"Tsk! Sana lumusot." bulong ni Piper habang sakay ng electric bike papasok sa hacienda. Bahagya palang na tumitirik ang araw pero maliwanag naman na ang buong lupain ng LaHuerta at mangilan-ngilan na ang mga manggagawa na nag lalakad para pumasok sa iba't-ibang panig ng lupain.Tahimik ang hangin, mabango ang halimuyak ng mga bulaklak ng mga punong na mumulaklak pero kabaligtaran ang dibdib ni Piper. Na hindi na natahimik mula pa kagabi, mabilis ang kalabog ng puso niya habang papalapit na siya sa manor ng mga La Hureta. Nakareceived siya ng text galing kay Jeric madaling araw pa lang dun sila ni Viper daw dumeretso sa manor. Kaya ngayon dun siya papunta sa bahay ng mga amo. Nakasuot ng simpleng polo at maong, buhok na maayos na parang si Viper talaga. Kalma ka lang. Ikaw si Viper. Ika

