Episode 5-Special Day

1483 Words
Kinabukasan maaga ako naghanda para pumasok dahil para sa akin espesyal ang araw na ito.S’yempre ito ang araw na sinabi ni Drix na lilibre n’ya ako para kumain sa canteen. Kung darati-rati si Isay ang nagmamadali para pumasok ako naman ang  naghihintay sa kanya ngayon. “Isay,tara na”,sigaw ko sa kanya,di pa kasi ito bumababa ng kwarto.Naihanda ko na rin  ang baunan namin dalawa,maaga ako nagising kaya nagawa ko pa tulungan si Mama para mag-handa ng babaunin namin na pag-kain sa paaralan.. “Wow iba din talaga nagagawa ng pag-ibig,tinalo pa ang alarm  clock”,pang-iinis na naman n’ya sa akin. “Dami mo talaga alam noh?”,sabi ko dito. Katulad pa rin ng dati mag-lalakad ulit kami papunta sa paaralan,di pa kasi uso dito sa amin ang tricycle,meron man pero madalang lang ang dumadaan.Kung may dumadaan naman madami na din sakay dahil malayo pa ang pinang-galingan nito.   Iilan pa lang sa mga classmate ko ang nasa loob ng classroom nang ako ay pumasok dito,nakita ko agad si Drix nakaupo sa upuan ko.Nakapihit ang katawan patalikod sa  gawi kung nasaan ang pintuan,kinakausap n”ya si Ched.Nang makita n’ya may kinawayan si Ched, napatingin s’ya sa akin. "Hi Ixs, morning!"bati n’ya sa akin nang ako ay makalapit sa kanya. Alam ko may usapan kami kakain sa canteen pero bakit kaylangan dito pa n’ya ako hintayin sa upuan ko?nasa isip ko habang nakatingin ako sa kanya. "G-Good morning!"ganti bati ko dito. “Hi beshy,ganda natin ngayon ah”!bati ni Ched sa akin. “Hmp!bulahin mo lilang mo bakla!”natatawa sabi ko dito.Nakipag-biruan ako sa kanya dahil naiilang ako kay Drix. Tumayo si Drix buhat sa upuan ko tapos kinuha n’ya ang bag ko na nakalagay sa upuan ni Edna tsaka naman n’ya inilagay sa upuan ko.Magkakalapit kasi kami tatlo girls ng upuan,ako ang nasa gitna,si Chin ang nasa kaliwa tapos si Edna naman ang nasa kanan ko,Si Ched nasa likuran naman ng upuan ko. "Ixs,tara sa canteen,di pa ako nag-aalmusal e.Hinihintay talaga kita" aya n’ya. "Ched tumayo ka na d'yan, kain tayo sa canteen ." aya ko naman kay Ched wala pa kasi sina Chin at Edna. "Tumayo naman ito at hinila ang kamay ko hanggang makalabas kami ng pintuan.Nakakaloka talaga ito bakla na ito.Si Drix naman sumunod lang sa amin dalawa na di mawala ang ngiti sa kanyang mga labi na parang ba naaaliw sa ginagawa sa akin ni Ched.Bigla tumigil si Ched nang tuluyan na kami nakalabas ng pintuan. "Nakalimutan ko kumain na pala ako, kayo dalawa na lang pala!"sabi nito sa akin.Sabay bitaw sa braso ko hawak hawak n'ya kanina. “Ha?samahan mo na ako,nahihiya ako”,pabulong ko sabi dito,pero kinindatan lang ako ng hinayupak ko kaibigan. "Sige na Drix ikaw na bahala sa beshy ko ah, ingatan mo yan at busugin sa pagmamahal mo". Ay treat mo pala hahaha! panunukso nito kay Drix tapos itinulak ako nito,mabuti na lang nakabawi agad ako bago pa ako mapalapit kay Drix na nasa likuran ko lang. “Uyyyyyy,na ngangamoy pag-ibig!”hiyawan ng mga classmate namin na nandoon sa loob ng classroom na nakakita sa amin.   Naiilang tuloy ako ngayon kay Drix dahil sa ginawa ni Ched at sa panunukso ng mga classmate namin.Ano na lang iisipin ni Drix?Kaya tuluy-tuloy lang ang lakad ko sa direksyon papunta sa canteen.Si Drix naman pakiramdam ko naka-sunod naman kaya di na ako nag-abala lingunin pa,ayaw ko din lumingon sa kanya,di ko alam reaksyon nya.Baka nahihiya din sya, "Ayaw mo ba ako makasalo sa pagkain?" pagbasag ni Drix sa katahimikan na namamagitan sa amin dalawa,habang naglalakad kami papunta sa canteen. "Ahm, hindi naman sa ganoon. Di lang ako sanay na iba kasama ko sa pagkain." Napilitan na ako lingunin s’ya.”Tsaka baka bigla na lang may sumabunot sa buhok ko dahil mag-kasama tayo”. "Wala naman magagalit,kaya ‘wag ka mag-alala..”,sabi ni Drix,”Malay mo araw araw mo na ako makasabay sa pag-kain" hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko  dahil pabulong,na para ba sarili n’ya lang kausap n’ya. "Ano sabi mo?tanong ko sa kanya gusto ko makasigurado kaya nagkunwari ako di ko ito naintindihan. " Ha? Wala naman, wala 'yon".Ano gusto mo kainin? pagbabago nito ng topic. "Kahit tinapay lang,,okay na sa akin iyo basta libre mo ah?"pagbibiro ko dito. “Tinapay lang pala  eh,may palamig pa kasama..”ani nito “Sure ka ba talaga ililibre mo ako,baka maubusan ka ng budget?”nag-aalala ko tanong dito,hindi naman sa minamaliit ko s’ya,alam ko naman  kasi na ang Nanay n’ya lang ang tanging bumubuhay sa kanila ng kanyang kapatid. “Sure na sure,kaya ‘wag ka mag-alala,di natin kaylangan mag-123 sa canteen”,pag-bibiro nito. Pagpasok namin ng canteen tinitingnan kami ng mga andoon mga estudyante.Di ko naman masisisi ang mga mata nakatingin sa amin dahil ngayon lang nila kami nakita magkasama dalawa ni Drix.Hinawakan ako ni Drix sa braso at inalalayan papunta kung saan may bakante pwesto.Di ko maintindihan ang kilig na nararamdaman ko habang hawak hawak n’ya ako.Naiilang din ako sa mga mata nakatingin sa amin dalawa dahil sa iniakto ni Drix. “Dito ka muna Ixs, kukuha lang ako ng food natin.”paalam n’ya sa akin.Tumango lang ako.Tinitingnan ko s’ya habang inaasikaso ang pag-kain namin dalawa.Swerte naman ng girlfriend n’ya,siguro ganito s’ya mag-asikaso kaya kahit babaero dami pa din pumapatol sa lalake na ito.Iniisip ko habang nakatingin sa kanya. Nakita ko patapos na si Drix,dahil s’ya na ang kasunod sa pila para mag-bayad,kaya inilipat ko na ang paningin ko sa labas ng bintana.Kunwari nanonood ako sa mga estudyante nagtatakbuhan sa playground,mula kasi sa pwesto ko natatanaw ko ang iba parte ng playround. “Nainip ka ba?”,tanong nito paglapit sa akin. “Hindi naman”,sabi ko.At tinulungan ko na s’ya ilapag sa lamesa ang plato ng pancit at ang baso ng orange juice.Akala ko tinapay lang bibilhin n’ya pancit pala. Habang kumakain kami hindi ko maiwasan na di s’ya titigan sa mukha ang gawapo talaga n'ya,maasikaso pa. “Do you like what you see?”at tumingin ito ng tuwid sa akin,habang nginunguya ang pagkain.Napapansin pala n'ya ako na tinitingnan ko siya.Nakakahiya.Parang gusto bumara sa lalamunan ko ng kinakain ko na pancit,kaya kinuha ko ang juice at tumungga bago sumagot. “A-ah a-ano sabi mo?”kinakabahan ko tanong sa kanya. “Tinititigan mo kasi ako,kaya tinatanong ko ikaw kung gusto mo ba ‘yong nakikita mo sa mukha ko?”sabi nito habang nangingiti.Gustong gusto ko sampalin sarili ko dahil sa kahihiyan. “Ha?ano sinasabi mo?napatingin lang ako kasi… ang takaw mo pala,akala ko kasi diet ka.”palusot si ako. May sasabihin sana sya kaso bigla dumating si Apollo,nagulat siya dahil bigla na lang ito binatukan ng huli.Nginitian ko ng sobra tamis si Apollo dahil para ako nakakita ng isang anghel na tagapag-ligtas ko sa kahihiyan. “Hi Ixs,bati nito sa akin.” “Bro,andito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap ni Rensy e.”ani  nito “Why?”tugon ni Drix na nakakunot ang noo kay Apollo.Na para ba naiinis ito dahil sa bigla pag-sulpot ng kaibigan n’ya. “Bro,bakit ang sungit mo ngayon?Nakakaabala ba ‘ko sa inyo dalawa?”tapos tumingin s’ya sa akin. “Hindi ka nakaka-ABALA”,pagdidiin nito sa salita “abala”. “Sige alis na ako ,mukha nga yata nakaka-abala ako.”Mamaya na tayo mag-usap madami ka dapat i-kwento sa amin.May panunukso sabi ni to. Tapos tumayo na ito at may ibinulong kay Drix. “Ano?di ko maintindihan ayusin mo kasi puro hininga mo lang naririnig ko gago!”.naiinis na ito sa kaibigan. "Magsabi ka na kasi sa babae gusto mo ligawan,wag ka torpe tsong!"sabi ni Rensy.Tapos tumayo na ito at lumabas na ng canteen.Nakita ko namula si Drix,pero ako kinakabahan naman dahil mukha may bago na naman ito nagugustuhan na babae pero na-totorpe daw.Nakaramdam ako ng lungkot at pag-kainis sa babae sinasabi ni Apollo,kahit na ‘di ko pa naman ito nakikilala.Sino na naman kaya ang kaagaw ko? " Ano sabi nya torpe ka daw? Kanino ka naman na totorpe meron ka ba noon? pang aasar ko dito.Biniro ko na lang s’ya para mawala ang nararamdaman ko pag-kainis,kahit hindi ko naman ito lagi ginagawa sa kanya dahil di naman talaga kami ganoon ka-close.Wala lang,parang gusto ko lang malaman kung sino ang babae nagugustuhan nito.Pero alam ko may syota s’ya pero taga iba school.Sabi nga nila maganda ‘yon at muse sa kanila paaralan.Baka wala na sila kaya naghahanap na naman ito ng kapalit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD