Maaga pa lang, gising na si Piper. Halos hindi siya nakatulog kagabi. Paulit-ulit sa isip niya ang huling sinabi ni Jeric sa ilalim ng kakawate. “I just… needed you there.” Hindi niya alam kung maiinis siya o matutuwa. Alas-singko pa lang ng umaga nang dumating ang isang text message galing kay Jeric. Be at the manor. We’re leaving early. Manila. You’re coming with me. Walang tanong, walang paliwanag. kundi utós agad deretso. Napabuntong-hininga siya na napapikit na kumamot ng noo niya. Wala rin naman siyang choice, kilala na niya si Jeric, kapag sinabi nitong sasama siya, sasama siya period. Tumihaya siya ng higa at napatingin sa kisame ng kuwarto niya sabay napangiti ng maalala ang mukha ni Jestoni ng sabihin niyang hindi supot si Jeric at hindi rin maliit ang TT ng amo. Yung tawa ni

