maipabantay ang bahay.
"By next week darating si Sir. Sa office niya siya titira buong linggo kaya dapat malinis ang bahay pagbalik niya. Lahat ng kakailanganin mo ay nasa loob na."
Matapos pa ang ilang instructions ay iniwan na siya ni kuyang driver. Naiwan siyang mag-isa sa gitna ng gubat at bahay na walang kapitbahay kahit isa man lang. Malapit na rin ang gabi kaya agad na siyang kumilos para ayusin ang matutulugan niya ng gabing iyon.
Makapal ang alikabok at may sira-sira pa sa wiring. Madilim na nang maayos niya lahat ng kailangan niya sa gabing iyon. Nakakain rin siya pero cup noodles lang. At dahil taga probinsiya naman talaga siya, siyempre nakatulog siya ng payapa at walang takot buong gabi.
Kinabukasan ay maaga siyang gumising para mag-umpisa na rin siya ng maaga sa trabaho bago pa lumabas ang araw. Nilinis niya ng bakuran, tinanggal niya ang nga nagtataasang d**o. Madali lang naman ang pagdadamo dahil ito ang isa sa mga basic na trabaho nila sa kanilang bayan. Matapos ang half day ay malinis na ang bakuran na tatamnan din niya ng mga bulaklak kapag may pwede na siyang pagkukunan ng itatanim.
Nung hapon ding iyon, naglinis siya sa loob ng bahay. Puting-puti na ang buhok niya sa alikabok matapos niyang maglinis pero hindi pa natatapos ang paglilinis niya sa loob. May mga sliding doors na sira na at itim na itim na rin ang sink. Hindi na siya kumain nang gabing iyon dahil sa sobrang pagod.
Matapos ang isang linggo, mukha ng bahay ang bahay na iyon. Napakalawak ng ngiti ni Evenne sa saya. Enjoy niya ng sobra ang buong linggo niyang paglilinis dahil na-experience niya kung paano maglinis ng Japanese house. Proud na proud din siya sa sarili, parang wala lang ang sakit ng katawan niya. The pain paid off, ang ganda-ganda ng bahay. How she wished na sa kaya iyon, reality really hit her harsh.
Buong araw siyang natulog at hindi kumain dahil wala siyang gana. Tinatamad din siyang magluto dahil ayaw niyang magalaw-galaw ang mga sugat niya. Siyempre marami siyang natamong sugat dahil hindi naman siya expert na carpenter, plumber, at mason.
Kinbukasan, nagising siya na tirik na ang araw. Nakatulog siya buong araw kahapon at late pa siya ngayon.
"Good morning maid." Napabalikwas siya ng bangon nang biglang lumitaw sa pangitain niya si Hiro na may hawak na chopsticks.
"Breakfast is ready kaya bumangon ka na. Hindi ka pa yata kumain mula kahapon. You look dead when I came. I just came in time kaya hindi ka na napunta ng ospital."
"Huwag mo na akong problemahin pa, maid nga ako diba?" Inirapan niya ang lalaki pero hindi ito natinag.
"Babangon ka o bubuhatin pa kita?"
"Oo na, mauna ka na!" Mabilis pa sa kisap-mata ay napatayo na siya. Napa-whistle pa ang lalaki sabay tingin sa dibdib niya. Nanlaki ang mata ni Evenne nang maalala na wala nga pala siyang suot na bra, bakat ang u***g niya sa suot niyang t-shirt.
"Bastos!" Sigaw niya sabay talukbong sa kumot. Natatawang lumabas ng kuwarto niya si Hiro.
"Nice boobs!" Hirit pa nito bago tuluyang makalayo.
Nanggagalaiti sa inis at lumiliyab sa hiya si Evenne pag-alis ni Hiro.
"Bastos, bastos, bastos..." Paulit-ulit niyang bigkas sa galit.
Hindi na niya pinag-hintay pa ang amo niya at agad na bumaba matapos ayusin ang sarili para maging presentable.
"There you are, akala ko magpapakamatay ka na."
"Baka ikaw pa ang mamatay, bastos." Singhal niya kay Hiro na nakangisi lang na tila nae-entertain pa.
"I'm impressed, you really cleaned this house in one week so as a reward, I made Japanese foods for you. Sa pagkakaalala ko, mahilig ka sa Japanese stuff and men?" Hindi na niya pinansin pa ang lalaki at agad na humarap sa pagkain.
"Oops, you are not allowed to eat without using chopsticks. Let me teach you first." Napanguso na lang si Evenne in defeat. Gutom na gutom na siya, nasa harap niya ng nagsasarapang pagkain pero bigla siyang pagbabawalan? What a tease. And come to think of it, hindi na masakit ang mga daliri niya.
"You hold it like this." Lumapit sa kanya si Hiro at tinuro siya kung paano hawakan ang chopsticks. Para siyang kinukuryente sa bawat hawak nito sa kamay niya. Abala naman si Hiro sa pagtuturo sa kanya, nothing special in his gestures and expressions .
After one hour of practice ay unti-unti na siyang nasasanay kaso, nanlamig na ang mga pagkain nila.
"You can use the rest of the day to rest. I'll be off to work at huwag ka na rin mag-abalang magluto mamayang gabi." At iniwan na rin siya nitong mag-isa.
The rest of the day, wala siyang ibang ginawa kundi manood ng anime, nonstop. Hindi niya namalayan ang pag-uwi ni Hiro. Tawa siya ng tawa sa kanyang pinapanood na episode ng Gintama. Ilang ulit na niyang pinanood ang Gintama pero hindi pa rin siya nagsasawa rito.
Napakunot-noo si Evenne nang makarinig siya ng salita na Japanese na alam naman niyang hindi naman mula sa pinapanood niya.
"That's more funny if you undertand Japanese." Napalingon siya sa pintuan kung saan nakatayo si Hiro.
"Okay, and?" Sarkastiko niyang sabat. Hindi pa rin niya makalimutan ang kabastusan nito kaninang umaga.
"Don't play with me little maid if you don't want me to pound you tonight." Sabi nito sabay tanggal sa necktie niya. Nahulog ang panga ni Evenne sa nakita, nang-aakit ang amo niya. He's taking it off nice and slow.
"I'm not your type diba? Maraming babae doon sa club kung nalilibugan ka." Sabi niya nang maalala niya ang sinabi nito nung ipinatawag siya.
"You're right and besides, I lost my condom."