Chapter 9: War

1119 Words
Narito ako sa kusina. May isinaing na akong bigas sa rice cooker. Malapit na din maluto. Kaya hinanda ko na ang kakailanganin ko para sa lulutuin kong chicken curry at beef steak. Una kong lutuin ang chicken curry. Yung beef steak kasi marinated na siya, ipriprito na lamang. Hiniwa ko na yung carrots at patatas. Pagkatapos ay hiniwa ko na yung manok at pinakuluan ito saka nilagyan ng luya para hindi siya malansa. Ginisa ko na iyong manok saka ko nilagyan ng bagoong konte pampalasa. Habang busy ako sa paghahalo. Mayroong yabag na papalapit sa pwesto ko. Hindi ako tumingin hinintay ko siya na magsalita kung sino man siya. “Marunong ka na pa lang magluto,” mas lumalim ang boses niya. “Parang kailan lang si Kuya Yuhance ang nagluluto.” Dagdag niya pa habang nagsasalin ng tubig. Hindi ako komportable sa presensya niya. Hindi ko nga rin alam kung anong nararamdaman ko. Na ibang tao na yung batang laging nakadikit sa akin noon. “Pinag-aralan ko, tsaka kailangan ko din matutong maging independent,” seryoso akong sumagot dahil hindi talaga ako nasisiyahan sa pakikitungo niya sa akin. “Hindi naman kasi habang buhay nariyan sila sa tabi ko.” Tumingin ako sa kanya saka ginawaran ko siya ng ngiti. Umiwas siya na para bang isa akong nakakairitang bagay. Pinagmasdan ko siya habang inuubos ang laman ng baso. Para siyang isang modelong umiinom. Gusto kong maging proud para sa kanya. Subalit hindi ko magawa. Dahil ang kapalit naman ng pagbabago niya ay ang paglimot sa pinagsamahan namin. “Totoo, lahat naman kasi nagbabago sa paglipas ng panahon.” Tumingin siya sa mga mata habang sinasambit ang bawat katagang binitawan niya. “Alam ko, nakikita ko naman.” Gusto kong tawanan ang sarili ko dahil sa hindi ko napigilang gumaralgal ang boses ko. Gusto kong umiyak pero ayokong umiyak sa harapan niya o kahit kanino. Ito yung pinili ko noon kaya nararapat lamang na panindigan ko. “Dito na kami titira,” ipinababatid niya lamang iyon pero bakit iba ang dating sa akin. Matapos niya iyong sambitin ay umalis siya. Kumapit ako sa upuan ng maramdaman kong nanghihina ako. Alam ko naman na masaya na siya. Masaya din naman ako para sa kanya. Hindi na niya kailangan ipamukha sa akin iyon. Halata naman na gusto niya akong makitang nahihirapan. “Okay ka lang?” Si Warren na hindi ko namalayang pumasok sa kusina. Nginitian ko lamang siya. Sumandok ako sa chicken curry na niluto para tignan kung may lasa. Pero sa kasamaang palad napaso ako sa mainit na kaldero. “Ouchhh!” Nataranta si Warren na lumapit sa akin,”Bri naman! Ano ba kasing iniisip mo?” singhal niya sa akin at naghanap na ng ointment. Kinakausap niya ako pero wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Tumititig lang ako sa kawalan. Naramdaman ko kung paano niya ako igaya sa upuan. Lalabas sana siya para bumili ng ointment. Pinigilan ko siya,”Kunin mo na lang yung colgate sa cabinet.” Wala sa wisyong sambit ko kay Warren. Nilagyan nga niya ng colgate. Matapos iyon ay naghanda na ako para makakain na kami. “Bri, ako na jan.” Sabay agaw sa akin ni Warren ng sandok. “Hindi ako na,” nagpupumilit ako pero pwersahan pa rin niyang kinuha yung sandok at platito. “Upo ka na lamang jan Britania Galves huwag ng makulit.” Sa tuwing binabanggit nila ang pangalan ko nagpapahiwatig iyon na konti na lang magagalit na sila. Ganyan silang lahat. Ayaw nila akong sigawan at saktan para lang akong bata sa paningin nila. Hindi ko alam kong matutuwa o maiinis ako. Tumitig lang ako sa namumula na paso sa wrist ko. Namamaga ang colgate na inilagay ni Warren. Hindi ko na maramdaman yung hapdi. Siguro dahil preoccupied pa din dahil kay Lucas. “Anong nangyari jan?” Nagulat ako sa pagdating ni Haile sa kusina. Agad kong itinago ang namamaga kong palapulsuhan. Pero hinuli niya ang kamay ko at tiningnang mabuti ang napasong palapulsuhan ko. “Napaso sa kaldero,” Si Warren ang sumagot na naghahain sa hapag kainan. “Tawagin mo na sila at tayo ay kakain na.” Utos ni Warren kay Haile. Tumingin muna sa akin si Haile. Nag-aalala siya kaya nginitian ko siya. Nagsidatingan naman sila sa kusina. Kasama ang isang babaeng ngayon ko lamang nakita. Nakasukbit ang kamay niya kay Lucas. Napangiti na lamang ako ng mapait. “Wow, chicken curry.” Si Grey na paborito ang chicken curry. “Talagang love na love mo ako favorite ko pa niluto mo.” Lumapit si Grey sa akin at hahalikan sana ako sa pisngi pero tinampal ko papalayo ang mukha niya. “Iww Grey, kadiri ka.” Inis na sambit ko tsaka nagtago sa likod ni Warren. Natatawa na lamang ang iba maliban kay Lucas na seryosong nakatingin sa akin. Umupo na kami, nilagyan ni Warren ang pinggan ko. Siya kasi ang katabi ko, habang si Grey naman ay nilagyan ang plato ni Hera. Ganyan talaga sila, kaya ang masasabi kong napakaswerte naming dalawa ni Hera. Marami kaming kapatid na lalaki hihi. Tahimik kaming kumakain ng basagin ni Haile ang katahimikan. Minsan talaga ang sarap tahiin ang bunganga ng lalaking ito. Dinaig pa ang babae, putak ng putak. “Btw, sino yung lalaki sa plaza kahapon?” Diretso ang tingin niya dahilan upang mapatingin silang lahat sa akin. Ang hirap huminga sa mga titig. Para akong nasa hot seat ngayon. Halos hindi na ata sila kumurap sa paghihintay sa sagot ko. “Siya yung guest na ibinigay sa akin ng magaling nating kaibigan, diba?” Sabay turo kay Hera na nasa tabi ko. “Hinabilin ko siya sayo, hindi ko sinabing makipaglampungan ka.” Naghahamon na sagot niya. Tinaasan pa ako ng kilay ng babaita. Ang sarap talagang kalbuhin ng babaeng to. God, pwede paki rewind balik mo sa panahon na hindi ko pa siya kaibigan. “Sinong nakikipaglampungan? Ako? Hoy babae, para sa kaalaman mo hindi ako nakikipaglampungan sa kanya.” Napatayo ako dahil sa tensyon na namumuo sa pagitan namin. “Hindi pa ba? Ang lapit-lapit niyo sa isa’t isa na isang dangkal na lamang mag-hahalikan na kayong dalawa sa harapan ng maraming tao.” Tumayo din siya kagaya ko at pinamaywangan ako habang nagsasalita. “Talaga bang pinepersonal mo na ako, baka sabihin ko sayo nakita din kitang kausap niya.” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sumosobra na itong babae na to. Minsan napakabait sa akin, minsan naman parang gusto akong gawing ihaw sa mga sinasabi niya. “Tingin mo ba may pagasa pa na magka-tuluyan kayong dalawa? Wala na nagpapakatanga ka lamang sa kanya!” Diniinan ko bawat katagang sinambit ko para dama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD