Pauwi na sana si Piper sa La Huerta nang mag-vibrate ang phone niya sa loob ng bulsa. Huminto siya sa gilid ng kalsada, na binasa ang mensahe. Galing pala kay Jestoni. "Punta ako sa inyo. May dala akong waffle. Ako mismo nagluto. Baka gusto mong tikman." Napangiti siya nang bahagya. Pagod siya. Mabigat ang araw niya ngayon, mabigat pa rin ang mga salita ni Jeric na paulit-ulit sa isip niya. Ayaw nga sana niyang pumunta ng hospital pero na ngulit ang tatay niya. Kaya napilitan na siyang pumunta, nagalit pa ang tatay niya ng makita na namumugto ang mata niya. Hindi niya isinumbong si Jeric, instead si Kervin ang isinumbong niya since masama naman talaga ang ugali ng lalaking yun na assistant lang naman pero kung maka asta akaala mo ito ang tagapagmana, si Jeric bihira niyang marinig na ma

