Mainit ang araw sa mangahan, pero mas mainit ang eksenang nasa gitna ng taniman ng mangga, sa ilalim ng isang punong hitik sa hinog na bunga, nakatayo si Jeric at Bia na parang mga bida sa commercial ng prutas. Hawak ni Jeric ang isang manggang bagong pitas, maingat na tinatalupan gamit lang ang daliri nito na ang ganda pa ng ngiti habang si Bia ay naka abang sa manggang tinatalupan. Tahimik ang paligid paminsan-minsan napapalingon si Piper, nung una wala siyang paki-alam. Kanina ng pumunta sila sa e-bike niya umangkas si Bia dahil sumakay kay Stardust si Jeric, sinubukan ni Jeric na isakay si Bia sa kabayo pero agad na lumayo ang kabayo, nag susuplado na ewan ba niya parang gusto niyang yakapin si Stardust dahil buti pa ang kabayo, isang babae lang ang gustong isakay siya lang iyon. Sam

