Chapter 1
"Maya!" Pasigaw nyang pagtawag sa akin. Hindi ko lubos maisip kung bakit sa dinami-rami ng pagkakataon, at sa daming lokasyon kung saan kami maaring magkita ay dito pa talaga kami pinagtagpo.
Pinigil ko ang sarili kong huminto. Umaasa akong sa pagtuloy kong maglakad ay maisip nyang hindi ko sya narinig.
Maaari yon. Maingay sa bar na to at pwedeng hindi kami magkarinigan. Siksikan din ang mga taong nagkakasiyahan at and tugtog ng musikang tila ba sa tunog na iyon na kami namumuhay ay umuugong hanggang sa dulo ng pandinig ko.
Binilisan ko pa ang paglalakad at pilit nakikipagsiksikan sa mga katawang nagsasayawan.
Ng makarating na ako malapit sa pinto ng bar ay saka ko naman naramdaman ang mainit na palad na humila sa pulsuhan ko, dahilan upang mabilisan akong mapaharap sa kanya.
"Charles" untag ko kasabay ng pagkunot ng noo at pilit pagbawi ng kamay kong hindi man lang nya binitawan. Mas lalo pa nya ngang idiniin ang pagkapit dito at inilapit sa kanya. Dahilan upang lalong magkalapit ang mga mukha namin.
"Anong ginagawa mo dito maya?" Untag nya. Habang titig na titig sa mga mata ko.
Pakiramdam ko ay inaalam nya kung magsisinungaling ako.
"Birthday ni Britney at inimbitahan nya ko" Saad ko.
"Oo pero hindi ka dapat nandito. Di ba inihatid ka ni Paco at ng kuya mo sa bahay nila Britney dahil kamo ay birthday nya? Nakalagay din sa invitation na sa address nila gaganapin yung celebration. Ano to Maya?" Galit ng sabi nya. Kunot ang noo at lumalabas pa ang nilatika sa gigil sa akin.
"Alam ba to ni Adrian? Malamang hindi." dagdag pa nya.
"Dito kase itinuloy yung party ni Britney. Saka ba't ba alam mo yan? Wag ka ngang makialam sakin Charles! Saka wala naman akong ginagawang masama ah!" Umarangkada na rin talaga ang inis ko at hindi napigilang depensahan ang sarili ko.
"Walang ginagawang masama, eh alam ba to ng mga kuya mo? Alam ba to ni Adrian saka ni Henry? Eh nagsinungaling ka nga eh! Sabi mo sa bahay ni Britney ang party--" Hindi ko na napigilan at sumabat na ako.
"Totoo naman kase eh! Dun naman talaga ginanap at tinuloy lang dito! Hindi ako sinungaling! Bitawan mo ko!" Talagang nagsisisigaw na ko sa inis kay Charles. Kaibigan sya ng kuya ko at kasabayan nya itong lumaki. Bukod pa don, malapit lang ang bahay nila sa amin kaya naman kadalasan ay naroon ito sa bahay namin ganoon din ang kuya ko sa kanila. Mas para pa silang magkapatid. Naging malapit din ang mga magulang namin at hindi na tinuturing ang isa't isa na iba.
Ako naman ay hindi ganoong malapit sa mga kapatid ko. Maski sa mga mga kaibigan nila. Malimit kasi akong nasa labas ng kwarto. Makikita lang nila ako kapag kinakailangan. Nasa pagkatao ko na kase ang tahimik at pili lang ang mga taong pinakikisamahan. Para nga daw akong may sariling mundo at kadalasan akong hindi maunawaan maski ng aking pamilya.
Masyado kase akong reserved ika nga nila. Hindi nila nauunawan na kailangan ko ng matinding enerhiya para makipag-socialize. Kakaunti lang din ang mga kaibigan ko at totoo sila. Kaya naman pinakaiingatan ko ang mga taong nakauunawa sa akin dahil bibihira iyon.
Pinilit kong ipiniglas ang kakamay ko kay charles pero ang higpit talaga ng hawak nya na nasasaktan na ako.
"Bitiwan mo ko! Bitiwan mo sabi ako eh! Ano ba bitaw nga!" Sinisigaw ko habang pinipiglas ang kamay sa kanya. Pero nakatingin lang ito sakin at hindi iniaalis ang kapit.
Sa inis ko ay naglakad ako pabalik ng bar habang hawak pa rin nya ang kamay ko. Pero hindi pa man ako nakaka-dalawang hakbang ay nahila nya na naman ako uli.
"Ano ba Charles sumusobra ka na. Uuwi na nga sabi ako eh!"
"Daan ba yan pauwi o pabalik sa bar?"
"Nasa loob pa ang bag ko sa table namin ni Britney! Bitawan mo na kase ko!" Hindi talaga ako nito binitawan. Bagkus nilabas nito ang phone nya at nagtipa.
"Isusumbong kita sa kuya mo" Mahinahong sabi nya na may bahid ng pagbabanta.
"Teka wag ano ba Charles!" Hindi ganoon kaganda ang relasyon ko sa pamilya ko dahil madalas kaming di magkaunawaan at ang pagsusumbong sakin ni Charles ay lalong ikalalagay ko sa peligro.
"Fine! Okay! Okay! Uuwi na nga ako! Please Charles hayaan mong kunin ko ang gamit ko saka makapagpaalam kay Britney. Kung gusto mo sumama ka pa!" Nakinig naman ito at ibinulsa ang telepono nya.
"Ihahatid kita sa inyo at malalaman to nila tita. Sinasabi ko sayo maya di na dapat to maulit." Mahinang sabi nito habang hawak pa rin ang pulsuhan ko. Naglakad kami pabalik sa table namin ni Britney. Agad naman akong binitawan ni charles para makalapit ako sa mga kaibigan ko at maapagpaalam.
"Britney, mauuna na ko ah." Sabi ko agad pagkarating sa table namin habang haplos ko ang pulsuhan. Talagang sumakit ito at namula.
"Hala may nangyari ba? Ipapahatid na lang kita kay manong" tukoy nito sa driver nila.
"Hindi na Britney magpapaalam lang ako" sabi ko sabay kuha ng maliit kong bag at sinabit ito sa balikat ko.
"Ang bilis naman maya di pa nga tayo nakakarami" Sabi pa ni emerald.
"Kailangan ko na kase talagang umuwi eh. Di nila alam na dito tayo dumiretso" tukoy ko sa pamilya ko.
Nakipagbeso ako sa kanila at nagpaalam na kami sa isat isa. Tumayo naman si Charles mula sa sa upuang malapit sa table namin.
Hinawakan nito ang babang likod ko at giniya ako papalabas. Nasisiksik ako sa kanya dahil sa mga nagsasayawan. Ngunit hindi nya inalis ang hawak nya sa likod ko.
"Pasok" sabi nya ng pagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan nya.
Dumiretso ako ng tahimik habang hinihintay syang pumasok.
Malalim na katahimikan ang bumalot sa amin sa daan. Nawawalan ako ng pakialam sa sasabihin nya at ganun din sa mangyayari. Napagod ako sa dami ng tao sa bar at sa pangyayari kanina kasama ni Charles. Alam kong halos parte na sya ng pamilya namin. Pero dapat talaga pati sa galit sakin makisawsaw pa sya?
Pagkauwi ko ay dumiretso ako sa aking silid. Katatapos ko lamang maligo ng katukin ako ni mommy at pababain sa sala. Pagkababa ko ay nakita ko silang nakatipon kasama si Charles at nag-uusap.
"Sinasabi ko na nga ba eh. Dapat talaga dyan kay Maya dito na lang sa bahay. Eh puro gulo lang dulot nyan pag nakakalabas sa kwarto nya." Ani ni kuya Adrian.
Kanina pa sila nagtatalo dito sa sala dahil sa pagpunta ko sa bar. Hindi ko maunawaan kung bakit ayos lang ang mga bagay na ito sa mga kapatid ko. Pero pag dating sakin ay para akong nakapatay ng tao kung makaasta sila.
Tahimik na lamang akong nakinig habang nagkakalikot sa phone ko.
Wala akong gana makinig sa galit nila dahil hindi rin naman nila ako pinakikinggan sa mga paliwanag ko.
Madalas sa ganitong pagkakataon ay tinitikom ko na lang ang bibig ko at tinatanggap ang ano mang sabihin nila. Bukod sa sayang sa laway ay wala rin namang magbabago.
"Kaya nagkakaganyan yan kasi pinapayagan nyo." Sawsaw pa ni kuya henry.
Napangisi na lang ako at tuloy paring nakayuko sa phone ko.
"Nakikinig ka ba Maya? Parati ka na lang ganito. Akin na yang phone mo at hindi ka muna gagamit ng mga devices mo kung hindi naman kinakailangan sa school" Sabi pa ni dad at hinablot ang phone ko.
"Tama yan. Ganyan dapat kay Maya pinuputulan ng sungay." Sabi pa ni kuya Adrian.
"Yang bibig mo Adrian!" Saway naman ni mommy sa kanya.
"Ano ba kase talaga ang nangyare at pumunta kayo sa bar? Ang usapan hindi ba ay sa bahay lang nila Britney?" Tanong sakin ni mommy.
Yumuko na lang ako at nilaro ang mga daliri ko. Hindi ko sinubukang magsalita dahil kahit mukhang hinihingi nila ang paliwanag ko ay hindi naman nila pinakikinggan.
"Bastos ka talaga eh kinakausap ka ng mommy mo pero hindi ka sumasagot!" Galit na sabi ni daddy saka ako sinampal.
Tinanggap ko iyon ng hindi sumasagot.
"Alejandro ano ba?!" Saway naman ni mommy kay daddy.
Ganito palagi pag may bagay akong nagawa na hindi angkop sa kanila. Mas maayos pa nga to kesa noon na ipinagtatangol ko ang sarili ko.
Nauubos din talaga ang pasensya ng tao at napapagod din sila pag naabot na yung sukdulan ng kung ano mang natitira sa kanila.
Sa sitwasyon ko, napagod na lang akong ipagtanggol ang sarili ko.
Nagkakagulo sila dahil sa akin. Hindi ko na rin masundan ang mga sinasabi nila.
"Ang sabi po ni maya kanina tita ay doon ginanap sa bahay ni Britney ang party saka tinuloy sa bar." Mahinahong sabat ni Charles.
Talagang andito pa rin ito kahit masyado ng personal ang mga pangyayari. Tahimik pa rin akong nakayuko. Naluluha ako hindi dahil sa sampal kundi sa katotohanang hindi ko maipagtanggol ang sarili ko at sa pakiramdam na ang liit liit ko. Pero pilit kong pinigil ang mga luhang hindi naman dapat pumatak.
"I think it is not Maya's fault tita, tito. It's just that doon lang po talaga tinuloy ang party." Dugtong pa ni Charles. Hindi ko alam kung anong dahilan nya sa pagsasabi ng mga bagay na to. Hindi naman kase iyon nakakatulong.
Hindi rin nagtagal ay natapos ang diskusyon. Dumiretso ako sa banyo at naghilamos. Huminga ako ng malalim bago ko napag-desisyonang lumabas.
Nagulat ako ng sumalubong sakin paglabas ng pinto ay ang matipunong dibdib ni Charles. Napaatras ako sa sobrang lapit nya. Kinailangan ko pa syang tingalain dahil sa kanyang tangkad at lapit sa akin.
"Excuse me." Sabi ko saka dadaan sana sa kanyang gilid ng harangan ako nito. Ganoon din ang ginawa nya ng dadaan sana ako sa kabila.
Hinawakan ko ito sa magkabila nitong braso at tinignan ito ng masama. Saka ako dumaan muli sa gilid nito. Binitawan ko na ito ng makalampas ako. Ngunit agad naman nitong hinila ng malakas ang pulsuhan ko dahilan upang mapakapit ako sa kanyang dibdib.
Tumibok ng mabilis ang puso ko. Sa ganitong posisyon uli kami nagkatitigan.
Mali ito. Masama ang loob ko sa pakikialam nya sakin. Saka isa pa, sya ang dahilan kung bakit na naman ako napagalitan.
Agad ko itong tinulak.
"Ano ba?" Maanghang kong saad dito. Kunot ang noo at masama ang loob.
"Maya, gusto ko lang makausap ka saglit."
"Ako ayoko. Umuwi ka na sa inyo hating gabi na." Sabi ko saka sya tinalikuran patungo sana sa hagdan ng hawakan nito ang bewang ko.
"Maya sandali lang" napahinto ako sa hawak neto sa aking bewang. Dama ko rin ang init ng hininga nitong dumampi sa tenga ko.
"I'm sorry." May himig ng sinseridad sa boses nya.
Hindi ko ito pinansin at nagmadali na lamang umakyat.
Agad kong sinarado ang pinto ng makarating ako sa aking silid. Hawak ko ang dibdib kung saan naroon ang puso kong malakas ang t***k.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit hinang hina ako tuwing malapit ako sa kanya? Dapat ay nagagalit ako pero ganito pa ang dulot nya sa sistema ko.
Alam kong sa pag lipas ng gabing ito ay hindi ko makakalimutan ang mainit nitong haplos, ang kayumanggi nitong mga mata, at ang pagiging matipuno nito. Sa kabila ng limang taong agwat namin ay hindi maitatanggi na may ibang dulot sa akin ang prisensya nya. Ngunit lamang ang katotohanang may poot ako para dito. Ang palagian nyang pakikialam sa buhay ko at pakikisawsaw sa mga problema namin ang hindi ko nagugustuhan.
Sigurado akong kung ano man ang atraksyong nararamdaman ko ay hindi mapapantayan ang inis ko sa kanya.