Everything Has Changed

1958 Words
Present day... “25 hours ang byahe, di pa kasama don mga stop overs okay so mag palitan nalang every four hours kung sino magddrive ha” paalala ni Eve nang dumating kami sa bahay. “Oy kumain na kayo. Yung kare kare pati Buttered shrimp pang mamaya pa yang dinner ah, sakto yan pag dating natin sa Peak” seryosong sabi ni Kiel na naghahanda ng hapag kainan. May usual na tambayan kasi kami bago makarating sa Surigao City. Nakita lang namin yun doon nung unang beses na mag punta kami ng Siargao. May property kasi si lola na ipinangalan saming magpipinsan. Third year high school kami that time. Sinimulan na rin namin unti unting ipa renovate yung property, since malaki sya at tabing dagat kaya ginawa na lang naming bakasyunan. Doon kami nagcecelebrate ng mga ganap naming magttropa sa buhay. “Uy nakaka miss bumalik sa Peak. Daming memories dun eh. Muntik kami mahulog ni Kiel tapos sina Rad muntik makagat ng ahas. Tapos syempre may kilig moments, yung proposal ni Tra-- Tara kain na pala tayo!” hinila pako ni Axe sa dining table sabay bulong ng sorry. Malungkot lang akong ngumiti bilang sagot. Nag propose sya. Nung araw rin na yun kami nag hiwalay. Bakit? Because I didnt say yes. “Pero pinaka epic nung si Ara nahulugan ng bahay ng bubuyog” tatawa tawang sabi nya bago bumaling sa mga reaksyon namin. Nakita naman siguro nyang nawala yung awkwardness na nandun kanina. “Siraulo ka kasi, kung di ka umakyat sa puno, hindi ako mahuhulugan ng bee hive” pairap na sabi sa kanya ni Ara. Marami na nga talaga kaming pinagsamahan. Kaya hindi ito dapat maapektuhan nung naging desisyon ko noon. “nahulog rin naman ako nun” bulong ni Axe bago sumubo ng pagkain. “kung nahulog ka non edi sana nabalian ka ang taas kaya nung puno” sagot ni Ara na sa pagkain naka tingin. “Sayo. Hindi naman sa puno” bulong pa rin pero sapat na para marinig naming lahat. Limang segundo siguro ang lumipas. Parang di kami huminga lahat non. Dahan dahang lumingon si Ara kay Axe bago inihit ng ubo. “Uy gago nabulunan, tubig! Tubig!” tarantang sabi ni Eve. “Wag ka naman kasing ganun umamin Pre nakakabigla eh” komento ni Kiel habang inaabutan si Ara ng tubig. “Sorry, di ako marunong. Paturo kasi” tatawa tawang sabi ni Axe bago inabutan ng tissue si Ara. “Ay torpe din ako Pre, si Trav na lang magtuturo sayo kasi manok ko yan eh” napatingin sakin si Kiel pagka sabi nya nun “Manok ko sya pero aso lang ako ni Ian hehe” “Pero agree ako dun, si Trav kasi mapag pursige yan kahit dati pa. Kaya sa kanya rin ako humihingi ng advice eh” seryosong sabi naman ni Rad na kumakain. “Wow pre love guru ka pala, angas. Kaya pala--” napa tingin ulit sakin si Kiel “Kaya pala ang angas sinampay sa kalsada kumain ng sapatos kasi gutom pa ko” Lahat kami napa 'huh?' pero nag kibit balikat lang si Kiel. Nang matapos kami kumain, nagpatuloy na kami ng pag aayos sa mga gamit na dadalhin. Nung papasok na sa sasakyan. Ramdam ko na naman yung awkwardness. Dati hindi, syempre kami pa nun. Si Axe at Ara ang nasa drivers at shutgun seats. sa likod nila sina Kiel at Zein kasi sila ang papalit mamaya sa harap. Sa likod naman nila sina Eve at Over. Ayoko namang maki siksik sa kanila. lalo kina Kiel, napaka ingay nun, hindi ako makaka tulog. Sina Prim sa likod nina Eve pumwesto, nag dala pa ng unan dahil matutulog pa raw sila. Which leaves me again with no choice. Sa Dulo katabi sya. “Kung di ka komportable lagay mo na lang bag mo” mahinang sabi nya. Ilalagay ko nga sana talaga yung isang bag ko na nasa likos nang may lumaglag na unan mula sa harap. Kay Prim. “Ayan oh, arte nyo. Pag kayo nagbalikan bigyan nyo ako ng Neck pillow na personalized ah” sabi pa nya. “Pinagsasasabi mo” sagot ko bago inilagay ang unan sa gitna namin ni Trav. “G na, deal?” iniamba nya pa samin ang kamay nya para makipag shake hands. “Deal, matulog ka na lang dyan” kinamayan sya ni Trav na syang nag sabi nun. Napa iling na lang ako. Matutulog rin ako. Inabot ako ng 2am sa readings ko. Nagpasa pa rin kasi ako ng report nung umaga para sa kasong hahawakan ko. Hinanap ko sa pouch ko yung earphones ko at bigla kong naalalang hindi ko nga pala yon nailagay kanina nung naalala ko. “Guys may earphones kayo dyan na di nyo gagamitin?” tanong ko sa kanila. Kanya kanya naman silang sabi ng wala o di kaya ay gagamitin daw. Masama ang loob na humiga ako sa unan na nasa gitna namin. Pumikit na lang ako ng mariin, baka sakaling maka tulog. Napapitlag ako ng may kung sinong naglagay ng earphones sa kaliwang tenga ko. Si Trav. “Tag isa tayo. Its fine. Sleep” sabi nya bago umayos at pumikit. pumailanlang ang kantang sabay namin palaging kinakanta noon. Our own personal favorite song. Everything Has Changed By Taylor Swift and Ed Sheeran. ~~All I know This morning when I woke Is I knew something now Knew something now I didn't before~~ Nagkaroon ang ng pagkakataon na titigan sya. Siguro nga, everything has changed? or not? He aged well. He has a few stubbles on his chin. His minimalist nose thud is still there, naalala kong tinanggal ko yung sakin kaninang umaga dahil ayokong malaman nyang after all these years Im still keeping everything he gave. Mahaba pa rin ang pilik mata nya. Yung tangos ng ilong nya na akma sa labi at mga panga nya. “Stop checking me out like you still love me. Remember you dumped me” sinabi nya yon nang nakapikit. Kasabay ng pag tulo ng luha sa mata ko ang pag tagilid ko para mapunasan ito. Pillow, be quiet okay? Ikaw muna ang kakampi ko ngayon. Unti unti, naramdaman ko na lang na tinatangay ako ng antok. ___ “Huy wag ka maingay baka magising agad, damihan mo muna ng kuha bago natin gisingin” rinig ko ang boses ni Axe na nasa malapit lang. “Bobo nito, ikaw dyan maingay eh” sabi ni Ara na mas malapit kong naririnig. “Uy basta bounce ako dyan ah, mamaya magalit yan si Ian eh ayoko nga magka pasa ulit. Kagagaling nga lang nung isang kurot nya” si Kiel na medyo malayo. Ramdam kong naka tigil ang sasakyan, siguro nasa peak na kami. Tinagilid ko ang ulo ko, ramdam ko pa ang pag talon ni Axe paalis bago ako dumilat. Halos maduling ako sa nakita ko, sobrang lapit ng mukha namin ni Trav na natutulog pa. Kapag gumalaw ang isa sa amin mahahalikan namin ang noo ng isat isa. Well, noo lang naman. Ay wait bakit parang nag eexpect ako ng more. Teka nga kanina hindi naman naka higa to ah. Dinutdot ko ang ulo nya hanggang sa mahulog sya unan. Which means nahulog rin sya sa kinahihigaan naming carseat. “What the-- Love, bakit mo ako tinulak?” napangiwi ako nang napa aray sya dahil nahulog na nga, nauntog pa. Pero tinawag nya ba akong Love? “A-anong tinawag mo sakin?” tanong ko sa kanya. Mukhang nagulat rin sya nang naalala kung anong tinawag nya sakin. “Hoy guys kakain na, gising na pala kayo eh” sabi ni Axe habang sumisipol sipol pa. Halatang may ginawang kalokohan. “Hoy Axe, anong ginagawa nyo dito ni Ara kanina? Narinig ko kayo” tanong ko sa kanya na nakapagpatayo sa kanya ng deretso. Alanganin pa syang ngumiti bago sumagot “Hehe ahm annual hangout pics?” Nanlaki ang mata ko. Sabi na eh. “Nasan na?” umakto pakong lalabas at nakita ko silang nagkukumpulan na. “Ayun naipost na sa IG bilang first set hehe #roadtrip #peak oy ikaw nagpa uso ng bawal mag delete ah” naka pout nya pang sabi. Napalamukos ako sa sarili kong mukha. “Bat ka kasi tumabi sakin sa unan?” inis na sabi ko kay Trav bago dumaan. “Masakit kaya sa likod matulog ng naka upo. Damot mo, ginagawa mo nga akong kama dati” pagmamaktol nya habang palabas ako. “Hoy dati yon. Wag ka ngang ano dyan” inis na baling ko sa kanya. Doon ko lang nakita ang kabuuan ng peak. Iba na sya. Kung dati kakailanganin pa ng blanket para ilatag at doon maupo, ngayon hindi na dahil may malaking kahoy na mesa na ito at mga nakapalibot na kahoy na upuan. “Ayan aso at pusa na ulit sila. Its like first grade all over again jusko” tatawa tawang sabi ni Prim. “Hay nako kumain na lang kayo, sino na ba next na magddrive?” aya samin ni Eve. “Ako na lang. Ilang oras bago magpalit?” Si Trav yun. Kung lilipat sya sa drivers seat, lilipat din ba ako sa shotgun seat just like the old times? “4 hours, tapos kami ni Hon papalit sa inyo sa front” sagot ni Prim. Tumingin ako kay Prim. “Sa shotgun kana mamaya, mas makakatulog ka don kaysa sa likod” sabi nya nang mapansin akong naka tingin. “Oo nga sabi ko nga” sagot ko bago kumuha ng pagkain “Uy may fried chicken! Nasan Gravy?” tanong ko kay Kiel. “Ay wait nasa malaking lalagyanan yun kasi alam kong sinasabaw mo eh” tumayo si Kiel para kunin yung Gravy sa van. “Hoy picture muna! Harap muna dito” sigaw ni Yumi na may dalang DSLR. Nag kanya kanya naman kaming lapit “Trav lapit ka pa, di ka makikita. Axe wag nyo takpan yung food haha” Napatingin ako sa kanya. Nung lalapit na sya umiwas nako ng tingin. Ramdam ko yung dibdib nya sa likod na part ng left braso ko. “3, 2, 1 Say Dose!” masiglang bilang ni Yumi. “DOSE!” sabay sabay naming sabi. “Kain na guys para makapag byahe na ulit, tissue oh sino may need? May wet wipes ako dito pag need nyo” iwinagaywag pa ni Prim ang pouch kung saan nandon ang wipes at tissue. “Uy ako pahingi, all varieties kase medyo naglelabor nako eh” humihimas pa si Kiel sa tyan nya. “Lah kaya pala medyo may naamoy ako kanina” pang aasar naman ni Axe. “Ou pre malapit ang bibig sa ilong tandaan mo yan” ganting asar ni Kiel na tinawanan lang ni Axe. Tumayo muna ako at lumapit sa railings ng peak. Sa di kalayuan ay nandon din pala si Trav. Kaya pala biglang nawala. Hinayaan ko na sya, mabuti medyo malayo baka sabihin pa sinusundan ko sya. May mga bagay siguro na nag iba na pero meron ding hindi kagaya ng lugar na to. Dito kung saan ko sya iniwan. Dito kung saan ko dinurog ang sarili kong puso. Parang nakikita ko pa syang nakaluhod habang may inilalahad na singsing sakin dito. Parang nakikita ko pa ang sarili kong tumatakbo palayo sa kanya. Napayakap ako sa sarili nang umihip ang pang gabing hangin. Alas nueve na ng gabi. Hindi ko namalayan ang pag lapit nya. Naramdaman ko na lang ang Kamay nya sa balikat ko at ang jacket na nasa ilalim nito. “Alis na daw tayo” sambit nya bago nag lakad pabalik sa sasakyan. Ngayon sya naman ang tinitignan ko habang palayo sakin. Ganito rin ba kasakit yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD