Chapter 8: Bumalik na siya

1126 Words
Binulabog ng katok ang mahimbing kong pag-kakatulog. Natataranta ako kaya niyugyog ko si Vlademir. Ipinagpapasalamat ko na lamang na nagmulat naman siya agad. “Umalis ka na, buksan mo yang bintana.” Sabay turo sa bintana dito sa kwarto ko. “Bakit?” Naguguluhan na tanong niya dahil wala na iyong katok. Pero hindi ako makakasigurado kung wala na din yung tao sa labas ng pintuan. Tumayo na ako para magpalit. Hindi ko siya naramdamang gumalaw kaya tumingin ako sa kanya. To find out lang na nakatitig siya sa hubo’t hubad kong katawan. Bigla akong nahiya kaya inabot ko ang tuwalya at ipinulupot sa katawan ko. “May tao sa labas, baka mga kaibigan ko o si kuya iyon.” Nakataas ang kilay na sambit ko. Napaismid na lamang ako ng mabagal siyang kumilos. Pinulot ang damit, short at brief saka isinuot ang mga ito. Saka dahan-dahang umakyat sa bintana. Gusto niyang bumaba pero tinulak ko na siya palabas. Sabay sarado ng bintana, hihinga na sana ako ng maalala ko yung rumi namin sa salas. Dali-dali akong kumuha ng pamunas at pinunasan iyon. Pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto. Tumambad ang mataray na mukha ni Hera na naka-cross arms. Inirapan niya ako saka naglakad na parang stepmother ko. Sa totoo lang, mas nakakatakot pa nga siya kesa sa madrastang nagrereyna-reynahan. “Bakit hindi ka umattend sa event kagabi?” mararamdaman mo talaga sa boses niya ang pagka-strikto. “Nakatulog ako,” pangangatwiran ko na hindi nakalusot. “Ang aga mo umuwi, mahigit walong oras kang natulog?” talaga naman ang babaeng ito daig pa inbestigador kong makapagtanong. “Namasyal muna ako bago umuwi kahapon” ani ko. Shit na malagkit kung hindi pa uubra yan hindi ko na talaga alam kung paano ko lulusutan ang babaeng ito. “Okay,” patango-tango na sagot niya. Halata namang hindi pa din siya kumbinsido. Nagpapasalamat na lang talaga ako at di na niya sinundan pa ng tanong. Nagtungo siya sa kusina at nanatili ako dito sa sofa. Huminga ako ng maluwag. “Bakit ko ba kasi naging kaibigan ang babae na yan.” mahinang tinuran ko ngunit nakaabot pa din sa kanyang pandinig. Believe na talaga ako sa talas ng kanyang pandinig,”May sinasabi ka?” sigaw nitong tanong na nasa kusina. “Wala po madam,” hindi makatingin sa kanyang ani ko. “Magbihis ka na at may pupun…..WHAT THE!!” halos mabasag ang eardrum ko sa sigaw niya. Tinakbo ko ang kwarto. Agad ko itong nilock. Narinig ko naman ang mababagsik na hakbang ni Hera. Di nga kalaunan ay ang kalampag sa pinto ng kwarto ko ang namutawi sa buong silid ko. “Hoy babae!” tawag niya sa akin na talaga naman ginamitan niya ng lakas. “NASAAN ANG MGA BABIES KO!!” lumalagablab na sigaw na naman niya halos pagpawisan ako dito. Tinatawag niyang babies ang mga alak niya. Kasalanan ito ni bakulaw. Mapapatay ko iyon pag nakita ko. Panginoon, iligtas niyo naman po ako. Tinotostado na ako nang nag-iisa kong babaeng kaibigan. Sana pala mga lalaki na lamang ang naging mga kaibigan ko. Mas nakakatakot pala ang babae. “Briiiitaniiiiaaaaa Galvesss!!!!” “Anong nangyayari dito!!” boses ng matinis na lalaki. Ang lakas ko talaga sayo lord, thank you. Si Warren iyon hindi ako nagkakamali dahil pamilyar lahat ng mga boses nila. Binuksan ko iyong pinto. Nagulat ako sa lumantad sa harapan ko. Hindi si Warren kundi si Lucas. Hindi ako makagalaw, hindi ko maibuka ang bibig upang batiin siya. Kasabay ng pagtigil ng orasan, pagtigil ng bagay-bagay sa paligid ay siya ring pagtigil ng pintig ng puso ko. Si Lucas ay bunsong kapatid ni Warren na pumunta sa lungsod upang tuparin ang pangarap niya. Eto nga siya ngayon, nakatayo habang nakasuot ng suit, attorney na attorney na talaga. Ngayon ko lang siya nakita mula umalis siya dito sa isla, nakakapanibago ang awra niya. Kay dami niyang pinagbago. Medyo tumaba siya at tumangkad. Dati magkasing tangkad kami pero ngayon tinitingala ko na. Ang mga mata niyang mas naging seryoso. Hindi na kakikitaan ng pilyong siya ng mga panahong namamalagi pa siya dito sa isla. Nakaupo kaming lahat sa sofa ng pabilog. Yung ilan ay naupo na sa sahig dahil dadalawang sofa ang meron. Kumalma na rin si Hera. Katabi ko si Warren habang kaharap ko ang kapatid niya at sa tabi niya ay si Hera Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Parang wala kaming pinagsamahan. “Kamusta na? Mas lalo kang gumwapo.” Masaya na ani ni Hera na isinukbit pa ang kamay sa braso ni Lucas. “Eto habulin na,” ngumiti siya hindi nga lang sa akin. Makahulugan ang sinabi niya. Bakit ba ang lamig-lamig niya? “Nakss, grabe yung level up ng confident natin.” Si Hera na ang hyper. “Marami bang chicks sa lungsod pre?” Si Haile Inismiran ko siya saka binato ng throw pillow. Kakamot-kamot naman siya ng ulo. “Basta babae talaga umaalerto ka no? Maging interesado ka din sana sa pag-aaral at hanggang ngayon di mo pa natatapos ang degree na pinasok mo!” Pangangaral ko pero ang mokong tinakpan lang ang tenga. Tinaasan ko siya ng kilay na nagbabanta. Nag-cross arms na lamang siya at nanahimik. Lagi na lamang kasing bumabagsak sa major subject niya kaya hindi maka-graduate graduate. “Marami pre, sobrang sesexy.” Hindi ako sanay sa pinapakita ni Lucas na ugali niya ngayon. Hindi siya ganito dati. Walang pakialam sa mga babae. Inosenteng bata kung tutuusin. Dalawa lamang magkapatid sina Lucas at Warren. Si Lucas ang bunso. Kaya siya din ang pinakabata sa aming mag-kakaibigan. Dahil ako ang bunso sa aming magkakapatid. Itinuturing ko na din siyang nakababata kong kapatid. Sobrang lapit talaga namin noon, as in. Halos pinapatulog ko pa nga siya noon kapag may sleepover kami. Tas kinakantahan ko hanggang sa makatulog. Kung maibabalik ko lamang sana ang kahapon. Babalikan ko ang mga panahon na masaya kaming mag-kwekwentuhan. Sa akin nga siya lumalapit kesa sa kuya niya sa lahat ng oras. Pag may problema man siya o may masayang balita. Sa akin talaga siya unang lumalapit, nakakapanghinayang lang hayst. “Nagsama ka naman sana pre,” Segunda naman ni Grey sa sinabi kanina ni Haile. Umiling-iling na lamang ako at tumayo. Hinawakan ni Warren ang kamay ko,”Saan ka pupunta?” tanong niya na nakaagaw sa atensyon nilang lahat. Busy kasi silang nakikinig sa kwento ni Lucas. “Magluluto lang ako ng lunch, dito na kayo kumain.” sambit ko sa kanila at napatingin kay Lucas na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Hindi ko na kaya ang pag-iiba ng pakikitungo niya sa akin. Sa tutuusin siya nga ang close ko sa kanilang lahat. Ang sakit lang kasi para lang akong hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD