Hindi pa rin tuluyang nawawala ang kirot sa paa ni Piper, pero mas masakit ang bigat sa dibdib niya habang nakaupo sa dining ng manor sa harap ng almusal na inalok sa kanya ng mga katulong. Hindi naman nya magawang kainin, umiikot sa isip niya ang lahat ng sinabi ni Jeric, umamin na nga siya nawala na yung bigat na dinadala niya pero napalitan naman ng mabigat na consequence. Hindi niya alam kung ano kahihinatnan ng parusa ni Jeric. Iniisip nalang niya mas mabuti na din yun kesa ipakulong siya nito. "Sino?" “Si Ma’am Bia po, steady girlfriend ni Sir. Madalas dito mag-stay iyon kapag umuuwi galing US.” bulong na sagot ng isang katulong na nasa kusina. Patay malisya naman si Piper na kunwari walang na ririnig sa usapan ng mga ito. Steady girlfriend. Bulong ni Piper sa isipan niya, so gir

