Flash back 10 years ago Part 1
“Hoy bruha! First day of school gusto mo pa yata ma late tayo!” si Prim at ang boses nyang pang bulabog. Akala mo palaging nakikipag daragan sa kanto.
“Oo babangon na wait lang five minutes” hinagilap ko ang unan tsaka itinakip sa mukha ko.
“Papunta na si Evve bahala ka, may kurot ka nanaman”
Syempre dun ako tuluyang bumangon, masakit mangurot ang isang yon. Isinabuhay na yata talaga nya ang pagkaka hilig sa seafood at pati kurot ng alimango na adopt nya na.
“Kilos na, bilis! Titignan pa natin section natin” si Prim talaga ang malakas maka nanay samin. Heto nga at sya na ang nag aayos ng hinigaan ko.
___
“Hoy hoy anong section nyo?” si Kiel na nakita ko agad dahil wala sya sa kumpulan ng mga estudyante sa harap ng bulletin. Nasa labas sya ng barrier.
“Titignan pa lang namin, ikaw?”
“Section C ako hohoho” ang yabang ni kumag. sana Section A ako.
Nakipagsiksikan na kaming tatlo, at halos matanggal ang kamay ko sa paghila ng dalawang to.
“Omg gaga section C tayo!” sigaw ni Evve sakin sabay kurot. Ouch, welcome new pasa.
“Aray wait patingin nga”
*Freshmen Section C*
Arden, Natalia Julianna C.
Naroon din ang pangalan ni Evve, Prim, at Kiel. Nakita kong classmate din namin si Ara at marami pang iba na kaklase din namin nung grade school.
Umalis nako sa flooded na bulletin board at naabutan ko si Kiel na nakaupo sa barrier.
“ARAY NATALIA JULIANNA!” sigaw nya pagka pingot ko sa kanya.
“Section C din kami Luis Ezekiel, apaka selfish mo, di mo manlang tinignan pangalan namin alam mong siksikan”
“De kasi Ian may nagpatulong sakin don kanina, sorry naman” sabi nya sabay kamot sa piningot ko.
“Hoy tara na para may maupuan tayo agad” yaya ni Prim samin.
“Upuan eh iaalphabetical naman” tanong ni Kiel na naka upo pa rin sa barrier.
“Kaysa naman dito sa court ang init init, tara na” asik ni Prim sabay hila sakin, sumunod rin naman sina Kiel.
Sa itaas ng science building ang room namin. Tahimik kaming umakyat papunta sa class room dahil sobrang tahimik talaga dito sa Science building. may apat na rooms sa taas, laboratory at teachers faculty naman sa baba.
7:30 pa lang at 8am pa ang simula ng klase. Kaya masayang nagdadaldalan pa ang iba kagaya namin na nandito sa likod at magkakatabing naka upo. Si Kiel ay nasa unahang pinto, bida bida yon eh binabati pa mga pumapasok.
“Di tayo gagala? May ilang minutes pa naman” sabi ni Ara na kakarating lang pero mukhang gusto na naman umalis.
“Wag na, malilibot rin naman natin to eventually" sagot ko na ikinibit balikat nya lang.
“Tsaka maya maya for sure nandyan na homeroom teacher, sabi nila kung saang building ka dun din homeroom teacher nyo eh" pag imporma samin ni Evve.
Sasagot palang ako ng makita kong mabilis pa sa alas kwatro ang takbo ni Kier pabalik sa upuan nya.
“Gago si ma'am! Gago si ma'am!” paulit ulit nya pang mahinang sigaw.
“Huy siraulo anong gago si ma'am” pag sita sa kanya ni Prim na nginusuan nya lang.
Pag tingin namin sa harap, bumukas ang pinto ng class room at bumungad ang isang matabang babae na matangkad.
Sya siguro ang adviser at home room teacher.
“Good morning Section C. My name is Klausil Teovarra, I am your adviser, homeroom teacher and science teacher” pagpapa kilala nya.
“Ayon, chubara” siniko ko agad si Kier nang marinig ang sinabi nya. Mapapahamak talaga ang isang to eh.
Mukha namang mabait si Chubara kahit papano. Hindi sya mukhang terror.
“So for today, itatalakay ko sa inyo ang durasyon ng pagpasok nyo rito sa International School Manila. Whole day ang pasok, 8am to 8pm. Tuesday, Thursday, Saturday ang subjects schedule at monday ang Clubs day. For now I just want you to join a school Club. Kailangan yon para sa pagpili nyo ng course after ng senior year ninyo. I'll meet you again here at exactly four o clock para maiayos ang seats nyo alphabetically at para mag botohan sa officers. Punuan ang mga clubs so sana mas unahin nyong makapasok sa clubs na gusto ninyo bago kayo mag libot sa university, is that clear? You may go” pagkasabi non ay mabagal na naman syang lumabas ng pinto.
“Uy samahan nyo muna ko sa section D. sige na” napalingon ako kay Ara katabing room lang yun ah.
Lumabas kami at lumapit sa kabilang room, mukhang pare pareho ang utos ng mga homeroom teacher samin.
“Yumi!” pagtawag ni Ara sa kung sino.
"Rad! Axe!" pagtawag naman ni Evve sa pinsan naming si Rad at Axe. Classmates pala sila eh.
Nagka banggaan pa sina Yumi at Rad. Napataas ang kilay namin nina Evve at Prim ng makitang parang natulala sila sa isat isa.
“Ahem! First day of school” sabi ko, parang natauhan naman sila at lumapit samin.
“Magka kilala kayo?” tanong ni Evve.
“Classmates" sagot ni Rad.
“Obviously” pasaring naman ni Prim.
“Pinsan ko guys, sa province nag grade school kaya di natin nakasama. Yumi, si Ian, Evve, Prim, Kiel at Rad, guys si Yumi" nakipag shake hands naman kami.
“Bias ka, di moko ipapakilala?” tanong ni Axe kay Ara.
“Bakit kilala ba kita?” pa irap na sabi ni Ara.
“Hi, ako nga pala si Axe, tropa din nila ako, ang hindi ko lang tropa dyan yang pinsan mo, mukha kasing nangangagat” nagtawanan kami at agad na naghampasan sina Ara at Axe. Ganyan talaga sila.
Napagpasyahan naming sabay sabay nalang rin na maghanap ng club na masasalihan, pati maglibot sa University.
Kailangan lang mag sign up sa registry ng bawat clubs. Nasa tabi ng canteen ang Club building.
Si Kiel, dumeretso sa Culinary Club. nakita ko pang kasabay nya yung isa naming classmate na babae.
si Prim, sa Science Club. si Axe ay sa Cadette Club. si Evve naman, sa Arts Club. si Ara at Yumi naman ay sa Book Club. habang ako at si Rad ay sa Music Club.
“May audition yata Ian” sambit ni Rad nang makapag register kami.
“Limang banda ang bubuuin ng Music Club. Each band contains vocalist, lead guitarist, base guitarist, keyboards, drummer. So we will be finding five members each. Nag register kayo kanina, so meaning to say naglagay kayo kung saang position nyo gusto… ” sabi ng instructor na namumuno. Music teacher siguro.
“Uy pre, lead inapplyan ko, ikaw?” bati ni Rad sa kung sino, patuloy lang akong nakikinig sa instructor.
“Base” napalingon ako, saktong nakatingin din sya sakin.
“Ay, pre. Pinsan ko si Ian, vocalist inapplyan nyang position sa band. Sana magkaka grupo na lang tayo para wala ng adjustment” pakilala samin ni Rad, bumaling ako sandali sa instructor. Hindi ko matagalan ang tingin ng isang to, budol yata to eh.
“Travis” sambit nya bago iabot ang kamay para makipag shake hands.
“Ian” pormal kong sabi bago lumingon sa announcer. Hindi ko kinuha ang kamay nya. Ayoko.
“… pipili na kami ng magkaka grupo para mag perform. Sa iisang banda kasi, kailangan ang koordinasyon ng isat isa. Vocals at base, base at lead, lead at keyboard, keyboard at drummer. As well as kayong lahat sa vocals nyo. Now, may we call on Natalia Julianna Arden for the Vocals, Zayn Travis Riley Ford for base, Radson Ryle Gallego, Evan Royce Lim for the keyboards and Gaizer Jude Mariano for Drums"
Ayos din humiling si Rad eh, instant.
“Anong kakantahin? Ako nga pala si Gaizer” panimula ng drummer.
“Ian”
“Travis”
“Rad”
“Im Evan, may binigay na audition piece” tsaka may inabot syang papel.
Hinagilap ko agad doon ang pamagat ng kakantahin at laking tuwa ko ng malaman na isa yun sa mga paborito kong kantahin.
~Indak by Up Dharma Down~
After few audio tests. Humudyat si Gaizer bago kami nag simula.
Instrumental. Nagkaroon ako ng pagkakataon tignan ang mga kagrupo. Kitang kita na gusto nila ang ginagawa nila. Kaya kailangan kong galingan.
~~ tatakbo, gagalaw..
nag iisip kung dapat bang bumitaw~~
Kita ko ang paglaki ng mata ng mga nakinig, pati dumami narin ang tao sa auditorium na gustong makita marahil kung sino sino ang naririnig nila.
~~ kulang na lang, atakihin..
ang pag hinga'y nabibitin~~
Mula rito kitang kita ko ang pagsulpot nina Evve, Prim at Axe sa mga manunuod.
~~ ang dahilan alam mo na kahit ano pang sabihin nila,
tayong dal'wa lamang ang nakaka alam ngunit ako ngayo'y naguguluhan~~
Rinig ko pa ang pag sigaw nina Evve ng 'wooohh pinsan namin yan!'
~~ makikinig ba ko sa aking isip na dati pa namang magulo..
o iindak na lamang sa t***k ng puso mo..
at aasahan ko na lamang na hindi mo aapakan ang aking mga paa..
pipikit na lamang at magsasayaw, habang nanunuod sya~~
Nagpasikat sila sa instrumental, na sa tingin ko ay nakapagpa tayo sa mga judges.
Ang boto nilang puro 10 ang nagpasya kung nakapasok kami sa music club.
Wala sa sariling napa yakap ako sa katabi ko. Na sa kasamaang palad ay si Travis. Kaya sa sobrang hiya ko, niyakap ko silang lahat.
“You guys are really something, mag isip na kayo ng ipapangalan sa banda ninyo, and you guys are officially part of the music club” pagbati samin ni Instructor Gil.
Pawis na pawis akong lumabas ng auditorium. Atleast may club na kami ni Rad. Agad naming nilapitan sina Prim.
“Pasok na kami sa audition, kayo may club na kayo?”
“Oo, okay na ako sa science club” sagot ni Prim.
“Ako rin sa Cadette, tinignan lang kung marunong kami ng proper salutatation” si Axe na nag sample pa.
“Same here, pinakita ko portfolio ko and designs” sagot ni Evve na winagayway ang portfolio nya.
“San tayo tatambay?” tanong ko sa kanila
“Canteen o lilibot? hanapin natin yung iba” luminga linga pa si Rad sa paligid.
Sumang ayon naman sila na hanapin yung iba bago mag punta sa canteen.
Dumaan kami sa Culinary Club at sinundo sina Kiel, sinama na rin namin yung classmate namin na nakita kong kasabay ni Kiel kanina. At Zein pala ang pangalan nya.
Dinaanan din namin sina Ara at Yumi sa Book Club.
Nasa canteen na kami, at tuluyan na nga kaming nalula sa laki ng canteen, pinili namin sa likod umupo.
Twelve seaters ang isang table dito. Siyam kami kaya okay lang. Punuan na nga lang dahil halos lahat yata tapos na sa club meetings.
“Uy pre tatlo lang kayo? Dito nalang kayo" dinig kong sabi ni Rad sa kung sino kaya napa lingon kami. Ito na naman tong Travis na to.
Binati ni Axe ang mga lalaki, classmates pala nila.
“Si Travis, Nero at si Over. Ito mga tropa to, Ian, Evve, Prim, Aya, Yumi, Zein at Kiel”
Tumayo ako para lumapit sa shake stall.
"Banana milk shake po sakin, with pearls and extra pearl please" sambit ko nang makalapit sa 'Shake it off' Stall.
"One banana milk, yung pearls ng sakin paki dagdag sa kanya”
Napalingon ako sa nagsabi nun. Si Travis.
“Pinagttripan mo ba ko?” tanong ko sa kanya.
“Nope, bakit ko naman gagawin yun?” sagot nya habang tinititigan ako sa mata.
Budol talaga. Umiwas ako ng tingin.
“wala, ewan ko sayo. Feeling ko nabubudol mo ako pag tinitignan mo ako kaya wag mo akong tignan. Hintayin mo yang order natin, bayad na yung sakin. Babalik na ako dun at parang nauubusan ako ng energy sayo” sabi ko sabay talikod.
Bat ba sya ganun? Alien ba sya?
___
Wala akong kaalam alam na iniiwas ko na pala ang sarili ko noon. Iniiwas sa sakit na dala ng paglalim ng nararamdaman ko.