Chapter 10: His Girl

1114 Words
“Ano to? Labanan ng patigasan ng ulo?” Si Matty na kararating lang galing lungsod. Tumingin ako kay Hera. Nahuli ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Inismiran niya ako kaya ginaya ko din siya. Aba! Hindi ako magpapatalo sa patarayan kahit hinayaan ko siya all the time na manalo. “Pwede ba! magkaayos na kayo para makapunta na tayo sa field.” Si Haile naman na kanina pa talak ng talak para lang mapag bati kami ni Hera. Nag-cross arms ako at taas noo na tumingin ng tuwid sa harap. Pareho kaming nasa magkabilang dulo ng sofa. Narito kami sa office ko sa hotel. “Tigil nyo na ito, para kayong bata kung umasta!” Si kuya Yuhance na pumunta pa talaga dito para lamang pagbatiin kami. Tinawagan kasi siya nila Warren. Hindi na kami kayang ihandle kaya humingi sila ng tulong. Pero, swear hindi ako hihingi ng tawad kung hindi siya mauuna. “Mabuti pang iwan niyo na lamang silang dalawa rito at ilock ang pinto.” Suhestiyon ni Warren na ikinalaki ng mga mata namin. “Para sa kaalaman mo, ako yung manager, kailangan ako sa event.” Talak niya kay Warren. “Bakit di na lang siya ang ilock niyo rito mag-isa.” Madiin pa niyang sinabi iyong mag-isa saka inirapan. Ang sarap talagang dukutin ng mga mata niya,”At para din sa kaalaman mo, hindi mag-start ang event kung wala ang CEO.” Mayabang kong sagot sa bato niya sa akin kanina. Halos abutin na kami ng dalawang oras heto pa din kami nagsusukatan ng tingin. Habang ang mga boys ay nag-uusap usap ng hindi namin alam. “Ganun ba talaga tingin mo sa akin? Nagpapakatanga?” Kumpronta sa akin ni Hera na mataray pa din ang mukha niya. “Haliparot din ba tingin mo sa akin?” Balik tanong ko sa kanya, kahit di ako mataray pinantayan ko talaga ang katarayan niya. “Ako unang nagtanong, bakit mo sa akin ibinabalik?!” Mataas ang boses niyang saad. Nakaagaw ang boses niya sa atensiyon ng mga boys na nag-uusap,”Pwede bang huwag muna kayong mag…..” Si Haile na hindi ko na pinatapos sa pag-sasalita. “Ikaw unang nagsimula ng away, tapos ngayon ikaw pa nakikipag mataasan ng pride?” sumbat ko sa kanya na hindi ko na alam kung ano pang lumalabas sa bibig ko. Papalit-palit ang tingin sa amin ng mga lalaki. Nagsalitan kami ng nagsalitan ng salita. Walang gustong magpa-awat o mag-patalo. “Kasi, you…. crossed ….the line...” tumawa ako ng nanunuya sa sinabi niya. “You crossed the line first, tapos ako yung gusto mong magbaba ng pride. Hell no!” Malakas nasambit ko saka binuksan ang pinto at pabalag na isinara. Every month kaming may event para sa mga guests. Ito ay naglalayon upang makisalamuha sa mga guests at makilala sila. Para bang encounter ng dalawang taong nagmula sa magkaibang mundo, magkaibang pamumuhay at magkaibang paniniwala. Naglalakad ako sa entrance ng field. Napuno ng torch ang buong field. Mag-sisilbing ilaw ito hanggang matapos ang event. Nakita ko si Darius, kumakaway kasama si Vlad na diretso lamang ang tingin sa akin. Kumaway ako pabalik kay Darius saka nagtungo sa stage. Kailangan ko muna magbigay ng salita bago simulan ang event. “Good evening everyone! A very warm welcome to all present here. I hope you guys enjoy the activities prepared by our host tonight!” Matapos kong magbigay ng opening speech ay nilapitan ko sila Vlad. Nakita ko ang mga kaibigan ko at si Hera sa kabilang table. Kumaway lamang ako maliban kay Hera na inirapan ko dahil masama ang tingin niya sa akin, tsk! “Hi ate Bri!” Jolly na bungad sa akin ni Darius. “Hi Darius, kamusta? Okay na ba ang sugat mo?” sambit ko. Tumayo si Vlad at lumapit sa kabilang upuan. Ngayon ay napapagitnaan na nila akong dalawa. “Opo ate, pwede na po ako mamasyal hihi.” Mapapansin nga naman ang excitement sa boses niya. “Good, dahil marami pang places na tiyak na magugustuhan mo dito sa isla.” Ginulo ko ang buhok niya bagkus na magreklamo ay ngumiti siya. Ang cute, cute ng batang ito, gusto ko ng iuwi. Nakakagigil pisilin ng mga pisngi niya. Nagkwento ako kay Darius tungkol sa mga tourist spot dito sa isla. Ayon excited na excited na puntahan lahat ng binanggit ko. Tumikhim si Vlad na nakaagaw ng atensyon namin. “Pipili na tayo ng partner.” Hayag ni Vlad. Tumingin ako sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko na sana hindi na pala. Nakita ko Lucas kaharap ang isang babae. Nagniningning ang mga mata niyang tumitig sa mala anghel na babae. Iniwas ko ang paningin ko. Nahuli ng mga kaibigan ko ang mga mata ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Hindi lang basta tingin kundi tingin na lumalagablab. Si Vlad naman kasi kanina pa dikit ng dikit sa akin. Tapos nakikita ko pa si Hera na putak ng putak na naman. Kaya ng magtama ang mga mata namin binigyan ko siya ng nagbabalang tingin. Ang bruha inirapan lang ako. “Magandang gabi sainyong lahat!” Masigla na bati ng emcee. Dumagundong ang hiyawan sa pagbati. Napatakip ako ng tenga dahil medyo sensitive ang pandinig ko. “Handa na ba ang lahat!” Gay siya kaya hindi na nakakapagtaka kung sobrang taas ng enerhiya niya. “Handang, handa na!” Sigaw pabalik ng lahat ng narito sa field. “Ang tatanghaling champion sa laro ay magiging HERRUA QUEEN AND KING sa buwan ng April!” Sabik na sabik na saad ng emcee “Ang una nating laro ay…….Find Your Mate!” Ipinaliwanag niya ang gagawin namin at maging ang mga rules. Nahati ang boys at girls. Nagkasalubong pa kami ni Hera. Nagtarayan lang kami dalawa. Tignan nalang natin kung sino ang susuko. Narito kami sa isang cottage at ang mga lalaki ay sa kabila. Malapit lamang ang field sa tabing dagat kaya perfect para sa venue ng mga activities. May mga stuff silang ipinakita sa amin. Keychain na iba-iba. Dumampot na ang iba at ang naiwan na lamang ay strawberry, slipper, leaves and mushroom. Nagtitinginan kaming apat. Ako, si Hera, Juliana at yung babaeng kasama kanina ni Lucas ang narito hindi pa nakakuha ng keychain. Tinatantsa namin ang kilos ng bawat isa. Hanggang sa gumalaw si Cresha kaya naman nag-agawan kami sa pagdampot. Napabuntong hininga na lamang ako. Gusto ko yung mushroom. Habang nag-eemote ako rito bigla akong binangga ni Hera saka linagpasan. “Tara na Yarki!” Hyper niyang yaya sa babaeng kasama ni Lucas kanina. Aba! Talaga bang dinadaan-daanan niya na lang ako ngayon. Sobra na ito! Friendship over na talaga kami! Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD