Nagising ako na madilim na. Nakita ko rin sa dalawang kamang katabi ko na tulog na rin si emerald at Britney.
Tumanaw naman ako mula sa baba kung kumusta na pero mukhang wala ng gising. Pag tingin ko sa relo ay alas dos na pala ng umaga. Kaya naman siguro nagpaginga ang lahat para ituloy ang kasiyahan bukas.
Dahil kagigising ko lang ay napagpasyahan ko na munang maglakad lakad. Sasamantalahin ko na rin na wala pang tao para maenjoy ko rito sa labas. Ayos lang naman sa akin ang kasiyahan at kung may tao. Yun nga lang ay hindi ako mahilig makipagusap at nauubos agad ang lakas ko sa ideya ng maraming tao.
Sinulit ko ang malamog na hangin atang kapayapaan sa buong lugar sa mga oras na ito. Ng makita ko ang jacuzzi ay naengganyo akong magbabad. Kaya naman hinubad ko ng jacket at short na suot ko. Natira lamang ay ang aking pang-iilalim. Ng makapuwesto na ako sa jacuzzi ay ibang kaginhawaan ang naramdaman ko. Para akong hinihele ng tubig kaya naman na papapikit ako.
"Balak mo bang matulog dito?"dahil sa biglaang pagsasalita ng kung sino man ay gulat akong napaahon sa tubig. Inis ako ng makitang si Evan iyon at may dalang dalawang tasa.
Hindi akalaing nakauwi na ito dito. Matagal na kase itong naninirahan sa amerika simula ng mag kolehiyo. Hindi ko inaasahang uuwi sya para sa kaarawan ni kuya henry.
Sa inis ko ay tinalamsikan ko ito ng tubig sabay inirapan. Natawa naman ito sa reaksyon ko.
"Sorry. Hindi ko sinasadyang gulatin ka. Kung nakita mo lang sana ang mukha mo." Sabay tawa nito.
Bumalik na lang ako sa aking pwestong nakasandal at sumipa ng tubig papunta uli sa gawi nya.
"Hey enough!" At ito pa talaga ang may ganang mainis.
Nilapag nito sa gilid ang dalang mga inumin saka naghubad ng pantaas. Sumilay na naman ang mamasel nitong tiyan, dibdib at mga braso. Halatang pinaghihirapan ang mga iyon araw araw. Napaka kisig nito. Dati pa lang ay gwapo na talaga ito. Makisig na makisig sa hugis pa lamang ng panga nito, sa tangos ng ilong, at ganda ng ngiti. Napakabuti rin nito sa akin pero may pagkapilyo ito at mahilig mang asar.
Aaminin kong nagkagusto ako rito kahit nung una ko syang makita noong mga bata pa kami. At oo, gusto ko pa pala sya. Ngayon na nagkita na kaming muli. Akala ko nakalimitan ko na ang paghanga ko dito pero parang mas tumindi. Pero iba ito pagkasama ko si Charles.
Hindi ko alam kung bakit ikinukumpara ko dito si Charles. Hindi na nga kami magkagalit. Ngunit hindi ibig sabihin niyon na magkaibigan kami at malapit na.
"Bibig mo." Ngisi nito.
"Ang kapal ng mukha mo evan." Natawa na lang kami ng bahagya.
Nagpatuloy pa ito sa pag hubad. Tinanggal nito ang shorts nya at naiwan na lang ang kanyang swimming trunks. Pinanood ko lamang ito sa mga kilos nya hanggang sa magkasama na kami sa loob ng jacuzzi. Nakaharap ito sa akin na naka sandal din. Ang mga balat namin ay nagtatama sa ilalim ng tubig lalo na ang mga paa namin.
"Andami mong na missed kanina." Pag uumpisa nito saka inabot sa akin ang isang tasa ng mainit na tsokolate
"Ayos lang mahimbing naman ang tulog ko."
"Namiss kita." Biglang saad nito matapos ang ilang minutong ngitian namin at titigan.
"Akalain mo yon, dalagang dalaga ka na ngayon. Samantalang dati ang dumi dumi mo pa lagi dahil sa king saan saan ka nagpipinta." Napabungisngis na lang ako sa alaalang iyon.
"Kumusta ang amerika?" Pag-iba ko na ng kwento. Tinutukoy naman ang naging buhay nya.
"Ayon ayos naman. Ako na nag ma-manage ng kumpanya."
"Was it tough?"
"At first pero nakapag adjust naman kalaunan. Ikaw musta ka dito? May boyfriend ka na?" Pag iibs nito ng isapan matapos sagutin ang tanong ko.
"Wala no. Ikaw ata yung meron." Pang-aasar ko. Pero sa kaloob looban ay hinihiling na sana ay wala pa syang karelasyon.
"Wala. Huling relationship ko ay three years ago pa. The rest fling na."
"Bakit usong uso yang fling sa inuong mga lalaki?"
"Hindi lang naman mga lalaki ang may fling. Mga babae rin."
Ilang oras rin kaming nakwentuhamn at nagtawanan. Binabalikan ang mga nakaraan namin at pinipunan ang mga impormasyong hindi namin alam sa isa't isa lalo na noong lumipad siya patungong amerika.
"Ang ganda pala ng mata mo maya." Saad noto saka lumapit sa akin. Hawak nito ang magkabilabg posngi ko at hinahaplos haplos ang mga ito gamit ang mga hinlalaki.
Hanggang sa palapit ng palapit na ang mukha nito sa akin. Malakas ang kabog ng dibdib ko lalo na ng ilang sentimetro na lamang ang pagitan ng labi nya sa labi.
"Maya!" Ang boses na iyon ang nagpahiwalay sa amin ni evan.
Pumunta si evan sa gilid ko upang matingnan Namin kung sino ang nagsalita. Sumalubong sa amin ang galit na mga mata ni Charles. Sa hindi malamang dahilan ay parang nakaramdam ako na may mali akong ginawa kahit alam kong wala naman.
Hinila nito ang kamay ko saka ako hinila patayo habang naka tingin pa rin ito ng masama kay evan. Wala namang emosyon ang huli. Matapos damputin ni charles ang mga damit ko ay marahas na ako nitong hinila.
"Charles saan mo ko dadalhin?" May kaba sa puso ko sa aksyon nya. May pangamba ako sa mga mangyayare pero hindi naman ako nito sinagot. Tuloy tuloy lamang ako nitong hinila paakyat ng hagdan.
"Charles ano ba bitiwan mo ko." Protesta ko pa na hindi naman nya tinugunan bagkus patuloy lang sa mahigpit na pag hawak sa pulsuhan ko. Ng makapasok kami sa isang pinto ay agad nya akong itinulak sa likod nito saka akp marahas na hinalikan.
Mainit na tinagpo ng labi nito ang mga labi ko. Ang halik nya ay mapagparusa., marahas, may lungkot, galit, at may hindi ko mapangalanang emosyon na humihila sa akin para sundin ang lahat ng nais nya.
"Walang karapatan ang kahit na sino na halikan ang mga labing ito." Sabi nito matapos ang mainit nitong halik sa akin. Hindi ko naman alam kung paanong tutugon dahil alam ko sa sarili kong gusto ko angmga halik nya at kung ano man itong ipinararamdam nya sa akin. Pero hindi ko alam kung paanong aakto at tutugon. Dahil lahat ng nararamdaman ko ay bago sa akin na nararanasan ko lamang sa tuwing kasama ko si Charles.
"Dahil akin lang ang mga labing ito. Akin ka lang." Dugtong nito saka ako muling hinalikan.