Ang mga halik ni Charles ang pumuno sa isip ko. Nakalimutan kong muntik na ring magtagpo wng mga labi namin kanina ni Evan na matagal ko ng gusto. Bakit ba sa tueing kasama ko si Charles at tuwing hahalikan nya ako ay hindi ko maiwasan ang kabog sa dibdib ko. Marami kaming pagkakaiba ni Charles pero parang iisa kami tuwing nasa bisig nya ako. Hindi ko maiwasang isipin na mas lalo pang lumalalim ang kagustuhan ko dito.
Ng humiwalay ito sa akin ay pareho pa kaming naghahabol ng hininga sa tagal ng pagtatagpo ng mga labi namin. Sandal sandal nito ang noo sa akin at may malawak na ngiti habang hinahaplos ang labi ko.
"Pakiusap maya, sabihin mong nararamdaman mo rin ito." usal nito na humihingal pa.
"Ang alin?" Pagkukunwaring tanong ko. Pero ang totoo ay natataklt lang akong pangalanan ang nararamdaman ko ngayon.
"Gusto kita maya." buong puso nitong sagot.
"Charles..." tanging pangalan nya lang ang nakayanan kong banggitin. Hindi ko alam kung tama ba ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung dala lang ng pangyayare ang nararamdaman ko at hindi ko alam king nasa parehong pahina kami ng libro. Kung parehas ba nya ay buong puso ko na syang gusto o tawag lang ito ng pagdadalaga. Kung ano man ito ay hindi pa ako sigurado. At hanggat hindi pa buo ang isip ko ay hindi muna ako dapat mag bitaw ng salita sa kanya. Ayokong saktan ang damdamin nya. Gaya nya ay halos mag kapamilya na kami. Pero ang isiping ito ay nag dadala ng kilabot sa akin. Halos kapatid ko na ang lalaking ito.