Chapter 11: Reconcile

1063 Words
I was dumbfounded! Tumakas na lang kaya ako? Sa dami nila, siya pa talaga? Mapaglaro nga naman ang tadhana. Gusto ko na lamang mawala na parang bula sa kinatatayuan ko. Kung hindi lamang sana ako CEO. Sa pangalawang pagkakataon, nagsisisi akong magtayo ng hotel. Lord, paki retreat ang nangyayari sa buhay ko. Babaguhin ko lang po ang mga maling naging desisyon ko. “Paano ba yan? Partner tayo,” sambit niya. “Ano naman problema dun? Magkaibigan naman tayo diba?” Ngumiti ako ng napakatamis sa harap niya sa unang pagkakataon. Sinubukan kong wag mangatal ang bibig sa pagsasalita. Tumawa siya ng may panunuya,”Yah, we’re friends.” Taas noo akong pumunta sa pwesto namin. Sumunod naman siya. Alam kong magiging mahirap ang gabi na ito. Kaya kong mairaos ito. “Kaja Britania!” usal ko na lamang upang icheer ang sarili. We are all set. Ang unang laro ay “You Blink, You Lose”. Unang game palang mapapasabak na ako. Pwede bang mag-back out? Binabawi ko na ang sinabi kong mairaos ko ang gabing ito. “Eyes fixed on your partner,” sabi ng MC na palakad-lakad sa likuran naming mga babae. “On the count of three,” pinutol niya ang pagsasalita. “One…..Two……Three…….” nakakaintense pagbibilang ng MC. Nakipagtitigan ako sa lalaking nasa harapan ko. Ang seryoso ng mukha niya. Mahirap basahin kung anong tumatakbo sa isipan niya. “I was curious about something,” halos hindi ko marinig ang kanyang boses. “Alin?” ani ko. “Pinagsisihan mo bang pinagtulakan mo ko?” Hindi nakatakas sa mga mata niya ang takot sa maari kong maging sagot. Natahimik ako panandalian. Wala akong pagsisisi, pero panghihinayang meron. Kayrami na naming pinagsamahan. Mga pagsubok na sabay naming hinarap. Sa totoo lang gusto ko siyang pigilan noon. Nagalinlangan ako sa pasya ko. Kaya tinanong ko ang sarili ko. Kaya ko ba talagang hadlangan ang pangarap niya. He wanted to stay, but i push him. Bagay na hindi ko pinagsisihan. “No, wala akong pinagsisihan.” Hindi ako kumarap ng sambitin ko iyon. Tuluyan na ngang nabahiran ang mukha niya ng galit. Galit, dahil siguro hindi ito ang inaashan niyang sagot ko. “Panghihinayang meron, pero walang pagsisisi Lucas,” saad ko habang nakapirmi ang mga mata ko sa mata niya. “You turned to be a better person, so why would I regret pushing you away back then.” Sana maramdaman niya ang sinseridad sa bawat salitang binibitawan ko. “Sa katunayan, proud na proud ako bilang kaibigan mo.” Nakita ko sa mga mata niya ang pag-alpas ng galit. “You don’t have the right to be proud of me,” he scoff. Natutop ang bibig ko. I cause him too much pain. Kaya wala akong karapatan na maging proud sa kanya. Wala akong kaalam-alam na tapos na pala. Sampung pair lamang ang natira. At tapos na ang sampung minutong duration para sa game. Nauna na siyang tumayo. Nilapitan niya ang girlfriend niya. Ipokrita ba ako kung sasabihin kong. Kahit konti, ay may nararamdaman ako ng selos. “Nagseselos ka sa kanila?” Ginulat ako ni Vlad sa paglitaw niya sa tabi ko kasama si Darius. “Nope,” I answered in a serious tone. Tinungo ko na ang table namin. May nagseserve na ng pagkain. Dinner muna bago ituloy ang palaro. He’s now treating her the way he treated me back then. Ano naman kasi ngayon sayo Britannia? Kahit itrato pa niyang prinsesa ang babae labas ka na dun kasi girlfriend siya. Nagdedeliryo ang isip ko na dumating sa puntong nasabunutan ko na pala ang sarili ko. Kung hindi pa ako sinita ni Vlad di ko pa mamalayan na sinasaktan ko na pala ang sarili ko. “Okay ka lang? Gusto mo bang iuwi na lang kita?” Si Vlad na kanina pa nakatingin sa akin habang magkasalubong ang kilay. Umiling ako,”Kumain na lang tayo, parang masarap yung food.” Maging si Darius ay nag aalala na din sa inasta ko. Nakikita ko siyang patingin-tingin sa akin. Nginitian ko siya ng mahuli ko ang mga mata niya. “Okay ka lang ate Bri?” Napakasweet naman ng boses ng bata na to. “Oo naman,” sagot ko at ginulo ang buhok niya. Iwinaksi ko na lamang ang iniisip ko kanina. “Oo nga pala, anong balita sa paghahanap ng tour guide mo?” Bigla kasing sumagi sa isipan ko baka lagi na lamang siya nakatambay sa tinitirhan niya. “Wala pa daw ate, pero okay lang naman po,” maintindihin na sambit niya. “Kung may gusto kang puntahan sabihin mo lang, para maset natin yung date kapag walang lakad si bakulaw.” Sayang naman kasi yung binayad niya kung tatambay lang siya sa silid niya ng isang linggo o mahigit. “Sinong bakulaw ate?” Usisa ni Darius. Napatakip ako ng bunganga ng marealize ko ang lumabas sa bunganga ko. Napatingin ako kay bakulaw. Nakatingin din siya sa akin na naghihintay na ibuka ko ang bunganga. Nakaiwas agad ako ng tingin. Thank god, I was saved by the MC. Tapos naman na kaming kumain. Nagpapababa muna kami ng mga nakain namin bago sumabak sa laro. “Are you excited for the next game?!” sigaw na tanong ng emcee. “We’re always ready!” response ng mga narito maliban na lamang dito sa table namin. “Okay, okay, the second game is…………. Paper Dance!!” naghiyawan ang lahat sa sinabi ng emcee. Ewan ko ba, wala naman nakakaexcite sa paper dance na yan. Pumunta na kami sa kanya-kanya naming pwesto kung saan may nakalagay na manila paper. Magkaharap kami pero parehong hindi nakatingin sa isa’t isa. Naiilang ako dahil sa pag-uusap namin kanina. Hindi ko alam kung magsosorry ako o hindi. Tumikhim siya,”I’m sorry about kanina,” sambit niya. Nabaling ang tingin ko sa kanya. Napagpasyahan kong humingi din ng tawad pero nagsalita siya ulit. “Tama si Yarki, kaibigan pa rin kita,” ani niya. Ngumiti siya sa unang pagkakataon sa akin. Ngayon ko na lamang masilayan ang ngiti niya matapos ang mahabang panahon. “Ang bait naman niya galing mong pumili,” napilitan akong ngumiti. Napatingin siya sa babae na nakaupo kasama ang ilan sa mga kaibigan nila. Ang kanyang mga mata na kay kumikinang habang pinagmamasdan ang girlfriend. For the first time in my life, I was envious.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD