Chapter 3

1674 Words
Ng makaakyat na kami sa top floor ay tinanong ka sya. "Pwede mo ba kong hanapan ng magandang Bluetooth earphones? Gabi na kase. Nag umpisa na yung party ni Paco wala ka pa." "Ayos lang naman yon sa kanila." "Sige na please. Baka hanapin rin kase ako nila mommy. Para mabilis tayo. May titingnan lang ako." Pilit ko. Napakunot na ang noo nito pero pinilit ko pa itong maghanap na. Ng makapasok ito sa isang shop ay dali dali akong tumigil sa bilihan ng cellphone. Nagsabi agad ako ng model ng phone. Nung hindi available ay sinabi ko yung specs. Tumanaw pa ko sa labas. Halos katapat lang kase ng shop na ito ang pinuntahan ni Charles. Medyo unahan nga lang pero tanaw mula sa pwesto ko ang shop na iyon. Buti na lang at maraming tao sa shop na pinuntahan ni Charles. "Kuya sorry pwede paki bilis?" Sumunod naman ito at tinanggal sa box ang phone. May seven days pa naman akong replacement. Ng maopen ang phone at makitang gumagana ang camera ay nagmadali na kong kunin ito. Ok na yan kuya. kahit wag mo na ibalik sa box. Binulsa ko ang phone at saka pinasok ang box nito sa bag ng tapos ko na itong mabayaran. Pag labas ko ay nakita kong nakapila na si Charles para magbayad. Huminto ako sa isang stall saka mabilis na naglabas ng cash. "Isang LTE sim." Saka nagsabi na ko ng network ng sim. Binulsa ko ito saka nagmadaling pumasok sa shop kung nasaan si Charles. Magbabayad na sana ito ng naglabas ako ng cash. "Oh. Andito ka na?" Gulat pa ito na bigla akong sumulpot. "Oo may tiningnan lang naman ako." Sabi ko. "Magkano po?" Tanong ko sa saleslady. "Eight hundred po ma'am." "Ako na miss." Sabi pa ni charles na kumuha na ng cash sa walet nito pero nauna na akong dagdagan ang cash ko na five hundred bills. "Eto na miss. Thank you. Di na namin papabalot." Nginitaan ko ito. Halos magsalubong naman ang kilay ni Charles. "Sabi ko ako na eh." May pait pa nitong sabi sakin. "Sorry nakakahiya naman kase kung ikaw pa ang pagbabayarin ko. Ikaw na nga ang pinahanap ko. Libre mo na lang ako next time. Tara na." Sabi ko sabay hila sa kamay nito palabas ng shop. "Wow nasa holding hands stage na pala tayo." Pabiro nitong sabi. Napatingin naman ako sa kamay namin na magkahawak. Agad akong bumitaw na lalong ikinatawa nito. "Sorry ang bagal mo kase." Sabi ko pero may ibang kahulugan na naman ito sa kanya. "Next time ako naman ang gagawa ng first move." Sabi nito. Nakangisi na sa akin. Inirapan ko na lamang ito. Nagtagumpay rin akong makabili ng spare phone. Pero mukhang naubos ang ipon ko sa isang araw lang. Di bale. At least may magagamit ako habang wala pa yung mga devices ko. Nasa sasakyan na nya kami ng tumunog ang phone nya. "Sila Paco na ba yan?" "Ah oo." Sabi nito saka nilapag ang telepono nito sa dashboard. "May lakad ang mom at dad mo. Sumama ka na lang daw kay Adrian." Inistart na nito ang kotse saka na kami bumyahe. "Uwi na lang kaya ko? Baka nasa bahay naman na si Kuya Henry." "Mag o-overtime daw." Saka ako nito nilingon. Tumango na lang ako. "You weren't so bad today." Sabi ko sa kanya. "Thank you nga pala sa pagsama." Dugtong ko. "Anytime." Sagot nya. "Pambawi ko na rin." Dugtong pa nya na ikinangiti na lang naming dalawa. Ng makarating kami sa bahay nila Paco ay kita na ang mga taong naglalabas pasok sa bahay nila. Rinig na rinig din ang lakas ng tugtog mula doon. Pumasok kami at agad naman kaming sinalubong ni Paco. "Salamat sa pagpunta Maya." Bati sakin ni Paco. Nagbatian din sila ni Charles at nagyakapan. "Nga pala..." Inabot ko ang regalo ko sa kanya. "Happy birthday." Lumandas ang kasiyahan sa mukha ni Paco kaya naman na pangiti rin ako. "Nag-abala ka pa Maya. Well, salamat dito." "Tara kain muna kayo." Giniya nya kami ni Charles sa kitchen. Marami pala talagang dumalo. Mga kaklase din siguro nila at mga kaibigan. Pansin ko kasing halos magkakaedad lang sila at parang magkakakilala lahat. "Maya! Charles!" Masayang bati sakin ni Tita Janice. Mommy ni Paco. "Hi po tita." Bati ko rin saka yumakap dito. Si charles naman ay nakipag beso. "You look good tita. Where's Tito Rico?" Tanong ni Charles. "Nandoon sa Garden ang family. Kasama ang Mom at dad mo. Nandyan din si Nathan." Si Nathan ang nakababata nitong kapatid. Matanda lang ito sa akin ng dalawang taon at nasa kolehiyo na rin. Matagal ito kung umuwi. Sa maynila kase ito nag-aaral ng abogasya. Samantalang nanatili naman kami sa Cavite. Urbanisado na halos ang mga lugar dito kaya naman marami ring eskwelahang malawak ang serbisyo kaya naman dito na rin napiling mag-aaral ng ilan. Noong bata pa kami hindi ko rin madalas makita si Nathan hindi rin nito kaibigan ang mga kaibigan ng kapatid nya kaya naman naririnig ko lang ang tungkol sa kanya pero hindi ko halos maalala ang mukha nito. "Maaga na dumaan ang mommy at daddy mo hija. Pero nakaalis na rin sila. Halika sa garden muna tayo." Hila naman ako nito sa garden. "Mom, sa pool lang kami." Sabay giya ni Paco kay Charles papuntang pool. batid kong nandon ang barkada nila pati si kuya. Pag dating sa hapag kainan na nakaayos sa garden ay nakipagbatian ako sa lahat. May roong tatlong table doon kung saan merong tig-limang upuan kada isang lamesa. Naroon ng sila Tito Rico sa isa kasama ang iba nitong kamag-anak. Pinakilala naman ako nito sa mga nasa table nila. Sa kabila naman ang mga magulang ni Charles, mommy ni Evan nasi tita Evangeline, at iba pang di ko kilala. Bumati naman ako sa mga kilala ko. "Hi tita Kristina, tito Chance, tita eva." bati ko saka nakipag beso sa mga ito. "Nako dalaga na talaga si Maya." Sabi ni tita Evangeline na tinatawag naming tita eva. May saya sa mga mata nito ng makita ako. "Salamat po." Sabi ko na lang. "Kagandang bata ano? Kaya naman yung anak ko eh kung makabakod ay sobra." May halong tawa pa ni tita kristina na sabi kay tita eva. Nakitawa lang din si tita Janice. Napakunot naman ang noo ko sa tinuran nito. Hindi ko maintindihan ang kahulugan ng sinabi nya. "Hija ang mabuti pa ay kumain ka muna." Ngiti na lang ni tito Chance na pukaw sa akin. Pinakilala muna nila ako sa iba nilang kasama bago ako iginiya ni tita Janice sa isa pang table. Umupo naman ako sa bakanteng upuan at agad naman akong pinakuhaan ng pagkain ni tita Janice. Pansin kong may mga kasama akong dalawang bata sa lamesa namin pinapakain ng yaya ng mga ito at isang halos kaedaran ko lang na lalaki. "Hi." Bati ng lalaki sa akin. "Hello." Binigyan ko naman ito ng maliit na ngiti. Bago tumanaw sa kabuuan ng garden at nagtuon ng pansin sa umuugong na tugtog. "Nathan." Napalingon naman ako sa katabi ko na nakalahad na pala ang kamay saakin. "Ha?... Ah Maya." Nagtaka pa ko nung una bago tanggapin ang pakikipagkamay nito. Ito na pala si Nathan. Makinis ang mukha nito at talagang napaka kisig. May matangos itong ilong at mapanga. Napaka amo ng mukha nito hindi gaya ng kuya nya na may awra na nakaka-intimidate. "Oh. You're the famous Maya." Napakunot na naman ang noo ko. "Ha?" "Maya kapatid ni Adrian?" "Ah oo." Sagot ko na lang. Kakaiba ang pamilya ni Charles. Saglit pa lamang ako dito ngunit andami ko ng hindi maunawaan sa mga sinasabi nila. Dumating naman ang pagkain ko at nagpasalamat naman ako. "Galing ka ng school?" Tanong pa nito. Nakauniporme pa kase ako. "Hmm mmm" tumango lang ako saka sumubo na ng pagkain. "You look beautiful Maya." Sabi nito ng bigla. Nabulunan naman ako dahil dito. "Sorry sorry." Dali dali naman ako nitong inabutan ng maiinom at hinagod pa ang likod ko. "Ayos na. Ok na ko." Sabi ko naman. Natawa na lang ako sa nangyare, ganun din ito. "Well, you look good too Nathan." Nginitian ko ito ng matamis. "Thank you beautiful." Hindi na maalis ang ngiti nito sa labi. "Kumusta naman ang abogasya?" Sabi ko. Nagbubukas ng pag-uusapan. "Ayos naman. Eh ikaw?" "Ganun din. Magtatapos na kami ng senior high school." Napatango naman ito. "May boyfriend ka na?" Naibuga ko ang kinakain ko na ikinatawa ni Nathan. "Sorry po. Sorry talaga." Sabi ko sa yaya ng mga bata na nabugahan ko pa ata ng kanin. Nginitian lang ako neto pero alam kong masama na ang loob nya. Tawang tawa naman si Nathan kay wala sa sarili kong napalo ang braso nito. "So?" Pangungulit nito. "Ang kulit mo rin eh no?" Inirapan ko ito. "Ano nga kase? Ang dali dali lang magsabi ng meron o wala eh. So ano nga?" "Wala. Ano ok ka na? Ito... Ang kulit kulit mo. Wag ka magsasalita habang di pa ko tapos kumain ah!" Pagsusungit ko rito na tinawanan lang nya. Hindi ko akalaing makulit pala ang kapatid ni Charles. Sumasakit na agad ang ulo ko dito. "Wal--" "Hep!" Pagpigil ko sa sasabihin pa sana nito. Pinanlakihan ko pa ito ng mata bago ako bumalik sa kinakain. Ilang segundo pa lang tumatahimik ng mag tangka na naman itong mag salita. "Bal--" Sa pagkakataong iyon ay pinitik ko na ang bibig nito. Kita ko ang gulat sa mata nito na ikinatawa ko na. Magsasalita pa sana uli ito ng takpan ko ang bibig nito. Napapahigikhik na ako sa kakulitan ni Nathan. Pinipilit kase nitong tanggalin ang kamay ko sa bibig nya upang makapag salita pero tinatakpan ko naman ito ng mabilis gamit ang kabilang kamay. Sa ganoong pagkakataon kami naabutan nila charles at mga kabarkada nito. "Nathan, Maya." May awtoridad na boses ni Charles. Dali dali akong umayos ng pwesto. Napalingon naman si Nathan sa kanila habang nasa sandalan ng upuan ko ang braso nito. Napayuko na lamang ako dala ng hiya. Sigurado akong mapula na ang pisngi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD