Buong araw na maganda ang pakiramdam ko feeling ko, sobrang gaan ng araw ko ngayon. Kahit madami mga pinapagawa sa amin ang mga teacher okay lang.Malapit na kasi ang bakasyon,nasa fourt grading na kami.One month and 2 week’s na lang bakasyon na namin.
Oras na ng uwian,sunod-sunod na ang mga estudyante palabas ng gate.Ako ito nag-hihintay sa kapatid ko.siguro nakikipag-kwentuhan pa ito kaya natagalan.Medyo may kadaldalan din kasi ang kapatid ko.
Habang hinihintay ko ang kapatid ko nilalaro laro ko ang cellphone ko na de keypad,para di ako makaramdam ng inip sa paghihintay.Nakaupo ako sa waiting shed na malapit sa gate,dito kami lagi nag-hihintayan ni Isay.
Maya-maya naramdaman ko na para ba may nakatingin sa akin,inalis ko paningin ko sa cellphone na hawak ko at unti-unit ini-angat ko ang aking paningin sa tao nakatayo sa may harapan ko.Nagulat ako kasi ang nakita ko naka-tayo sa harapan ko ay walang iba kundi si Drix akala ko kung sino lang na katulad ko na may hinihintay din.Nakita ko nakatitig s’ya sa akin,pero mukha nag-aalangan ko lalapit ba o hindi,kaya nginitian ko na lang s’ya.
“Ah,Ixs salamat talaga kanina ah, di ako nagkamali na manghiram sa iyo. Perfect score ako.“nakangiti n’ya sabi.
"O-Okay l-lang 'yon."haist bakit ako nabubulol napaghahalataan tuloy ako nito,sabi ko sa sarili ko.
“Wala pa ba kapatid mo?”tanong nito habang nakatanaw sa classroom ng kapatid ko.Lagi n’ya siguro ako nakikita nag-hihintay dito.
“Wala pa nga eh,kanina ko nga pa s’ya hinihintay dito.”tugon ko dito.
"Ah,ganoon ba?Sige mauna na ako umuwi, ingat ka pag-uwi ah, bukas bawi ako, treat kita sa canteen." sabi ni Drix habang unti unti naglalakad palayo sa akin at kumakaway.Ako naman naka-nganga lang habang sinusundan s’ya nang tingin.Totoo ba talaga?
Feeling ko namumula ang pisngi ko ng mga oras na iyon,nasa ganoon ako sitwasyon ng makita ako ng kapatid ko na si Isay.Hawak hawak ko kasi pisngi ko na pakiramdam ko nag-iinit.Para ako tanga na gusto ko sumigaw sa sobra excitement.Ang crush ko mukha na papansin na ako,baka manliligaw nasa akin,baka mahal na n’ya ako?Parang tanga iniisip ko ang mga bagay na iyon.Masama ba mangarap?Who know's di ba?
"Huli ka!what is the meaning of that face? natatawa sabi ni Yasmin.
“May pakaway kaway pa,tama ba narinig ko may date kayo bukas sa canteen?" patuloy na pang aasar ng kapatid ko sa akin.
"Anong date? Wala date sabi n'ya ililibre n’ya lang ako sa canteen bukas para daw makabawi sya sa pagpapahiram ko ng notes sa kanya kanina".paliwanag ko dito.
"Oh, bakit namumula pisngi mo?ay hindi pala,bakit kulay ube mukha mo?"pang-aalaska tanong nito.Grabe kung makapang-lait talaga ito kapatid ko,pero kapag s’ya naman ginantihan mo pikunin.
“Para ka tanga d’yan,tumigil ka nga!".sabi ko dito."Wala lang ito sobra init lang kaya, tingnan mo pinagpapawisan na nga ako dahil sa init. Pakiramdaman mo nga singit at kili kili mo baka nag-babasa na dahil sa pawis.” pang aasar ko dito.Para mabago ang topic namin dalawa.Pero parang nag-kamali yata ako.Sa halip na mabago ang topic,tinakot n’ya ako.
"Ah, ganoon? Sumbong kita kay Mama at Papa.Nagpapaligaw ka!.” Tingnan mo kapatid ko na ito kapag s’ya inaasar pikon agad.
Tapos naglakad na ito ng mabilis.Milde (maldita) talaga kapatid ko na ito at sumbungera pa.Kaylangan ko makagawa ng paraan para hindi ako nito isumbong.Pero teka wala naman ako ginagawa masama ah,napa-isip ako.Tsaka sabi lang naman ililibre ako,wala naman sinabi liligawan ako.Pero ganoon pa man kinakabahan pa rin ako,baka magalit sina Papa at Mama,baka isipin nila di pag-aaral ang ginawa ko kundi pakikipaglapit sa mga lalake.
"Oo na mabango na at di pinapawisan singit mo“paglalambing ko dito sabay hawak sa balikat nito.Pero inalis n’ya kamay ko at naglakad nanaman ng mabilis.
“Meron ako nakitaaa di ko sasabihinn pero kapag ako’y pinilit sasabihin ko din lalalalala.”paulit ulit na lyric nito ng pagkanta habang naglalakad sa unahan ko.Lagot ako kina Mama isusumbong talaga ako nang gaga na ito.
Pagdating namin ng bahay madilim dilim na din ang paligid,nauna pumasok ang kapatid ko sa bahay ako naman dumiretso sa likod nang bahay.Naririnig ko kasi naroon ang bunso ko kapatid na si Adrian.Ibibigay ko sa kanya ang pasalubong na pinangako ko sa kanya kanina umaga bago kami umalis.Nag-lalaro ito sa bahay kubo na pahingahan namin.
“Bunso,gabi na, bakit andito ka pa?Ito pasalubong ko sa iyo Mirengue ang paborito mo.”
“Hinihintay ko kasi kayo ate,bakit matagal kayo ngayon ni ate Isay?”sabi nito habang papalapit sa akin para kuhanin ang supot ng pasalubong ko.
“Ah,may ginawa pa kasi ang ate Isay mo kaya hindi kami agad nakalabas kanina.”
“Ah,ganoon ba?”sagot lang nito na abala sa pagbukas ng balot ng miringue.
“Tara na pasok na tayo sa loob, mamaya mo na iyan kainin pagkatapos ng dinner.”utos ko dito.
“Okay,ate”.sagot nito sa akin.
Pag-pasok namin sa loob ng bahay nakita ko si Mama na nag-hahain na ng pagkain sa hapag-kainan,tapos si papa nakaupo naman sa mahaba upuan sa salas habang nanonood ng Telebisyon.Naririnig ko ang volume ng telebisyon,nanonood ito ng balita.
“Mano po ‘Ma.”ini-abot naman nito sa akin ang kanyang kamay bago ilapag ang pinggan na may laman na kanin.”Hmmmm mukha mapapasarap ang kain ko nito,’Ma”.
“Mag-bihis na kayo para makakain na tayo”.utos nito sa amin.
Nauna na umakyat si Isay habang paakyat ng hagdanan kumakanta ito ng “Meron ako nakitaaa di ko sasabihinn pero kapag ako’y pinilit sasabihin ko din lalalalala”.nahabol ko na lang ito ng tingin habang paakyat ito sa hagdanan.
"Musta po ang taniman Papa?tanong ko dito habang papalapit ako para mag-mano at inaabot naman nito ang kanyang kamay.
“Okay lang,medyo makapal na ang d**o pero binawasan na namin ng lolo mo kanina.”sagot nito.
“Ah,ganoon po ba?sige tutulong po ako sa inyo sa weekend,para mapabilis ang trabaho n’yo.
“Naku,ikaw talaga bata ka negra ka na nga makikisali ka pa sa trabaho bukid.Hayaan mo na ‘yan kay Papa mo at sa lolo mo may mga katulong naman sila.”sabad ni Mama sa usapan namin ni Papa.
“Papa,si Mama oh,nilalait ang maganda mo anak!”pagpapakampi ko kay Papa.Tumingin lang si Papa kay Mama tapos ngumiti.Si Papa talaga lagi kampi kay Mama,palibhasa patay na patay kay Mama noong mag-kasintahan pa lang sila dalawa.Ang Mama ko 40 year's old pa lang,si Papa naman 39 year's old mas matanda si Mama ng walong buwan.
“Mag-bihis na ka doon sa taas ng makakain na tayo.”pagtataboy sa akin ni Mama.
"Sige po."sagot ko.
Nang pumasok ako sa kawarto nakita ko tapos na mag-bihis si Isay.Ako naman nilagay ko ang aking bag sa sabitan,at nag-simula na magpalit ng damit.
“Sumbong ko ikaw kay Mama at Papa.”sabi ni Isay bago lumabas ng pinto.Dali dali ko tinapos ang pag-suot ng pambahay ko na short at hinabol ko si Isay habang pababa ng hagdan namin na kahoy.
“Isay..!”pabulong ko tawag dito habang pababa kami pero para ito bingi na lumakad papunta sa kusina.
“Oh,ano pa ginagawa n’yo dalawa d’yan umupo na kayo.”sabi ni Mama ng makita n'ya kami mgkasunod ni Isay na pumasok ng kusina.
“Sige po.”pumunta ako ng lababo para mag-hugas ng kamay.
Ang ulam namin ngayon ginataan na sitaw tapos may prito isda tilapia.Nag-hugas ako ng kamay,para trip ko kumain nang nakakamay e.Masarap kasi kumain ng naka-kamay lalo na kung may ulam ka na prito isda.Habang kumakain tahimik lang kami,wala ka maririnig na ingay maliban sa ingay ng pinggan at kutsara.Ayaw na ayaw kasi ni Papa na maingay sa hapag-kainan.
Nang matapos na kami kumain,ako na ang nag-ligpit ng pinagkainan namin habang si Isay naman nagpupunas ng lamesa.Si Papa,lumabas sa kubo pahingahan namin sa may likod bahay kasama si bunso,siguro mag-papahangin lang.Si Mama naman abala sa pagluluto ng karne na nakasaplang sa lutuan.Palalabutin na daw n’ya para bukas ipri-prito na lang n’ya.
Maya-maya lumapit si Isay sa likuran ni Mama,sinasamaan ko na s’ya ng tingin pero nakakaluko mukha lang n’ya nakikita ko.Mag-uumpisa na ito magsumbong kilala ko ito ,lalo na kapag umaali-aligid ito sa likod ni Mama na para ba kumukuha lang ng tyempo.
“Ma,alam mo ba iyan si ate Ara may ka-date bukas.”sabi ng walanghiya ko kapatid habang nakatingin sa akin.Sinabi ko na nga ba eh,di ako nagkamali.Ako naman napatingin kay Mama na kinakabahan ng sobra.Pulang pula na siguro mukha ko,kung maputi ako.Pero di makikita ni Mama dahil nga maitim ako.Buti hindi ko na bitawan ang hawak ko braso ng magsalita ito dahil sa kaba.
“Ano naman sinasabi nito kapatid mo Ara,totoo ba ‘yon?”tanong ni Mama pero hindi naman s’ya galit habang nakatingin ng mataman sa akin.
“Hindi naman po totoo ‘yan ‘ma?di naman sya nanliligaw sa akin.Sabi lang naman ng classmate ko lilibre n'ya ako sa canteen bukas dahil pinahiram ko sya nang assignment namin sa Math kanina.Exaggerated lang po si Isay,”mahaba ko paliwanag dito.
“Okay lang naman sa amin ng Papa nyo ang ligawan kayo,darating naman talaga kayo sa ganyan na may manliligaw sa inyo.Pero sana mga anak ingatan n’yo puso ninyo at lalo na ang mga saliri n’yo.Naiintindihan n’yo ba?”tanong ni Mama habang palipat lipat ng tingin sa amin ni Isay.
“Opo ‘Ma.”sabay namin sagot.
Pumunta si Mama sa may pinto papunta sa kubo,tapos nagkwento kay Papa na mukha may manliligaw na daw sa akin.
“Hayaan mo na,ganyan din ang edad mo ng manligaw ako sa iyo,natatawa sabi ni papa na para ba kinikilig pa.
“Oo na alam ko naman iyon,kaya nga hindi ko pinagalitan di ba?naririnig ko sabi ni Mama.Nakakatuwa talaga ito mga magulang ko.Sobra maunawain talaga sa mga anak nila.
“Pa,hindi pa naman po talaga nanliligaw e”.malakas na boses k para marinig ni Papa.
“Ah mahina lalake”.narinig ko sabi ni Papa.
“Hindi kasi lahat ng lalaki katulad mo,makapal ng mukha”,biro ni Mama kay Papa.
“Naku,gustong gusto mo nga e,natatandaan mo ba patay na patay ka nga sa akin noon”.sabi ni papa kay Mama..Si Mama naman kinurot si Papa sa tagiliran,kung titingnan mo sila para sila mga teenager na naghaharutan.Habang ang bunso ko kapatid ina-awat sila.
"Tumigil ka nga Papa,baka maniwala mga anak mo".sabi ni mama kay Papa. Buhat ng ipinanganak kasi ako si mama ay Papa na din ang tawag kay Papa.
“Uy,naglalambingan nanaman sina Papa at Mama.”sabat naman nito madaldal ko kapatid na si Isay.Habang papalapit din sa kubo.
“Heh!tumigil ka sumbungera!sabi ko kay Isay.
Natawa na lang sina Mama at Papa sa pangbabara ko kay Isay.