Kalalabas lang ni Evenne sa shower nang may mabangga siya. Of course she knows exactly every side of the house already at sa pagkakaalam niya, walang pader sa harap ng banyo. Nakayuko rin kasi siya dahil busy siya sa pagpunas ng buhok niya. Tsaka na lang siya mapasigaw nang may maramdaman siya gumalaw sa bewang niya.
"Nice hips little maid. Pinaghintay mo pa talaga ako no? Ilang oras ka ba katagal maligo? Or does it take you an hour to shave?" Nakangisi ang loko habang nakakapit pa rin sa bewang niya.
"Tanggalin mo ang kamay mo sa bewang ko bastos!" Sigaw ni Evenne sa mukha ni Hiro but the man just grinned.
"Kapag tinanggal ko ang kamay ko, mahuhulog ang tuwalya mo. Thank me later." Tsaka mabilis itong pumasok sa banyo. Nahulog nga ang suot niyang tuwalya, mabuti na lang at nasa loob na yung bastos.
Padabog na pumasok si Evenne sa kanyang kuwarto.
"Bakit ba kasi iisa lang ang banyo dito?" Inis niyang tanong sa sarili. Halos hindi na niya maintindihan ang sarili, why is she letting those incidents slip by easily? Bakit parang ginugusto pa niya ang kabastusan ng amo niya? She would normally freak out and act like an insane woman because she had a past traumatic experience na naranasan niya sa kamay ng mga lalaki but why isn't she acting like herself lately?
Hindi niya namalayan ang sariling umiiyak, tears just rolled down her cheeks uncontrollably. If only her dad was there, wala sigurong nangyaring masama sa kanya. If only she grew up having a dad, to protect her. May mga nakababatang kapatid siya, both boys pero wala silang kaalam-alam sa mga nangyari sa kanya. She never told anyone of the things that happened to her, not even her own mother dahil kapag nagsumbong siya, masisira ang pamilya nila.
"Little maid, will you come and scrub my back? Hindi ko maabot eh." Napabalik siya sa realidad nang marinig ang demanding na boses ng amo niya.
"I will only scrub his back, nothing else." Suyo niya sa sarili para maiwasang mag-isip ng masama.
"Opo!" Sigaw niya tsaka pumasok sa banyo nang nakapikit, she's desperately trying to shut her eyes tight.
"You can open your eyes. Likod ko lang naman makikita mo, or do you want to see my pet?" Nanunukso ang tono nito.
"Akin na nga yan." Sabay agaw sa hawak ni Hiro na body scrub. She can't help but stare at his bare back. Sa pagkakaalala niya, she's not a lustful woman but now, she can't help herself from staring. His body is lean but ripped and toned.
"Wala akong dalang condom if that's what you want." Lumingon pa ito sabay kindat sa kanya.
"Ang landi mo masyado pero huwag kang mag-alala, hindi rin naman kita type." Tinaasan niya ito ng kilay tsaka diniinan ang body scrub sa likod nito.
"Owww... harder baby..." Gusto na niyang pukpukin ang ulo ng amo niya sa inis pero hindi niya magawa. He's playing with her dahil alam niyang wala siyang laban, nakadepende sa trabahong ito ang buhay niya.
"You want it rough huh..." Sumakay siya sa kalokohan ni Hiro. Hindi naman siya papayag na lalaruin lang siya neto. Nagulat na lang talaga siya sa sarili, she doesn't say words like that. Those are all foreign to her.
"Rough and sexy." His voice became husky. Buti na lang at nasa bathtub siya, she can only see his back.
"I want you to rinse my hair as well." Utos naman nito sabay abot sa bottle ng shampoo. Akala niya makakalabas na siya but the man's just cunning. Pinaglalaruan nga siya, what will she expect. Inis niyang kinuha ang shampoo sa kamay nito saka nilagyan ng shampoo ang buhok nito. Napakagat-labi siya nang marealize ang ginagawa niya, she's massaging his hair. His hair between her fingers is just so sexy.
"Massage me more baby..." Rinig niya sa boses nito ang kapilyuhan. At dahil hindi siya basta-basta magpapatalo, she gripped on his hair very tight hanggang sa sigurado siyang nasasaktan na ito but it just amused him.
"Thank you little maid. I will let you scrub my front next time." Binuksan nito ang pintuan saka siya tinulak palabas ng banyo, ungrateful creature.
Padabog siyang pumunta sa sink para hugasan ng kamay niya. She can't help but replay the events on her mind. In the end, napasampal na lang siya sa sarili to gain back her real self. Feeling niya napoposses na siya.
To clear off her mind, nagpakabusy si Evenne buong araw. She vaccummed, washed dishes, washed clothes and other thing basta kung saan mapunta ang mata niya. Nasa porch lang din si Hiro buong magdamag at busy sa kanyang laptop, like she didn't exist at all at parang wala lang ang kabastusan niya kanina.
Maya-maya pa'y rinig na niya ang boses ng amo na tila may kausap at galit na galit. Nagsasalita siya in Japanese pero puno ng galit ang boses niya. Inabangan niya ito hanggang sa matapos yung tawag. Tumayo ito at pumasok sa loob papuntang kuwarto niya. Maya-maya pa'y nakarinig siya ng kalabog. May mga nababasag na bagay at naglalabasang bagay sa pintuan niya. Mabilis siya pumasok sa loob pero pagkarating niya doon ay huli na, basag na lahat ng gamit niya. Parang may pumasok na bagyo pero sa kuwarto lang niya umikot.
"May problema ba?" Nanginginig niyang tanong pero tinitigan lang siya nito ng masama.
"It's none of your f*****g business woman, just fix everything and that is your job." Pagkasabi noon ay lumabas na ito. Rinig niya ang ugong ng sasakyan nito, then he's gone.
Nakatulala siya sa pintuan ng kuwarto ni Hiro. Ano ba ang problema niya at bigla-bigla siya nagiging marahas? He just made a mess in his own room like it's just a normal for him. Ito ba ang ibig niyang sabihin sa 'clean my mess'?
She had no choice but to spend her day fixing his room back to normal. Laking pasasalamat niya kasi walang nasirang furniture.
Malapit na maghatinggabi nang may tumawag sa cellphone niya, bagong number. Nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin niya ito kasi baka isa lang ito sa mga tita niya. In the end, she responded to the call.
"Miss Manlangit, come and bring Mr. Hiro back home. Nandito siya sa club, drunk and unconcious. This is Allan, the bartenter kinuha ko ang number mo mula kay Dani." Yun lang at nag-end na ang call.
"What to do, what to do?" Nalilito niyang tanong sa sarili. Sino ba naman ang nasa katinuan kapag nagising ng hatinggabi na? Thirty minutes by car papunta sa resort, wala namang dumaraang sasakyan sa kalsada. Thankfully, may bike sa garahe ni Hiro, must be one of his hobbies. Mabuti na lang at may naka-attach na ilaw sa bike dahil madilim pa rin despite the moon's presence.
"Bahala na, I just have to go get him." Sabi niya sa sarili saka pumunta sa garahe para kunin ang bisikleta.
It was a long run hanggang sa resort. She rode the bike in the fastest way she can, buti na lang at walang ibang sasakyan sa daan, baka napaano pa siya.
She run to the club at automatiko siyang pinapasok ni kuya guard. Hiro is lying unconcious inside one of the vip rooms at nakabantay sa kanya si Allan na tila inaantok na.
"Normal na ito sa kanya pero naalala ko na nagtratrabaho ka nga pala sa kanya kaya naisipan kong mas mabuti sigurong iuwi mo na siya. Hindi ko naman siya puwedeng iwan dito sa club dahil magsasara na sana ako. Pasensiya na kung nabulabog ko ang tulog mo." Paumanhin ni Allan, ang bartender.
"Walang anuman, trabaho ko naman talaga ito eh." Sagot niya tsaka nagpasalamat dahil binantayan niya ang amo niya.
Naghihintay na rin sa labas ang driver na sumundo kay Evenne dati dahil tumawag din sa kanya si Allan. Nagtulungan sila para maipasok ang amo niya sa loob ng sasakyan.
"First time na nalasing siya ng ganito simula nung umuwi siya galing Japan diba?" Tanong ni kuyang driver on the way.
"As far as I remember, opo." Kunot-noong sagot ni Evenne habang inaalala kung oo nga ba. Napangiti naman ang driver sa sagot niya.
"Kapag umuuwi ng Pilipinas ang batang yan, walang isang araw na hindi yan umiinom. Mukhang magkaayos na silang mag-ama, pero bakit nga ba naglasing ito ngayong araw?"
"Hindi ko po alam, basta may tumawag sa kanya kaninang umaga pero hindi ko naintindihan ang usapan nila dahil nag-uusap sila in Japanese at galit na galit siya sa kausap niya." Paliwanag ni Evenne.
"Ilang taon na nga ba ang batang ito, Twenty five? Kung hindi lang sana namatay ng maaga ang nanay niya, baka maayos pa sila ngayon ng jowa niya. Si boss kasi na tatay niya, binabawalan siya sa lahat ng mga babaeng kasama niya, napilitan tuloy siyang iwan ang lihim niyang girlfriend na ilang taon na niyang jowa." Naaawang sabi ni kuya driver. Lumingon siya sa natutulog na amo niya, it must be very hard for him to break up with the woman he loved.
"Nandito na tayo, ako na ang bubuhat sa kanya papasok. Paki buksan na lang ang pintuan para maipasok ko siya ng diretso." Ginawa naman niya ang sinabi ni kuya driver.
Hindi na nagtagal si kuya driver at umalis na rin matapos dalhin sa loob si Hiro. Wala ng nagawa si Evenne kundi magpasalamat na lamang dahil tumanggi ito sa kapeng alok niya. Hindi rin siya nakatulog buong gabi dahil nagsusuka si Hiro, binantayan niya at pinalitan ang damit nito hanggang sa nakatulog na ito ng mahimbing.
"Wake up. Nasasagi mo na yata ang alaga ko." Evenne woke up feeling something poking her arms. Unti-unting nanlaki ang mata niya nang marinig ang boses ni Hiro.
"Wala pa akong condom little maid, hinahanap ko pa yung con... ouch!" Tinapik niya ang noo ng amo niya nang magising ang diwa nito, he's in his perverted mode again. Natural lang yata talaga ang kabastusan nito, she's just starting to know him kaya she decided to be patient and try to undertand him like a maid would.
"Gumising ka na at maligo dahil amoy alak ka pa." Sabi niya saka ito iniwan. She can't believe herself to have dozed off. She just slept for thirty minutes kaya para siyang zombie na hindi alam kung saan mag-uumpisa sa araw na iyon.
She decided to cook first, bahala na kung kakain ang amo niya dahil wala siyang alam lutuin na Japanese dish, she went for Filipino dishes. Gumawa siya ng sisig at sopas.
"So, did you touch me last night?" Biglang tanong ni Hiro nang magkarap na sila sa table. He insisted na samahan niya itong kumain dahil may sasabihin daw ito.
"Pinagsasabi mo? Pinalitan ko lang naman ang t-shirt mo dahil nasukaan mo. Huwag ka nga masyadong mag-assume."
"Then why are you pressing my pet this morning?"
"Wala akong alam sa mga sinasabi mong iyan." Naiinis siya dahil hindi naman niya alam kung ano ang mga ibinibintang nito sa kanya.
"If you say so."
Pinanood ni Evenne si Hiro na busy sa pagkain. Hindi niya maiwasang macurious kung sino ba ang ex-girlfriend nito. Kung mahal pa ba niya ito o may chance na magkakabalikan pa sila.
"Nanonood ka ba ng pang-oscars na movie? Magbayad ka muna, huwag mo akong panoorin ng ganyan dahil hindi libre ang sine." Napangiti siya sa biro nito. Parang hindi siya heartbroken, bakit ba napakapilyo nito?
"That's the first time I ever saw you smile, except that one time you are watching a stupid anime." Turo nito sa ngiti niya.
"Tataasan mo ba ang sahod ko kapag ngingiti ako palagi?"
"No way, why would I want to see something creepy, baka." Nanlaki ang mata niya sa narinig.
"Pakisabi nga noon ulit, yung kakasabi mo lang."
"What is it, I just said a lot of words, baka."
"Yun... yung Japanese word."
"Baka!" Napangiti ulit si Evenne, it feels so nice to here a Japanese word in person lalo na kapag kaharap mo yung nagsalita.
"Are you stupid? Do you even know what that word meant before you smile like that?"
"Pakialam ko, basta nakarinig ako ng Japanese word. Oo nga pala, turuan mo naman ako ng Japanese, please." Tinignan niya ito sa mata sabay nguso. Whatever it takes to make him agree, gagawin niya.
"I have no time for that at isa pa, hindi ako guro."
"Sige na please, ngingiti na ako palagi kapag tuturuan mo ako." Desperada na kung desperada, she won't let this opportunity slip away.
"Like I said, I don't want to see your creepy smile. Magpaturo ka sa google."
"Ano ba gusto mong gawin ko para turuan mo ako?" Desperadong tanong ni Evenne.
"Why are you so desperate to learn anyway?" Balik-tanong ni Hiro, hindi pa niya nasasagot ang tanong niya.
"Kasi gusto ko, gusto kong tumira sa Japan in the future kaya kailangan kong matuto magsalita at makaintindi ng Japanese." Sagot niya na ikinanut-noo ng amo niya.
"So you want to marry a Japanese guy and live in Japan?"
"Bakit, may masama ba doon?"
"Japanese men would never date someone like you. I mean men will only date you for your body." The words she never wanted to hear ever again just came out of the blue and struck her. The harsh reality always comes back to her, that men lust for her body. Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha niya. She ran out of the house, gusto lang niya pakalmahin ang sarili. Walang ginawa ang amo niya, he just sat there and watched her leave like he said something normal. Normal for him but not for her. Those words are the monsters that haunt her everynight. She never wanted her body, sa tingin ba nila proud siya sa katawan niya? She would burn or cut herself if she wanted to but she firmly believes that someday, a man will love her not just because of her body but for who she is.
She was caught off guard. Hiro is just like every other guy afterall. He was a real p*****t and took advantage of her. All those physical contacts are all simple moves of a lustful man. No wonder there's an 'Eve' on her name, because she's the cause of the sin of man.