bc

The Broken Beginning (HIGH SCHOOL SERIES #1)

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
independent
band
witty
campus
highschool
enimies to lovers
lawyer
like
intro-logo
Blurb

Sabi nila hindi mo na mababago ang simula, kaya ang dulo na lang daw ang baguhin mo.

Pero paano kung simula pa lang sya na ang dulo ko?

Paano ko babaguhin kung nakasanayan ko ka?

Paano kung habang sinusubukan mong baguhin ang dulo ay tadhana na mismo ang gustong magpumilit dito?

Ako si Natalia Julianna Arden, at ito ang aking kwento.

chap-preview
Free preview
Simula
Ian Kasalukuyan akong nagbabasa ng Revised Penal Code para sa kasong gusto kong kunin nang mag ring ang cellphone ko. BIBLE STUDY GROUP calling... Napairap ako sa kawalan nang maalala ang kalokohan nina Axe at Kiel kaya ganyan ang naging pangalan ng Gc naming magkakaibigan. Actually we are solid classmates since high school. Lima kaming magpipinsan sa grupo. Ako, si Eve, Prim, Axe at Rad. Yung iba ay naging kaibigan nalang namin dahil sa lagi nga kaming magkaklase. Si Kiel naman ang best friend ko, kinakapatid at kapit bahay namin. 3in1 nga daw sya. Sakto rin kulay kape kasi sya. Sinagot ko ang tawag, bumungad agad ang pagmumukha ni Kiel at ang nakaka asar nyang ngisi. “what's up Attorney Natalia” inirapan ko sya bago pinaningkitan ng mata “I am beyond fine and grateful to see you, Chef EZEKIEL” talagang idiniin ko ang second name nya. Napa ngiwi naman sya. “Grabe naman Ian parang di tropa. Malalang english na nga tinawag pa 'ko sa second name. Pangit ka bonding nito” sabi nya sa girlfriend nyang si Zein na katabi nya. Tumawa lang ito at kumaway sakin. “Himala ganda ng signal ng net mo ngayon Kiel” pag singit ni Eve na mukhang galing pang business meeting sa suot nitong itim na tube top na pinatungan ng puting blazer. “Hoy yung iba, mag open cam naman kayo” “Maganda talaga signal, converge na kaya internet namin” proud na sabi ni Kiel. “Nagpromote pa nga. Teka ano bang meron at napatawag kayo?” tanong ko bago sinubukang magbasa ulit. “Ay iba, annual hang out hoy, baka nakakalimutan mong June ngayon” sagot ng kakabukas lang ng cam na si Prim na mukhang nasa duty pa bilang doktor, nasa likod nya ay si Nero na patingin tingin sa laptop na kaharap nito. Oo nga pala. nagcecelebrate kami ng anniversary ng mga to. 10 years na kaming magkakaibigan. Napaka tagal na rin pala. “matutuloy na this year. Two years tayong di natuloy.. Kasi.. Uhm syempre kanya kanya tayong busy sa mga gawain natin sa buhay. Lahat sasama. We wont take no for an answer.” Litanya ni Eve. Oo nga naman. Dalawang taon na. Trav Ford joined the call... “Hey sorry late” his deep voice almost made me jump. Its been two years pero yung epekto nya sakin ganito pa rin. I should be moving on. Dapat ay maayos na ako. “Oh kakalapag lang ng eroplano ninyo bro?” Tanong ni Kiel na halatang inoobsebahan ang reaksyon ko. Kinakapatid ko sya at kilala ko sya kagaya ng pagkakakilala nya rin sakin. “yeah, from LA.” maikling sagot nya. “Anyway saan ang meeting place and then what time?” pagsingit ni Over na katabi ni.. nya.. basta sya jusko naman brain. Mental Block yarn? Pilit kong inintindi ang binabasa ko habang nag uusap sila. Kahit alam kong walang silbi tong pagbabasa ko ngayon dahil siguradong mag vi-vacation leave rin naman ako dahil hindi nga daw sila tumatanggap ng NO for an answer. “Sa bahay ni Ian” after that was a defeaning silence. Para bang lahat sila ay hinihintay akong mag react. Inayos ko ang specs ko bago dahan dahang lumingon sa screen ng phone ko. Tama nga ako. Hinihintay nila ang reaksyon ko. “so, what time?” tanong ko na alam kong hindi nila inasahan. Huminga ng malalim si Eve na parang natanggalan ng tinik sa lalamunan nang marinig ang sagot ko. “Ohkay! Siguro mga before lunch para may time pa tayo mag pack. Tsaka mamimili pa rin ng mga supplies kasi one week yon ha.” mahabang pagpapaliwanag nya. “Hala, wait lang one week pala yon? Hon pwede ba tayo mawala sa hospital ng one week?” tanong ni Prim sa nag kibit balikat lang na si Nero. “I think its fine, hindi pa naman tayo nag vi-vacation leave Hon” umaliwalas ang mukha ng lahat sa sinabi ni Nero. Bukod sakin na nag aalangan pa rin. “Inggit ako Z, lambingin mo din ako!” pang iinarte ni Kiel sa tatawa tawa lang na si Zein. “Hoy mahiya ka nga. Nakaka umay kamo kapag ikaw” sabi ko sabay baling ulit sa binabasa. Hinihintay na lang namin mag join sina Axe, Rad, Ara at Yumi. Nagkukwentuhan sila tungkol sa mga kanya kanyang trabaho. Kumustahan kumbaga. Habang ako ay nananahimik sa isang tabi habang kunwaring nagbabasa kahit wala naman na akong naiintindihan sa binabasa ko. Tanging ang ring lang ng landline phone ko ang nakapagpa angat ng tingin ko. Malamang ay boss ko ito. Sya lang naman ang mahilig tumawag sa landline. “Tuloy nyo lang, I just have to take this call. Excuse me” paalam ko bago medyo lumayo sa screen para hindi naman rinig na rinig sa kanila ang boses ko. “Attorney Arden speaking..” (Atty. Arden this is Atty. Monterolla. Can i have your insights regarding the Aguilar Case?) Oh gosh bakit ngayon pa. Pero sige. Napag aralan ko na ito ng kaunti eh. “This case is punishable under Article 315 of the Revised Penal Code (“RPC”) the crime of Estafa or Swindling. There are different forms of committing it but I am positive that Mr. Aguilar's case is Estafa. Because Estafa can be committed with unfaithfulness or abuse of confidence. And the witnesses can prove us that.” napalingon ako sa phone ko. Tahimik sila. Naririnig ba nila ako? Medyo malayo naman ah. (That was impressively fast. Iniisip kong hindi mo pa masyado ito napagtutuunan ng pansin dahil halos kabibigay ko lang two days ago. But based on what you said, it seems like you can handle it efficiently. We just have to dig more dahil baka may mga kasabwat pa sya sa Case na ito. I'll see you at the court.) bago pa nya ibaba ay nagsalita na ako. “Uh actually Sir I have some business to discuss with you. Mag f-file ho kasi ako ng Vacation leave for one week.. uh its a personal issue” pinag krus ko pa ang daliri ko bilang pag oorasyon. Minsan kasi may saltik sya at masungit. (Oh sure. Just email it to me and be sure to get back after a week) naka hinga naman ako ng maluwag. “Thank you Sir” tsaka ko binaba ang landline. nang bumaling ako sa kanila ay nandoon na rin si Axe at Ara na mukhang kaka tapos lang ng duty sa Base. "hala gagi ang galing ni Ian. Wala akong naintindihan don sa sinabi nya kasi ang bilis” tatawa tawang sabi ni kiel. “hahaha ulol kahit mabagal di mo maiintindihan yon” tatawa tawang panunukso ni Eve. “Sabagay no? English kasi medyo masakit sa nose” pabiro din nitong sagot. “Wala bang mas mahirap na Case sa inyo?” natahimik kaming lahat nang kausapin ako ni Trav. Teka ako ba talaga kausap non? “Wala..” Sagot ko. “Then lumipat ka sa Firm namin” pinal nyang sagot kahit sinadya kong bitinin ang mga sasabihin ko. “.. kang paki alam” sagot ko tsaka pekeng ngumiti. Wala. Galit pa rin ako at hindi ko pa rin sya kayang pakitunguhan ng maayos. “Ay guys magdadala ako ng kare kare bukas” pambasag ni Kiel sa awkward na sitwasyon. “Oo pre tama. Luto ka rin ng Sisig pang pulutan” pagsali ni Axe na katabi si Ara na halatang di pa nakaka bawi sa gulat sa sagutan namin. “oh sya sige. Adios. mag s-start na akong mag pack ng things” lihim akong nagpa salamat dahil kilala ako ni Eve at alam nyang hindi na ako kumportable. “oy Eve at Ian ah, uuwi pa tayo. Wag nyong dalhin ang buong bahay nyo okay?” pahabol na biro ni Kiel. “Oo thanks. At ikaw, mag pack ka ah. Para hindi ka side A side B” sagot ko naman. "Hahaha nyeta ang bagra!” tawang tawang sabi ni Ara sabay hinampas hampas pa si Axe. “atleast tipid” depensa ni Kiel. Natigil kami sa pag open ng isa pang cam. Sina Rad at Yumi. “Sorry late po haha kakatapos lang ng duty namin” naka uniform pa sila. Napaka neat talaga tignan kapag Pilot at F.A. "Its a smooth ride bro” Bati sa kaniya ni Over. Mukhang sya ang piloto ng sinakyan nilang flight from L.A. “Bye na, una na kami. May ER kami in 5 minutes. See you tomorrow!” kumaway at nag flying kiss pa sya bago nag leave sa call. “Uh ako rin. May imimeet pa akong client in an hour” paalam ko. "sige bes, chat mo ako ha” paalala ni Eve. Tumango ako at kumaway sa iba. Bago ko i leave ang call ay narinig ko pa ang sinabi nya na tiyak kong ikinatahimik na naman nila. “ingat ka” pinatay ko ang phone ko. natawa ako kasabay ng pag landas ng luha sa mga pisngi ko. pinag iingat mo ako pero ikaw mismo hindi mo ako nagawang ingatan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook