"Kumain muna kayo mamaya na yan!" Sigaw ni kuya henry sa mga kaibigan nila na nasa pool.
Nasa isang private resort kami. Inupahan to nila mommy para sa kaarawan ni kuya Henry. Nasa may veranda lang ako ng tinutuluyan kong kwarto dito sa resort. Pero rinig na rinig ang mga sigawan, tawanan at ang tubig mula sa ikatlong palapag kung saan ako naroon. Hindi kase rin gaano kataas ang gusali at magkakalapit lang ang amenities.
Kung tutuusin ay intimate na itong selebrasyon ni kuya Henry. Imbitado ang mga malalapit nilang kaibigan ni kuya Adrian at pamilya ng mga ito. Imbitado din sila emerald at Britney na kasama ko sa kwarto pero kasalukuyan silang nasa pool. May mgabiilang kamag-anak din kaming dumalo.
Maya maya ay napagpasyahan ko ring bumaba at maglakad lakad. Nagsuot lang ako ng shorts at hoodie jacket. Tama lang dahil gabi naman na at may kalamigan din ang hangin.
Kinuha ko ang paper bag na may lamang regalo saka ako bumaba. Naglakad lakad lang ako iniikot ang iba pang amenities. May hot tub dito at may dalawang pool.
May room din para sa karaoke at may kitchen at barbecue area. Ng makarating ako sa dining na malapit lang din sa kithen. May gaming area rin kung saan pwede maglaro at manood ng movies. Dumaan ako sa barbecue area na malapit sa pool. Wala ng tao sa pool mukhang ang lahat ay nasa dining na. Nakita ko naman si kuya henry na kumukuha ng barbecue andun din si tita Kristina na nagba barbecue pa kasama si tita janice.
"Kuya Henry." Mahina kong bati. Lumingon naman ito sa akin saglit saka bumalik sa ginagawa.
"Kumain ka na maya nasa dining na sila." Sabi nito sa akin.
"Ok sige. Nga pala..." Inabot ko ang paper bag dito. Napahinto naman ito sa ginagawa at tinignan ang nasa harap nya.
"Happy birthday."
Ng kunin nya ito ay tumalikod na ako para pumunta sa dining ng tawagin ako nito.
"Come here." Ng makalapit ako dito ay marahan ako nitong niyakap. Nagulat ako sa ginawa nito dahil hindi nga kami malapit. Pero alam ko na sa bahay namin si kuya henry ay may konting kabaitan. Sabagay ay wala namang perpektong pamilya at wala namang perpektong tao pero akhit papaano ay hindi naman ako kailanman binalewala ni kuya Henry. May mga bagay kung saan hindi ako maintindihan nito dahil hindi kami malapit at tingin nya ay matigas ang ulo ko pero hindi ako kailanman nito pinagbuhatan ng kamay hindi gaya ng iba.
Humiwalay ito agad sa yakap na hindi ko naman tinugunan saka ako nito marahang tinulak upang isabay ako sa pagpunamta sa dining area. Bitbit nito sa isang kamay ang plato ng barbecue.
Pag dating doon sa dining ay kumakain na ang iba. Siguro ang ilan ay sa may kitchen kumain o sa gaming area o karaoke. May tables din sa bandang pool na siniset up kaya tingin ko ay may lalabas pang iilan.
"Maya hindi ka ba magsuswimming?" Tanong ni emerald ng matapos kaming kumain.. Inilingan ko naman ito.
"Mamaya na siguro o bukas na lang."
"Seriously Maya. Simula ng nakarating tayo dito ay nagkulong ka lang sa kwarto. Subukan mo namang magsaya. Weekend naman bukas." Sabi naman ni britney
"May tinatapos pa kase ako." Sagot ko na lang.
"Hindi ba yan makapag-aantag ng kinabukasan?" Dadag ni emerald.
"Hindi eh. Sige aakyat muna ako. Kapag tapos na ako ay matutulog na rin ako. Kita na lang tayo bukas." Sabi ko na lang saka umalis na para hindi na humaba pa ang usapan.
Totoo namang may inaasikaso pa ako. Pero isa rin sa mga dahilan ay ang dami ng tao sa lugar. Hindi pa rin ako sanay sa mga ganitong pagtitipon. Parang kaunting oras lang ay napapagod na ako. Hindi rin ako mahilig makipag socialize. May pagka mahiyain pa rin ako. Nahihirapan akong magbukas ng usapin sa tao. Liban na lang kung sobrang lapit namin. Hindi ko tuloy maiwasang mamiss si Nathan. Abalang abala ito sa klase nya at marami itong kailangan basahin at kabisahin.
Hindi ko namalayan na sa pagiisip ko pala ay nakatulog na ako.