"Hmmm..." Naalimpungatan ako sa sunod sunod na katok sa pinto ko.
"Maya gumising ka na nasa baba na yung sundo mo." Napalingon agad ako sa pinto sa sinabing ito ni mommy.
Nagtataka ako kung ano ang sundong sinasabi nito. Inabot ko ang cellphone ko na naibalik na ni mommy at daddy sa akin. Titignan ko sana ang oras. Alas otso palang pala. Wala akong pasok dahil sabado.
Napanein ko namang may message pala para sa akin. Binuksan ko ito.
'Good morning beautiful. See you in an hour.'
Lumaki bigla ang mata ko sa mensaheng iyon at dali daling binuksan ang pinto.
"Mommy sinong nandyan?" Tanong ko.
"Si Nathan. May lakad daw kayo kaya ipinagpaalam ka. Mag ayos ka na at bumaba." sabi nito saka umalis.
Napapikit ako sa konsumisyon kay Nathan. At anong sinasabi nitong may lakad kami, eh wala naman kaming napag-usapan?
Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at tinext ang numero ni Nathan. Kinabukasan rin matapos ang araw ng birthday ni Paco ay ibinalik sa akin ng mom at dad ang devices ko.
Nagulat na lamang ako ng may text akong natanggap mula kay Nathan. Tingin ko ay hiningi pa nitp ang numero ko lay tita Kristina.
'Anong kalokohan to Nathan? Anong ginagawa mo dito?' text ko sa kanya.
Ilang araw na rin akong kinukulit kulit nito sa text at sa personal. Bigla na lamang itong bumibisita o kaya ay inaaya ako na ipinagpapaalam naman nya sa pamilya ko.
Madalas na nga sila mag-usap ng parents ko pati nila kuya.
'Sinusundo ka. May date tayo ;)' Napairap naman ako dito.
Kesa mainis sa kanya sa text ay nag ayos na lamang ako. Naligo ako at nagsipilyo ng walang pag mamadali. Sa totoo lang ay nais ko ring inisin ang binata bilang ganti sa kalokohan nito sa akin.
Nagsuot lamang ako ng floral dress saka close schoes bago bumaba. Nagbitbit din ako ng maliit na bag na isinabit ko sa aking balikat.
Pagbaba ko ay nasa hapag kainan ito at nakiki-agahan kasama ang pamilya ko.
"Alis na ko mom, dad. Ingat kayo sa pupuntahan nyo Nathan. Mauna na ako." Paalam ni kuya Henry matapos halikan sa pisngi si Mommy bago ito lumabas.
Kumuha muna ako ng kape sa kusina bago pumunta sa hapag kainan.
"Morning." Bati ko saka umupo katabi ni Nathan. Nginitian naman ako nito na pasimple ko namang inirapan.
"Ang tagal mo Maya, kanina pa naghihintay si Nathan sayo." Sabi ni mommy na nasa hapag din.
"Ayos lang po tita. Nag-enjoy naman po ako sa pagkain. Ang sarap nyo pong mag luto." May malaking ngiti ito sa labi. Binobolo ang mommy namin.
"Magaling ka ah." Pabulong kong sabi na hindi naman nito pinansin.
"Wag mong masyadong purihin ang asawa ko hijo at baka mapunit ang pisngi nya kangingiti." Natawa naman kami ni kuya Adrian sa pang-aasar ni dad kay mom.
"Tumigil ka nga Alejandro. Buti pa itong si Nathan at appreciative. Ikaw ilang dekada ka ng pinagluluto wala ka man lang papuri." Napatawa na lang kami sa kulitan nila mom at dad.
"Tita, tito aalis na po kami ni Maya. Babalik rin po kami mamayang gabi." Paalam na Nathan sa magulang ko matapos naming kumain.
"Sige hijo. Mag ingat kayo." Sabi ni dad.
"San naman tayo pupunta ngayon?" Sabi ko ng makasakay na kami sa kotse nya.
"Saan mo ba gustong pumunta?" Balik nitong tanong sa akin saka nagumpisa ng magmaneho.
"Seryoso ka ba Nate?" Inis ko ng sabi dito.
Ng mga nakaraang araw ay isinama ako nito sa sinehan, sa amusement park at sa iba't ibang malls. Ngayon naman ay wala syang plano.
"Yup. Ikaw ang mamimili ng destinasyon natin ngayon." Ngisi nito habang nakatingin pa rin sa daan.
"Pano kung sabihin kong sa bahay tayo?"
"Gusto mong dun tayo sa bahay nyo mag date o sa bahay namin?" Napatawa na lang ako dito.
"Kung date pala to diba dapat may reservation sa magandang restaurant? Saka bakit ako ang magdedesisyon eh ikaw tong nag-aya?"
"Then let's have dinner in a restaurant later. Pero ngayon san mo gustong pumunta? Gusto ko yung gusto mo naman."
"ikaw." Wala sa loob kong sabi.
Napalingon naman sakin ito ng may ngisi sa mga labi.
"Gusto mo ko o gusto mong ako na lang ang magdesisyon?" Mahina itong napatawa ng mapanganga ako sa sinabi nya. Ngayon ko lang naisip na may dobleng kahulugan na naman ang sinabi ko.
"Hoy hindi kita gusto no."
Napailing iling na lamang ito.
"Pafall ka Maya ah." pang-aasar pa nito sa akin.
"Hindi no. Nafall ka lang." Pag sakay ko naman sa biro niya na ikinatawa naming pareho.
"Hindi ko akalain na magiging magkaibigan tayo." Seryoso kong sabi sa kanya.
Humawak naman ito sa dibdib nya na ani mo ay nasaktan sa sinabi ko.
"Ouch Maya. Hindi pa nga ko nag-uumpisa friend zone na agad?"
Natutuwa ako kay Nate. Saglit pa lamang kami nagkakakilala pero ang gaan gaan na ng pakiramdam ko dito.
"Ay, may naiwan ako sa bahay Maya. Ayos lang ba kung bumalik muna tayo?"
Nilingon ko naman ito saka tumango. Ginantihan naman ako nito ng ngiti saka umikot pabalik para pumunya sa bahay nila.
"Tumatanda ka na Nate." Pang-aasar ko pa.
Ng makarating kami sa bahay nila ay pinagbuksan pa ako nito ng pinto ng kotse saka giniya papasok sa bahay nila.
"Nasa office na sila mom at dad. Maupo ka muna may kukunin lang ako o gusto mo sumama sa kwarto?" Nagtaas baba pa ang kilay nito.
"No, thank you." Plastic ko itong nginitian saka umupo na sa sofa nila. Dumiretso naman ito paakyat.
Bihira lang ako makapunta sa bahay nila Nate. Yun pa ay hanggang labas lang pag nag-aabot kami ng pagkain. Mahilig kase magbake si mommy saka binibigyan ang mga kapitbahay at kaibigan nila dito sa village.
Ilang saglit lang ay may narinig akong yapak pababa. Agad naman akong napalingon doon sa gawi ng hagdan sa pag-aakalang si nathan yon. Pero mali ako. Isang makisig na lalaki. Kitang kita ang hubog ng katawan nito dahil nakasuot lamang ito ng short. Wala itong damit pang itaas. Nasulyapan ko tuloy ang abs nito.
Pinag landas ko ang aking paningin sa kabuohan nya at wala sa sariling napalunok sa tanawing iyon. Nagpupunas pa ito ng tuwalya sa buhok na halatang basa pa dahil bagong ligo.
Nabalik ako sa wisyo ng kausapin ako nito.
"Maya! Andito ka pala. May kailangan ka ba?" Hindi ata nito alam na kasama ko si Nathan. Base na rin sa paraan nito ng pagtatanong at sa kuryoso nitong emosyon.
"Ah wala. Inaantay ko lang si Nate may nakalimutan sya kaya bumalik kami." Paliwanag ko.
"Nate? Kasama mo si Nathan? Anong bumalik? San kayo galing?" Sunod sunod nitong tanong. Madilim na rin ang tingin nito. May halong inis sa mata nya at isang emosyon hindi ko mapangalanan.
"Oo magkasama kami. Sinundo nya ako sa bahay. Nasa daan na kami paalis ang kaso ay may naiwan sya." Lalong dumilim ang titig nito sa akin. Umupo ito sa kaharap kong sofa at parang galit na ito.
Hindi ko alam kung bakit naman ito magagalit. Samantalang wala naman akong ginagawang masama. Naisip ko tuloy na baka iniisip nyang may ginagawa na naman akong kalokohan na dapat nyang ipag bigay alam sa pamilya ko. Sa isiping iyon ay bigla na naman akong nainis. Hindi na talaga ito magbabago. Maliit pa rin ang tingin nito sa akin na para bang marami akong nagawang kalokohan sa kanya.
"Bat kayo magkasama? Nung birthday ni Paco naghaharutan kayo. Ngayon naman ay umaalis kayo ng kayong dalawa lang?" Pumitik na ang natitirang nakakapit na lubid na nagsisilbing pasensya ko sa paraan nya ng pag kausap sakin. Para bang inaakusahan ako nito. At anong harutan?
"Anong pinagsasasabi mo? Anong ibig mong sabihin?" kunot noo ko ng sagot.
"Alam mo ang sinasabi ko maya." galit na rin ito.
"Sinasabi mo bang nilalandi ko ang kapatid mo? Tingin mo ba may ginagawa kaming masama?" Medyo tumaas na ang boses ko at ramdam kong magkasalubong na rin ang aking mga kilay.
"Sa bibig mo ng galing yan maya."
"Eh yon yung pinararating mo eh!"
"Yun kase ang pinapakita mo maya. Noong nasa club ka ay kung kani-kanino ka nakikipagsayaw. Nung birthday naman ni Paco ay sobrang lambing nyo pa. Sige nga maya, pano mo ipaliliwanag ang mga yon?" May pang-uuyam nitong sabi sa akin.
Sasagot pa sana ako kung hindi lang dumating si Nate.
"Sorry Maya natagalan. Oh kuya akala ko tulog ka pa." May ngiti ito sa labi. Batid kong hindi nito naabutan ang pagtatalo namin. Ng tuluyan na itong nakababa ay nagsalita si Charles.
"Saan ang punta nyo?" Tanong nito kay Nate.
"Mag di-date. Ipinagpaalam ko na si Maya sa parents nya." Ngiting ngiti ito. Pero tila sumama lalo ang timpla ni Charles at matalim na tumingin sa amin.
"ha!" Malakas na hinga nito, sarkastiko. Napatayo pa habang nasa magkabilang bewang ang mga kamay.
"Date..." Napatango tango pa ito tila hindi pa na po-proseso ang sinabi ni Nate.
"Bakit may problema ba kuya? Naipag paalam ko naman na si Maya at ayos lang kay tito at tita." Kunot noong pagpapaliwanag nito. Hindi maintindihan ang inis ng kapatid nya sa sitwasyon. Napapairap na lang din ako sa paraan nito ng pag akto.
Takot na takot siguro itong gumawa ako ng kalokohan. Lalo pa at kasama ko ang kapatid nya. Baka iniisip din nitong iimpluwensyahan ko ang kapatid nya.
"Sasama na lang ako. Tutal wala naman akong klase ngayon." Sabi pa nito.
Sa pagkakataong ito ay pareho ng nangunot ang noo naming dalawa ni Nathan. Nagkatinginan pa kami.
"Okay?? Kaso ay baka ma-out of place ka kuya. Kung gusto mo mag double date na lang tayo nila Sandra." Suhestyon na lamang ni Nate.
Napataas na lang ang kilay ko sa narinig ko. Sandra... Nobya kaya nya ito? Pero ano namang pakialam ko?
"Bakit hindi na lang sila humiwalay ng date?" Pag-alma ko pa. Pero sinamaan lang ako ng tingin ni Charles saka tumalikod para umakyat ng hagdan.
"Hintayin nyo ko." Pahabol pa nito.
"Anong nangyare?" Takang tanong na rin ni Nate sakin.
"Yung kuya mo may sapi. Nilalandi raw kita." Mahinahong sabi ko. Kunot noo naman ako nitong tinignan. Nagtataka sa ginawang iyon ng kapatid nya.
"Ano?!" Napapailing na lang ito sa taka. Haos matawa pa ito sa sinabi ko.
"Well kung lalandiin mo ko wala namang kaso sakin. Bring it on baby!" Maaksyong pag sabi pa nito na ikinatawa naming pareho. May harot kase ang pagkabigkas nito sa mga salita. Nahampas ko pa ito ng mahina sa braso dahil sa kalokohan nya.
Nasa byahe na kami papunta sa bahay nung Sandra. Talagang sumama sa amin si Charles.
"Ah Maya..." Tawag sa akin ni Nathan saka senyas sa seat belt.
"Oh! Okay. Sorry nakalimutan ko na." Hinila ko ang seat belt pero na stuck ito kaya pinilit kong hilain pa.
"Wait." Sabi ni Nathan saka itatabi sana ang sasakyan ng lumapit sa pwesto ko si Charles at hinila ang seat belt ko saka ikinabit sa akin.
Amoy na amoy ko ang pabango nito at kitang kita ko sa malapitan ang mukha nya. Ng maikabit nya na ang seat belt ng maayos ay nagtagpo ang mga titig namin. Naglakbay ang mata nito sa kabuohan ng mukha ko bago huminto sa mga labi ko.
Wala sa sariling napatingin din ako sa labi nya at napadila sa sarili kong mga labi.
"So saan mo gusto maya?" Tanong sa akin uli ni Nate. Buti na lamang ay nagsalita sya kung hindi ay baka hindi na kami tumigil sa titigan namin ni Charles. Natauhan naman ito at bumalik sa pwesto nya. Nakaupo kase ito sa likod habang si Nathan ang nagmamaneho ng kotse at ako naman ay nasa tabi nito.
"Hmmm... Kanina gusto kong sumama sayo. Ngayon gusto na lang umuwi." Biro ko na ikinatawa naman nito ng malakas.
"As much as I want to take you to your house at doon na lang makipag date sayo. Tingin ko ay hindi yon magandang idea lalo na at nandon ang pamilya mo."
Malakas na bumulong bulong si Charles na hindi naman namin maunawaan ni Nathan. Pagtingin ko sa salamin ay masama ang timpla nito habang nakatingin sa bintana.
"Ikaw kuya baka may alam ka namang lugar kung saan pwede magdate. Perhaps sa mga past destinations nyo ng mga ex girlfriends mo o ni Sandra." Pagpukaw na lang ni Nathan dito.
"I don't know dude. We rarely go to dates." Sabi nito na sa labas pa rin nakatingin. Sa hindi ko alam na dahilan ay natawa doon si Nathan.
"Okay."Tumango tango pa ito tila may naintindihan pa syang iba sa sinabi nito.
Nasa sinehan na kami ngunit hindi ko maiwasang hindi mainis sa girlfriend ni Nathan. Napakaingay nito. Hagikhik ng hagikhik sa kalagitnaan ng action movie. Wala namang nakakatawa.
Lumapit ako sa tenga ni Nathan at bumulong.
"Sabi sayo dapat humiwalay tayo sa kanila." inis kong bulong na ikinatawa naman nito.
Nilagay nito ang braso sa likod ko saka hinimas himas ang buhok ko.
"Hayaan mo na. Tingin ko sumama si kuya para siguruhing wala tayong ginagawang masama. Syempre kapatid ka ni Adrian at magkaibigan sila." Sabi nito pabulong sa akin saka isininandal ang ulo ko sa balikat nya at hinimas himas ang braso ko.
"Ang sabihin mo ay takot lang sya na maging masammang ehemplo ako sayo. Baby ka pa kase eh."
"Baby mo." Sabi nito saka kinurot ang pisngi ko.
"Wag kayo dito magharutan. Andaming tao dito." may diing bulong ni Charles sa tenga ko na nagpataas sa balahibo ko. Ang mainit nitong labi ay dumampi sa tenga ko na nagpatibok ng malakas sa puso ko.
Halos makalimutan ko ang sinabi nya sa sensasyong idinulot sakin ng mga kilos nito. Pero nung maalala ko ito ay agad akong napairap. Wala kaming ginawang masama ni Nathan liban sa mga biruan naming tila may ibang kahulugan pero bukod doon ay disente kami. Yung kasama nga nya ay kanina pa hagikgik ng hagikhik. Kanina pa rin sila naghaharutan pero hindi naman sila nakarinig samin.
Sa sama ng loob ay nagpaalam na lamang ako kay Nathan nag magpupunta sa banyo.
"Gusto mo bang samahan kita?" Tanong pa nito. Pero umiling na lang ako.
Nasa Gitna kase ang pwesto namin. Sa daanan banda nakaupo si Nathan katabi ako sa kanyang kaliwa habang nasa kaliwa ko Charles na katabi naman ang nobya nya.
Buti na lang at madaling dumaan sa pwesto namin kaya mabilis akong nakalabas.
Matapos ko sa cubicle ay lumabas ako para manalamin sa may bandang lababo.
Palabas na ako ng cr ng pagbukas ay sumalubong sa akin ang mukha ni Charles. Bahagya akong tinulak nito para makapasok saka ni-lock ang pinto.
"Anong ginagawa mo dito?" Hindi nito sinagot ang tanong ko. Bagkus ay sinandal ako nito sa lababo. Malakas na kumabog ang dibdib ko. Palapit ng palapit ito sa akin at naaamoy ko ang panlalaking pabango ito. Pero ang gumulat sakin ng matindi ay ng biglang sinapo nito ang pisngi ko at idinampi ang labi nya sa labi ko.