"Maya dito!" Agad na tawag sakin ni Britney ng makapasok ako sa cafeteria. Kasama na nya si Emerald. Sa harap nila ang pagkain nila. Agad naman akong lumapit sa table nila saka nilapag ang bag ko.
Sasabay sana ako sa kanila kanina kaso ay pumunta muna ako sa banyo kaya nauna na sila para na rin makahanap ng pwesto.
"Teka oorder lang ako. Naiwan ko kasi--" Hindi pa natatapos ang sinasabi ko ng may tumawag sa akin.
Napalingon naman ako sa gawi ng pamilyar na boses na yon.
Kasama ni Kuya Adrian ang ilan sa mga kaklase nya at si Paco at Charles.
"Anong ginagawa mo dito? Sa kabila yung cafeteria nyo." Sabi ko kay kuya Adrian.
"Naiwan mo to kanina. Pinasabay sakin ni mommy." Sabi nito saka abot ng pack lunch ko.
Huling taon ko na sa senior high school at pinagtutuunan ko ng oras ang paghahanap ng scholarship for college. Si kuya Adrian naman ay nasa college sa parehong university kung san ako nag-aaral. Kumukuha sya ng kurso sa business. Si Paco naman ay IT at nasa premed naman si Charles sa parehong university rin kasama namin ni Kuya.
Ewan ko kung bakit sila magkakasama gayong magkakaiba naman sila ng kurso. Hindi ko na lang tinanong dahil hindi naman na iyon mahalaga.
"Thank you." Sabi ko. Saka ako umupo sa table namin nila Britney at emerald.
"Maya punta ka pala sa bahay mamaya. May celebration samin. Birthday ko kase." Napalingon ako sa sinabing iyon ni Paco. May pag-asa sa boses nya at may matamis na ngiti ito sa labi. Iniintay ang pagtugon ko.
Noon pa man ay maayos na ang pakikitungo sa akin si Paco. Hindi man kami gaano malapit sa isa't isa pero talagang mabait ito sa akin. Sa kanilang magkakaibigan ay si Paco lang ang ayos para sa akin. Pati ang kaibigan nila kuya Henry na si Evan. Ang iba sa kaibigan ng mga kuya ko ay hindi ko na gaano kilala.
Sinuklian ko ang sinsero nyang ngiti at tinandaang bumili ng regalo para sa kanya mamaya.
"Hindi ako pwede Paco eh. Grounded ako ngayon. Happy birthday na lang."
Nagtama naman ang tingin namin ni Charles. Nawala bigla ang ngiti ko. Titig na titig kase ito sa hindi ko malamang dahilan. Sa pagtataka ko ay pinangunutan ko na lamang ito ng noo.
"Ipagpapaalam na lang kita kay tita malapit lang naman kami sa inyo. Ano sa tingin mo Adrian?" Nakuhang muli ni Paco ang atensyon ko.
"Ayos lang naman. Sama ka ba? Ako na bahala kay mom at dad. Saka nandun naman kami." Pag sang-ayon ni kuya.
Pero ang totoo ay ayoko rin sumama. Aaminin kong masama pa ang loob ko sa mga nangyari nung nakaraang araw. Hanggang ngayon din ay hindi pa ko nakakahawak ng kahit anong devices ko. Nagtitiis tuloy akong makigamit ng computer sa library at buti na lang kaklase ko si emerald at Britney sa lahat ng subject kaya nababalitaan ako kung kanselado ang klase o walang prof.
Ilang araw na rin simula ng napagalitan ako at napagbawalang gumamit ng kahit anong device kung hindi school related. Kinuha ang laptop ko pati ang phone pero hindi ako kahit kelan nagpaalam na gagamitin iyon.
Nakihiram na lang ako at tinatapos ang mga school works sa library saka nagpapaprint sa labas ng school. Ayoko kase na magkaroon pa ng gulo at ayoko rin sila makausap.
Pangit mang pakinggan pero naiisip ko na lang na tuwing bubuka ang bibig ko ay magkakagulo kami kaya pinipili ko na lang manahimik.
Sa kabilang banda, ilang araw na rin na nakakatagpo ko ang mga mata namin ni Charles. Minsan sa labas ng bahay namin mula sa bintana ko tuwing papasok sya sa loob para pumunta kay kuya. Minsan naman ay pag nagkikita kami sa iba't ibang lugar ng campus. Kahit kase anong gawin ng mga college ay madadaanan nila ang mga highschool at elementary dahil nasa mas malayo silang mga building.
"Hindi na kuya marami kase akong gagawin. Sorry Paco Happy birthday na lang uli." binigyan ko ito ng alanganing ngiti. Sinserong humihingi ng tawad sa hindi ko pagdalo mamaya.
"Magpapaalam na lang ako na pupuntang mall mamaya. May bibilhin lang akong importante na ngayon ko lang naalala. Samahan mo na lang ako para siguradong uuwi ako agad." tugon ko pinaaalalang grounded ako.
"Maya, next time na lang may tinatapos akong paper."
Bumagsak ang balikat ko sa tinuran nya.
"Ako na lang sasama." Bigla ako napalingon kay charles. Ganun din si kuya at ang mga kaibigan nya.
"Oh! Sige pre ikaw muna bahala dito kay maya ah? Deretso uwi kase dapat yan. Eh kung may kailangan naman syang bilhin di ko naman sya masasamahan ngayon. Malapit na kase due date ng papers namin."
Talagang ipinagkatiwala ako ng ganun ganon lang ni kuya Adrian. Napasapo na lang ako sa noo ko sa pagkabigo. Hindi kase iyon ang inaasahan kong mangyare. Isa pa, ayoko rin makasama si Charles ng mag-isa. Hindi maganda ang epekto nya sa akin.
Kung sabagay malaki ang tiwala ng pamilya namin sa pamilya ng iilang kaibigan nila kuya. Sabay sabay kasing nagsipaglaki si Paco kuya Adrian, Kuya Henry, Evan, Charles, at iba pa nilang mga kaibigan na nakatira rin sa village kung san kami naroon. Madalas pa silang nag-oover night sa bahay ng isa't isa noong bata pa kami.
Noong bata naman ako ay hindi nila ako sinasama sa laro. Babae raw kase ako. Ayos lang naman sakin dahil nauubos ang oras ko sa pagdodrawing noon na kinalakihan ko na rin.
"Ay nako next time na lang pala kuya. Nakakahiya rin kay Charles." dali-dali kong alma.
Napangisi naman si Charles doon. Hilig talaga nyang pahirapan ako.
"Wala namang kaso sakin. Saka tapos na rin naman ako sa mga gawain ko so masasamahan talaga kita" May nakakaloko pa itong ngiti at talagang binigyang diin ang salitang 'masasamahan'.
Pasimple ko na lamang itong inirapan.
"Yon naman pala eh. Sige Maya una na kami. Britney,Emerald." Sabi ni kuya adrian at nagpaalam na rin sa mga kaibigan ko. Silang dalawa lang kase ang kaibigan ko at kilala na sila dahil sa palagian kaming magkakasama simula junior high school namin.
Nang tumalikod na sila kuya ay iniwanan pa ko ng nakakalokong tingin ni Charles bago sya tumalikod. Talagang hindi ko mawari kung bakit ganon na lamang nito kagustong inisin at pahirapan ako palagi.
Hindi rin nagtagal ay tinapos na namin nila Emerald ang pagkain at dumiretso sa mga natitira pa naming klase.
Magdidilim na ng magpaalam ang huli naming guro para sa araw na yon.
"Maya si Charles andyan sa labas kanina pa" Biglang tawag sa akin ni Emerald na syang ikina-lingon ko. Magkakatabi kase kami ng pwesto. nasa gilid ako ng wall sa third row katabi ko si Britney at sa kanan naman nya ay si Emerald.
"Oh? Pano mo naman nasabi?" Kuryoso kong turan sa kanya.
"Eh kase nung nagpaalam akong mag cr nakita ko syang nakatambay dyan sa labas."
Kung paanong nalaman nito ang schedule ko ay hindi ako sigurado. Pero sa tingin ko ay hiningi nya ito kay kuya Adrian. Alam kase nila ang schedule ko.
"Thirty minutes ago pa yon emerald ah. Antagal din nyang naghintay." Sabi pa ni Britney.
Binitbit ko na ang bag ko saka naglakad patungong pinto.
"Sinabi kona kasing wag na akong samahan eh." Inis kong bulong.
Naiisip ko pa lang na sya ang makakasama ko sa loob ng ilang Segundo ay naiinis na ako. Pano pa kaya kung kasama ko sya ng ilang minuto o oras? Natatanaw ko na sa isip ko kung pano ako nito iinisin at kung anong itsura ko mamaya pag-uwi. Tiyak na sambakol
na naman ang mukha ko at masama ang loob.
Paglabas ko ng pinto ay agad kong natanaw ito. Tahimik syang nagmamasid habang nakasandal sa pader. Talagang matipuno ito at kitang kita ang angkin nitong kakisigan.
Sa pagmamasid nito sa mga lumalabas ay bigla nitong natagpuan ang mga mata ko. Tinititigan nito ang aking mga mata ng may lambong at kislap. Parang inaasam talaga nitong makita ako. Bigla tuloy ako nakaramdam ng init sa aking magkabilang pisngi at napayuko sa hiya.
Hay naku, ngayon pa talaga kung kelan malapit kami sa isa't isa at magkakasama pa mamaya.
Lumapit na ako dito dahil wala na rin akong pagpipilian.
"Charles."
"Maya." Sabi nito sabay ngisi sa akin. Wala pa man din ay nakakaisip na sya malamang ng kalokohan.
"Maya una na kami." Kinalabit ako ni Emerald.
"Sige bye. Ingat kayo."
Paglingon ko kay Charles ay nakatingin na ito sa akin. Parang hindi man lamang nito inalis ang titig nya sa akin kanina.
Napalunok ako sa isiping iyon. Parang may dulot pa itong kasiyahan sakin na hindi ko matanggap.
"Kanina ka pa?" Tugon ko at sinimulan ng maglakad.
Agad naman ako nitong sinundan.
"Oo. Maaga pang natapos ang klase ko. Tumambay lang ako sa library. Ang kaso naiinip ako kaya napaakyat na ko rito" Tukoy nito sa floor ng classroom namin. Nasa third floor kase ang room namin para sa huling subject na iyon.
"Dapat umuwi ka na. Di mo na sana ako hinintay." Mahinahon kong tugon.
Malakas itong nagbuntong hininga. May malalim na pinaghuhugutan.
"Maya alam ko na hindi maganda yung nangyare nung nakaraan. Hindi ko intensyong ipahamak ka sa parents mo o sa mga kuya mo."
"Pwede bang wag na lang natin yan pag-usapan?"
Huminto ako sa harap nito at deretsa itong tinignan sa mata.
"Saka pwede ba kung sasamahan mo ko wag na lang tayo mag-usap? Kase kung hindi uuwi na lang ako."
Tinalikuran ko na ito at dagliang naglakad.
Nasa byahe na kami at dama ko ang tensyon sa ere. Walang nagsasalita pero mararamdamang awkward talaga ang lagay namin ngayon.
"I'm Sorry." Mahinang basag ni Charles sa katahimikan. Sakto lang para marinig ko.
Hindi ko inaasahan na lalabas iyon sa bibig nya. Hindi ko rin alam kung para saan yung paghingi nya ng tawad.
"Para san naman? Wala ka naman sigurong nilagay sa pack lunch ko kanina. Baka mamaya bigla na lang akong tumakbo sa banyo." Biro ko na lang.
Mahina lamang itong tumawa saka tumingin sa gawi ko.
"Hindi no. Si Adrian ang may hawak ng lunch mo kaya masisiguro mong safe ka."
"Nagso-sorry ako kase hindi ko akalaing mapagbubuhatan ka ng kamay ni tito. Hindi ko rin intensyon na masaktan ka o mapagalitan ka--" seryoso na nitong dugtong na agad ko namang pinutol.
"Ayos na. Tapos na yon. Kahit ano pang hingi mo ng tawad hindi na no'n mababago kung anong nangyare nung nakaraan." Mahinahon kong tugon habang patuloy lang ako sa pagtingin sa labas ng bintana.
"Pero kung ikagagaan ng pakiramdam mo na mapatawad... Then you're forgiven." Saktong paglingon ko ay nakatingin na ito sa akin. Binigyan ko sya ng maliit na ngiti, umaasang mapapagaan noon ang loob nya.
Alam kong masama ang loob ko rito at inis ako sa kanya. Pero ako ang tipo ng tao na hindi kayang mag tanim ng sama ng loob sa matagal na panahon.
Kita ko naman ang matamis nitong ngiti habang nakatingin uli ng deretso sa daan.
Pagkarating namin sa mall ay dumireto na ako sa bookstore para bumili ng sketchpad at iilang lapis.
"Tingin tingin tayo sa boutique. May gusto ka bang bilhin?" Tanong ko habang nakapila kami sa counter ng bookstore.
"Wala naman. Pero sige mag-ikot ikot na tayo. Nandito na rin lang naman eh sulitin na natin."
Nagikot ikot nga kami matapos kong makabayad ng pinamili ko sa bookstore.
Pumasok ako sa isang boutique at napansin ko yung nakalagay sa estante nila na mga neck ties.
"Charles baka gusto mo magtingin tingin sa ibang boutique? May titignan lang ako dito."
"Hindi na. Magtitingin na lang din ako dito sa loob. Baka sakaling may magustuhan ako dito"
"Sige." Sabi ko na lang saka tinalikuran sya. Sandali akong nagtingin tingin ng men's jewelry sa isang gilid bago ako dumiretso sa ties.
"Hi ma'am. Ties po ba para sa daddy nyo o sa boyfriend?" Ngumiti na lang ako. Sinusuri ko kung ano bang magandang tignan kay Paco.
"Ma'am available po ang set samin." Dugtong ng salesman.
"Ilang pieces naman?"
"three pieces po."
"Pwede akong mamili?"
"Sure ma'am."
Namili ako ng tatlong klase ng ties at pina-box ang mga iyon.
"Kuya pwede bang ipa-gift wrapped?"
"Yes po ma'am" Tumalikod na ito para ipabalot ang binili ko. Sinundan ko naman ito sa cashier para magbayad.
"Anong binili mo?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Charles sa tabi ko.
"Regalo ko kay Paco." Bigla naman itong napalingon sakin.
"Akala ko ba hindi ka pupunta?"
"Hindi nga. Ipaaabot ko lang sayo."
"Psh" Sagot lang nito sabay irap.
"Bakit?" Tanong ko.
"Wala."
Pagkatapos noon ay nanaig na sa amin ang katahimikan.
Ng mabayaran ko na ang pinamili ko ay saka kami lumabas. Nakapamulsa pa si Charles habang sinusundan ako.
"Kain tayo nagugutom na ko." Sabi ni Charles habang naglalakad lakad kami.
"Last na lang. Sa top floor tayo." Sabi ko saka nauna ng maglakad sa kanya papunta sa escalator. Bago makarating doon ay nakakita ako ng hotdog stand. Huminto ako umorder ng dalawang hotdog sandwich.
Huminto naman sa gilid ko si Charles.
"This is the cause of your excitement? Hotdogs. Really?" Mahina nitong tawa. May nakakaloko pang ngisi sa labi.
Hindi naman iyon talaga ang dahilan kung bat ako naunang maglakad. Papunta talaga ako ng escalator. Sadyang nakita ko lang ang hotdog stand. Pero sinakyan ko na lamang ang sinabi ni Charles.
"Bakit? I love hotdogs?!" Lalo namang natawa si Charles at talagang malakas ito. Nakita ko ring natatawa yung lalaking nagbebenta ng hotdog habang inaayos yung order namin.
"Ok parang may ibang meaning yon." Napangiwi ako ng mapagtanto ang sinabi ko.
"Pero wholesome ako no!" Alma ko pa pero napapailing na lang si Charles sa tawa.
"Ok. If that makes you sleep at night" tatawa tawang sagot pa nito.