“Hoy nasan naba kayo?” asik na tanong ni Eve sa kausap nya sa telepono. Malamang sina Axe yon.
Maaga pa naman. Kabado lang siguro kasi sya na baka di sumama yung iba.
Padabog nyang ibinaba ang phone nya.
“Oh anong sabi Gabi?” tanong ni Kiel na kanina pa nandito. Kasabay na rin nya si Zein dahil sa iisang bahay lang naman sila tutuloy.
Maayos ang path nilang dalawa. May successful na business mula sa kursong tinapos nila. Sabay silang nag Culinary dahil yon ang pangarap nila sa isat isa.
Same goes with Prim and Nero. Nag pursue sila sa kursong Medisina.
“Papunta na raw kaso nasiraan. sina Axe yon. Nero pwedeng pa contact sina Trav kung papunta na?” tanong nya na sumulyap pa sakin pagka banggit nya ng pangalan ng lalaking iyon.
“Ako na tatawag kina Rad” presinta ko.
“Ay akala ko kina Trav” pang aasar ni Kiel na binato ko ng remote “Ar-ouch! Z si Ian nananakit na!” nag inarte pa itong iiyak.
“Alam mo Zein ewan ko pano ka nakakatagal sa ugali nyang abnoy na yan”
Sumagot naman ito “alam mo di ko rin alam” sabay tawa.
“Ayan ha, Kiel kabahan ka na”
Natigil ang pag aasaran namin nang tumunog ang doorbell. Tumayo naman ako para buksan.
“Mamili na tayo, pwede na anim ang mamimili tapos yung iba iwan muna dito” pagtutuloy ni Eve ng diskusyon.
Pag bukas ko ng Gate ay agad nag bukas ng bintana at kumaway si Over. Kinawayan ko naman sya pabalik. Nasa likod sya so meaning may naka upo sa shotgun seat katabi ng nagmamaneho.
Bumalik na ako sa loob at hinayaan na lang muna silang makapag park sa parking space ko. Malaki lang talaga ang space dahil mahilig ako sa sasakyan. One thing in many common things saming dalawa ng taong yon. We both love cars and big bikes.
“Sina Over yon” kitang kita ko ang pamumula ng mukha ng pinsan kong si Eve nang sabihin ko yon bago pa sya tumalikod at umaktong may inaayos sa bag.
Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig.
Nang pumasok si Over ay agad nyang ginulo ang buhok ko bago kinurot ang pisngi ko. Nasanay sya sa ganon. Kuya material talaga sya para sakin.
“Nasan ibang kotse mo?” tanong ni Over habang nakikipag batian kina Kiel at Nero.
“Nasa shop, nagpapa repaint kasi ako” tumango tango naman sya bago kami napa lingon sa pinto dahil sa kapapasok lang na si Trav.
“Sige na babe, sama na ako. Nag leave ako for work so that I can accompany you” sabi ng babaeng kasama nya. sabi na nga ba babae eh.
Halata ang inis sa mukha nya, siguro dahil sa pangungulit ng girlfriend nya.
Inabot ko ang iced coffee ko at ininom ito. Parang nag iinit ang ulo ko.
“Trix hindi talaga pwede. Akala ko ba napag usapan na natin to? Ihahatid mo kamo kami and then I'll book a Grab for you to get you home. Can't you just stick to it?” medyo mataas ang boses na sabi nya.
“Tara na mamili na tayo” bulong ko kay Eve pero sinensyasan nya lang ako na mamaya na muna. Medyo chismosa sya sa part na to. Ayoko pa namang manood ng ganitong drama.
“okay.. I guess hindi talaga kita mapipilit.. I'll go now” sabi ng babae na parang iiyak na.
“Manipulative sad girl naman pala” bulong ni Kiel sa tabi ko, agad kong inabot ang bibig nya at nilamukos yon.
Masamang tingin lang ang naibawi nya sakin matapos kong gawing slime ang bibig nya.
“Let me atleast book you a Grab” this time mahinahon na sya. Tinablan yata sa so called charms ng gf nya.
“No its okay, I can book my own naman” sabi nito na nagpa angat ng tingin ko. Nagpunas pa sya ng luha. Artista siguro to. Ano naman kayang nakaka iyak don.
Ganyan na ba type mo ngayon? Yung parang tangang habol ng habol sayo? Whatever, why am I arguing with myself anyway?
Lumabas ng pinto yung babae bago pabagsak na umupo sa sofa ko si Trav.
“Grabe yon bro ah, mala MMK” komento ni Nero.
“Ganun talaga yun eh” sagot nya sa problemadong tono.
“Arte naman ng GF mo” walang prenong sabi ni Prim.
“Whats up guys! Pumasok na kami Ian ah, bukas yung gate eh pero sinara na rin namin. Kasama na namin ni Yumi sina Axe at Ara. Nakita kasi naming nagaaway pa sa daan. Nasiraan daw” masiglang bati ni Rad.
Lumapit ako at yumakap sa kina Yumi at Ara.
“Ayan kompleto na tayo, mamili na tayo ng supplies, yung iba kung gusto iwan na lang muna dito”
“Sama tayo Trav” yaya ni Over kay Trav at tumango naman ito bago deretsong tumingin sakin.
“okay dalawa lang maiiwan dito kasi need daw magpahinga nung dalawang nag duty pa kagabi sa hospital. Pero HiAce nila gagamitin natin”
“ako na magddrive--” sabay naming sabi ni Trav.
”sige ikaw na” sabay ulit naming sabi.
“Ako na lang baka magsapakan pa kayo, bro lugi ka sa bigat ng kamay ni Ian alam mo naman yo. diba--ARAAAAYY! ” hindi pa nakaka tapos ng sentence si Kiel ay nakurot ko na sya sa tagiliran.
Binato ni Nero ang susi kay Kiel bago pinasa kay Axe.
“Pre kayo nalang pala ni Ara sa harap injured ako eh magpapa alaga muna ko sa bebe ko” sabi nya bago hinatak si Zein papasok sa Van.
For sure sa dulo ppwesto yan.
Sumakay na si Ara sa shotgun seat ng HiAce at sa drivers seat naman si Axe. Pinauna naman ni Over si Eve bilang pagiging gentle man. Which leaves me with Trav. Dapat siguro hindi na ako sumama.
“Una ka na” sabi nya ng hindi ko makita kung naka tingin ba sakin. Naka shades kasi. Nagkibit balikat na lang ako at pumasok.
Dulong upuan ang bakante dahil ang magaling na si Kiel ay pumwesto sa second layer seat ng van para makipag kulitan kina Axe. Sa third naman sina Eve kaya dumeretso na lang ako sa dulo. Sa kamalasan ko pa ay wala ang earphones ko sa purse na dala ko. Dapat hindi ko iyon makalimutan mamaya.
“EZ mall tayo mga Erp no?” tanong ni Axe na tumingin pa samin sa rearview mirror.
Ang layo ng pagitan namin dahil pilit kong sinisiksik ang sarili ko sa dulo habang sya naman ay prenteng naka upo lang sa kabilang dulo. Bakit parang napaka tagal ng byahe.
At kung minamalas ka nga naman. Traffic pa.
“may balat ka talaga sa pwet Axton, kanina nasiraan tayo. Ngayon traffic. Hay nako” pagmamaktol ni Ara sa shotgun seat. Sila ang aso at pusa na tandem ng grupo. Hindi sila mag jowa. Pero daig nila mag jowa sa pag LQ.
“Hoy Clara, kahit tignan mo pa yung pwet ko. Wala kang makikitang balat. Baka ikaw meron” ganti naman ni Axe.
“Apaka kapal naman talaga ng mukha mo ano?” pikon na sabi ni Ara at akmang dadambahin si Axe nang pigilan sya ni Kiel.
“Mag sound trip na lang tayo. Kaysa sa bangayan nyo ang naririnig namin. Bakit kasi hindi pa kayo maging mag On.” komento nya habang umiiling.
"Che!” sabay na sabi ng dalawa bago inisnaban ang isat isa.
“Buksan mo na lang yung Radio Kiel” bored na sabi ni Eve.
“Oo nga, para mabawasan ang init ng ulo ng mga people in front” tatawa tawang singit ni Yumi na nakipag apir pa kay Rad.
Kung may aso at pusa. Meron rin kaming Love birds which is sina Rad at Yumi. Kung gaano ka iritable si Ara ay kabaligtaran naman ng pinsan nyang si Yumi. Pero baka dahil lang din inis si Ara kay Axe.
Kung inis naman sila sa isat isa. Bakit naman sabay pa silang nag Military School di ba?
Parang gusto kong lamunin ng lupa nang pumailanlang ang kantang A Thousand Years ni Christina Perri at Steve Kazee. Pinikit ko nang mariin ang mata ko at nag kunwaring tulog.
“Hala theme song nyo-- Wala akong sinabi. Erase erase. Lipat natin.” parang gusto ko ulit lamukusin ang bibig ni Kiel. Kahit kailan talaga.
Nilipat nya ang istasyon kung saan may diskusyon ang dalawang Dj.
“Parallel Lines can never intersect each other. Hindi ba napaka lungkot nun. You were always close, but never together.. ” sabi ng nagsasalita sa radyo.
“Actually thats true. They may have a lot in common but they never meet. Thats really sad.” nanahimik kaming lahat sa komento ni Trav sa topic ng istasyon.
“You might think its sad, but every other pair of lines meets once and then drifts apart forever. Thats much sadder than anything.” sagot ko. Na hindi ko pinag isipan. Kusa ko na lang nasabi.
“Uy! Okay ano to aircon? Ay ayon na pala yung mall! Tara guys excited nakong mamili ng mga damo!” pag basag ni Kiel sa malungkot na katahimikang iniwan namin.
“Z di tayo bibili ng damo. That is called vegetables.” sabi ni Zein na tila natutuwa pa kay Kiel.
“Same lang yon, green din naman” pangangatwiran nya.
Sa lahat ng Chef sya ang may kung ano anong bansag sa mga sangkap na ginagamit nya.
Nang makababa kami ng sasakyan kumuha na sila ng Cart.
“Okay dating gawi. Kaming apat nina Axe sa meat and sa mga damo, Over at Eve sa chips at condiments. Toiletries naman sina Ian at Trav--” nanlaki ang mata ni Kiel. “Nakakarami nako today baka mapatay nyo na ako hehe sorry, old habits eat young carabao hehe” sabi nito at nag peace sign pa.
“hahahaha Kiel mali, Old habits die hard yun” tawa ng tawang pag saway ni Rad kay Kiel.
“Ah pinalitan na pala” takang sabi ni Kiel bago naglakad papunta sa meat section.
Lumingon ako kay Trav “Sama ka na lang kina Over. Kaya ko na to.” sabay tulak sa cart paalis.
Pero hindi pa man ako nakaka layo, pinigilan nya na ako sa pamamagitan ng pag hawak sa handle ng Cart.
“Hindi na. Busy silang dalawa” sabi nya bago kusang tinulak ang cart.
Binitawan ko ang handle dahil hindi ko yata kayang tumagal ng kasama sya malapit man lang.
Tahimik akong kumukuha ng mga alam kong kakailanganin namin. Habang naglalakad tumatakbo sa utak ko ang sitwasyon namin.
Tapos na kami. Dalawang taon na ang nakakalipas. Just like parallel line. We've met once and now drifting apart till forever.