Fate

2282 Words
Flash back 10 years ago Part 2 Nang makarating ako ng table ay naabutan kong nagkaka sagutan sina Prim at Nero. “Kasalanan ko bang naiwala ko yung ballpen ko, nang hiram lang ako sayo at teka ibinalik ko naman ng maayos ah” galit na usal ni Prim habang pinipigil sya ni Evve sa pagsugod kay Nero na prenteng nakaupo lang. “Sa dinami dami ng maiiwan mo ballpen talaga? First day of school? Ballpen?” nang aasar na sabi ni Nero. Seryoso? Pinag aawayan nila ballpen? Dinunggol ako ni Kier bago maupo sa tabi ko “Ano meron?” “Ewan ko rin eh” sagot ko. Bumaling naman sya kaagad kay Zein na kasabay nyang bumili ng Shawarma sa 'Shawarma all' stall. Tumigil naman yung dalawa ng maramdaman nilang awkward na awkward kaming naka tingin sa kanila at nag kanya kanya na lang ng kain. “Nasan shake mo?" tanong sakin ni Evve nang makitang naka tunganga lang ako. Kasabay nun ang paglapag ni Travis ng Banana Milkshake ko na halos mapuno ng pearls. Yay ang sarap! Bumulong naman sakin si Evve at pansin kong nakikinig rin si Prim “Nilibre ka?” “Hindi no. Binayaran ko tapos sabi ko pasabay nalang” pagsasabi ko ng totoo. “Ah akala ko naman nilibre ka, ang cute nung friend nila no?” pag iiba ng topic ni Evve. “Jusko naman hindi ba makaka hintay ng pag uwi yang comment mong yan?” singit ni Prim na inirapan lang ni Evve. “30 mins nalang magfo four o clock na? Tara na sa room” pag aaya ni Nero sa mga ka section nya. Sunod sunod silang tumayo. Nagka tanguan narin kami at magkakasunod na bumalik sa room. --- Kapansin pansin ang pangungulit ni Kier kay Zein, mukhang magka vibes naman sila dahil magkatabi na sila ngayon sa upuan at nagkkwentuhan. “Sana all may crush agad first day of school pa lang” bored na sabi ni Ara na naka tingin kina Kier. “Okay lang yon, crush ka naman ni Axe eh” nang aasar na sabi ko. “Hindi ko yon kilala Ian” pagkasabi non ni Ara ay napa halakhak kami nina Prim at Evve. “Hoy ako rin may crush na” sabat ni Evve “Obvious ka naman eh” pairap na sabi ni Prim. Nag kwentuhan pa sila at minabuti ko na lang na mag doodle sa likod ng notebook ko hanggang sa dumating si Mrs. Chubara “Now, I will start from assigning you to your seats and I will assign you in descending order, start sa likod papunta sa harap, but firstly before sitting, you will introduce yourself so that hindi tayo masyadong kakain ng oras...” panimula ni Chubara “Kaya pala sya mataba, pati oras kinakain” pasimple kong binatukan si Kier nang sabihin nya yun. Isa isa kaming nagpapakilala kapag tinatawag ang pangalan namin. Dun ko lang rin napansin na kaklase pala namin yung isang kasama ko sa music club, si Evan. Tumango lang sya sakin bago umupo. Typical na silent guy. “Ngayon din gaganapin ang election of home room officers" nag simulang mag sulat sa whiteboard si Chubara. --- President: Vice President Secretary: Monitor: Treasurer: Auditor: Sgt at Arms (1): Sgt at Arms (2): Muse: Escort: --- “So, the table is now open for the position of the president” panimula ni Chubara. Maraming nagsitaas ng kamay, kasama na si Kiel na naka ngising sakin. Inirapan ko na lang. ayokong makisali sa mga ganyan kaya hinarap ko na lang ulit ang doodle ko. Sina Evve naman nagkkwentuhan lang. Wala ring pakialam sa Election. “Yes Mr. Morales?” napa angat ako ng tingin nang tawagin ni Chubara si Kiel. “Mam, Kiel na lang ho. Hindi ko nakaka pogi ang Morales parang boksingero eh hehe” nag tawanan ang ibang mga kaklase namin sa kalokohan ni Kiel “I would like to Nominate Ian, ay! Natalia Julianna Arden po pala, for the position of president.. because.. ahm.. tagalog na lang po kasi my nose is bleeding love na eh. Ninonominate ko po si Ian kasi naniniwala po ako sa kasabihang Ang presidente ng klase ay walang iba kundi ang Top 1 hehe and I thank you!” Masamang tingin ang ipinukol ko kay Kiel na pakaway kaway pa na pang Beauty Queen. “Pre bakit ninominate mo na agad? Iboboto pa naming muse yan eh” singit ng kaklase naming si Ralph. “Oo nga, pero pwede yata dalawa katungkulan eh, kapag nanalo syang Pres edi boto rin natin sa Muse diba?” tanong naman ni Jiro. “Ano ba naman kayo mga pre, kailangan natin ng matalinong President. Ang iboto nyo as Muse si Winchester tapos ako iescort nyo, for sure uuwi agad ang kalaban ng luhaan” sagot naman ni Kiel. Sa kasamaang palad, natutuwa sa kanya ang mga classmates namin pati na rin si Chubara, dahil sa mga walang connect nyang mga kasabihan tuwing nagno nominate. Lahat tuloy ng inominate nya ay binoboto ng karamihan. Natapos ang Election of officers nang puro kalokohan nina Kiel, Ralph at Jiro ang bumida. Nandyan pang sinabi ni Kiel si Charity daw ang dapat gawing monitor kasi mas maaga pa raw pumasok kaysa sa Guard, kaklase kasi namin sya dati. Sinabi naman ni Ralph na si Jace ang dapat maging Auditor dahil mukhang matalino sa math dahil may specs ito. Napapa iling si Chubara pero tinatanggap nya ang pag nominate ng mga ito. Hindi naka ligtas ang nag iba pang kaklase namin sa pambubuska ng tatlong itlog. Inominate ba naman bilang sgt at arms ang Bakla at tomboy. --- President: Natalia Julianna Arden Vice President: Primrose Nikolai Arden Secretary: Clara Angelie Filomeno Monitor: Charity Gonzalo Treasurer: Georgina Evve Gallego Auditor: Evan Royce Lim Sgt at Arms (1): Armando Juanitez Sgt at Arms (2): Joyce Apphia Ybañez Muse: Xianne Zein Winchester Escort: Luis Ezekiel Morales --- “Kung di lang gwapo to si Fafa Kiel eh” naka ngusong sabi ni Armando. Ay Mandy nga pala daw ang itawag sa kanila. Sya ang gay namin Sgt at arms. “Hoy minimize your voices naman, tsaka wag nyo akong tawaging Joyce or Apphia. Jay na lang.” pagsasaway naman ni Jay, ang tibo naming Sgt at arms. “Apir pre haha baka sila magkatuluyan no?” nag apir apir pa sina Kiel, Ralph at Jiro. “Mga siraulo kayo, pinag tripan nyo” iiling iling na sabi ko. “Okay lang yan Miss President. Dito magsisimula ang tibay ng klase natin. Sigurado ako” naka ngiting sabi ni Ralph. Natahimik kami nang maka rinig ng katok galing sa hallway. Ang magaling na si Kiel, na kunwari concern pero chismoso naman talaga ang lumapit para mag bukas ng pinto. Nagpa salamat naman si Chubara sa kanya dahil hirap itong umupo tayo dahil sa bigat nya mismo. “Good afternoon, may ibibigay lang po” nag angat ako ng tingin dahil kilala ko ang boses na iyon at tama nga ako. Nagtama ang mata namin ng lalaki budol. “Daily Guide ba yan anak? President ka ba ng section nyo? Kung oo pasok ka” tanong ni Chubara. Tumango naman si Travis bago pumasok kaya nakumpirma namin na sya nga ang Presidente ng Section D. Nasa likod nya si Nero na mukhang bored na agad. “Miss President kunin mo na at ipamahagi mo isa isa” napakurap ako nang sabihin yon ni Chubara. Tumayo ako at agad na tumingin sakin si Trav. Malayo pa ang upuan ko kaya mga ilang segundo akong nag lakad palapit sa kanya. Bakit pakiramdam ko napaka bagal kong mag lakad? Nang makarating ako sa tapat nya ay kinuha ko ang mga papel pero hindi nya binitawan. “Samin to di ba? Baka gusto mong bitawan?” mataray na tanong ko. “Woah may numumuo” kantyaw ni Jiro sa amin. “Hawak mo kaya ang kamay ko” napatingin ako sa kamay ko nang sabihin nya yon at oo nga. Hinihila ko pati ang kamay nya. “Hala chansing si Miss President kay Mr Presindent oh” panggagatong ni Ralph. Subukan mo lang mag salita ng against sakin Kiel. Bugbog ka sakin. “Ah, pasensya na ha? Akala ko kasi papel din. Matigas kasi” sabi ko bago sya inirapan at inayos ang pag kuha sa mga papel. “Burn! Toasted! Ashes! Baka Miss President namin yan?” banat ni Kiel na sa akin pumapanig. Dapat lang. “Okay guys settle down. Mukhang bagay ang President natin at ang Pres ng kabila.” pakikisali ni Chubara sa pang aasar ng mga kaklase namin kaya mas lalo silang nag hiyawan. “Oh pwede namang magka crush kayo. Huwag ninyo lang pababayaan ang pag aaral okay?” “hala Zein pwede daw magka crush. Pwede ka nang umamin sakin!” biglang singit ni Kiel na nag ipit pa ng imaginary buhok sa tenga. “haha sige aamin na ako kapag crush na kita” pang bawi naman ni Zein na ikina ingay lalo ng buong klase. Isa isa ko ng pinamahagi ang Students Daily Guide. Sa kasamaang palad kulang ng isa. “Nako kulang. Pwede namang mag share” pag iimporma ni Chubara. “Ito oh” inaabot sakin ni Trav ang Daily Guide nya. “Ahm hindi tayo magkaklase” maikling sabi ko. “Oo at nai tacle na samin yan kanina. Sayo na lang muna. Ibalik mo na lang bukas after mo gamitin. You can also put your name beside mine if you like” sabi nya bago mag paalam kay Chubara at nag lakad pabalik sa classroom nila. Nanatili akong naka tayo doon. Nagulat. What did he just do? Tulala akong bumalik sa upuan ko. "Okay class, listen up. Since wala pa naman tayo masyadong gagawin talaga dahil First day of school pa lang. Mag hintay na lang tayo ng ala sais bago kayo maglibot ulit sa buong school. For now libangin muna natin ang ating mga sarili. Isa isa ninyong ipapakita ang talent nyo. No need to do it in front, dyan na lang sa mga upuan ninyo kapag narinig na tinawag ang pangalan.” "Hala yari. Pano po pag walang talent?” tatawa tawang tanong ni Jiro. “Ay pass mam, jojowain” sabi ni Mandy sabay flip hair. “Wala yung sa choices uy” sita sa kanya ni Jay. “Mam talent ko lang po kumain” pabirong sabi naman ni Ralph. “Mam talent po ba ang pagiging pogi?” tanong ni Kiel bago nag pogi pose. “Hala kapal ng mukha nito. Mam wag nyo pong papasayawin yan, kailangan pa po nyan pakuluan baka sakaling lumambot” pambabara ko kay Kiel. “Wala bang magtatalent ng bumubuga ng apoy para mas exciting?” usal naman ni Ara. Natigil kami sa pagbubuskahan nang may kumatok ulit sa pinto. Bumukas ito at iniluwa ang maliit na babaeng medyo malaki ang mata. “Good afternoon. I am Lauren Calixto your Guidance Councilor. Mam Klausil nandito ako regarding sa mga kukuhain kong Student Council Government. May napili ka na ba?” masungit na tanong nya kay Chubara. “Ay oo nga pala. Bawat section from A to E ay pinipilian ng Limang representative para sa SCG. Ang napili ko ay si President, Vice President, Secretary, Auditor at si Escort.” nagkatinginan kami nang sabihin yon ni Chubara. “Hiramin ko muna sila para sa orientation, Mam. Sumunod kayo” sabi ng Ms Calixto bago dere deretsong lumakad palabas ng room. May mga kasama pala sya na iniwan nya sa labas ng room namin. Nang ipakilala nya samin, representative pala ng Section A at B. Papunta kami ngayon sa kabilang room which is room ng Section D. Naupo kami sa mga upuan sa hallway aa tapat ng room ng Section D. Ang kahabaan ng hallway ng school namin ay may mga upuan na nagsisilbing waiting area tuwing wala pang klase. “Naisip ko lang ah. Kung makakasama mo pa yung si Travis ngayon dito sa SGC masyado na tong Tadhana” biglang sambit ni Prim sa tabi ko. “Oo nga no? Grabe malay mo sya na pala talaga tinadhana para sayo” sabi ni Eve bago sila nag apir ni Prim. “Kaka nood nyo yan ng Kdrama pati kakabasa ng w*****d” sambit ko. “Pero pano nga Ian?” pagsali na rin ni Ara. “Edi sene ell” pang aasar ni Kiel. “Wow sana all daw eh sya nga yung unang unang naglalandi dito” binatukan ko pa si Kiel nang sabihin ko yun “Tsaka pag aaral ang pinunta natin dito. Bonus na lang yan kung talagang dito ko mahahanap yung para sakin. Tsaka malay nyo kayo rin.” “Di naman totoo yan. Tao ang gumagawa ng Tadhana nila. Kung totoo yang sinasabi nyo, sana pinag hinalaan nyo rin ako. Kabanda ko rin si Ian, kaklase, tapos kasama ko rin dito sa SCG. Just saying” mahabang litanya ni Evan na ikinagulat namin. Hindi naman kasi sya pala salita, bukod don may point sya. “Hala bro congrats, ang haba ng sinabi mo. Dapat natin itong icelebrate” kinamayan pa ni Kiel si Evan na iiling iling lang. “Omg I smell love triangle” tila kinikilig na sabi ni Ara. “Ewan ko sa inyo. Basta ako tama yung hinala ko. Kaso may kasama pa syang asungot.” lumingon kaming lahat sa mga taong kasama ni Ms Calixto na lumabas ng room ng Section D. Naglalakad palapit samin si Axe at Rad na kumakaway, si Over na nakapamulsa, si Nero na naka ngisi kay Prim.. At si Travis na deretsong naka tingin sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD