Habang tuloy-tuloy ang takbo ng sasakyan sa highway, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ni Piper. Tahimik lang si Jeric sa pagmamaneho may mahinang music sa loob ng wrangler. Parehong kamay ay nasa manibela habang diretso ang tingin sa kalsada. Parang walang nangyaring iringan sa pagitan nila. Parang wala lang talaga itong pakialam sa babaeng namumutla at napaduwal ilang minuto lang ang nakalipas na basta nalang nila iniwan sa bahay. Pero sa isip ni Piper, paulit-ulit ang eksena. Yung nasusuka, yung sinabi nitong na hihilo ito at nag crave sa pinya. Napakagat siya sa loob ng pisngi niya, babae siya at fresh graduate sa kolehiyo kaya matalas pa ang memorya niya sa mga pinag-aralan nila sa school. Kaya alam niya ang mga senyales na ganoon at hindi lang yung simpleng pangangasim. “Hindi

