Maghapon na halos hindi mapakali si Piper. Pagkaalis ni Jeric noong nakaraang araw, hindi na siya tinantanan ng kaba. Paulit-ulit sa isip niya ang bawat titig, bawat tanong, bawat ngiti na parang may kahulugang nakatago. Hindi iyon basta hinala. Ramdam niya. Parang unti-unti siyang hinuhubaran ng maskara sa bawat segundo. 5 Araw ng hindi na uwi si Jeric ang alam niya nasa Manila ito dahil narinig niya na naaksidente daw ang isang kapatid nitong bunso at nasa hospital si Joven daw. Ayon sa balita niya sa mga katulong sa manor, critical daw at nag hahanap ng heart donor para sa bunsong kapatid ni Jeric. Nag-alala man siya pero hindi ganun masyado dahil may na iisip pa rin niya ang problema niya. At hindi na siya pinatutulog ng isip niya. Malakas talaga ang kutob niya na alam na ni Jeric a

