Still Into You

1480 Words
Yakap yakap ko ang unan habang nakatingin sa harap ng kalsada. Binigyan pa ako ni Eve ng Vcut, Piattos at kung ano anong kutkutin dito sa harap. Gamit ko pa rin ang jacket ni Trav, pati ang earphones na binigay nya kanina dahil di nya raw gagamitin. “Ian bawal ka matulog pala, kasi need mo kwentuhin si Trav baka makatulog yan nakow yari tayo” sabi ni Axe na nasa pwesto namin kanina sa pinaka likod. Kinuha ko ang bote ng mineral water na nandito tsaka ko hinagis sa kanya. Saktong hindi pala sya naka tingin kaya sapul sya. “Ang sakit gagi, ang layo ko na nga eh. Solid” sabi nya habang hawak ang noong tinamaan yata ng bote. Yung iba tulog na. Hindi naman ako inaantok pero seryoso bang need ko syang kwentuhan or what? Hello may past kami? Sinaktan ko sya tapos ineexpect nilang magiging civil kami? Pero sabagay civil naman sya sakin. Ako lang siguro yung hindi. Inaamin ko naman Guilty ako. Dinutdot ko ang radyo at agad na pumailanlang ang kanta ni Ariana Grande at Justin Bieber na Stuck with you. Saktong umpisa pa. GREAT. JUST GREAT. Ililipat ko sana pero pinigilan nya yung kamay ko. Binawi ko yon tsaka bumalik sa pagkaka yakap sa unan. Ilang minuto lang sumasabay na ko sa kanta. Ganun din sya kapag turn na ni Justin Bieber. Naeenjoy pa rin namin pareho ang musika. Ang musika na unang nagbuklod saming dalawa. Sinusulyapan pa namin ang isat isa from time to time. Siguro nasanay dahil nung nasa banda kami. Yung upo ko naka tagilid na, naka harap sa kanya. Nagtawanan kami pagka tapos ng kanta. “Ayaw pa daw, ililipat mo pa sana ah” tukso nya sakin. “Syempre alam kong mapapa kanta ako” sabi ko sabay tawa. After all, komportable pa rin ako sa kanya. Nakarinig kami ng mahinang palakpak. Lumingon ako para tignan kung sino yon at nakita silang lahat na naka Okay sign. “Akala ko tulog?” biglang tanong ni Trav. “Akala ko rin” sagot ko. “Akala namin break na kayo? Bakit parang hindi naman. Bakit parang wala pa rin namang nag bago?” tanong ni Prim. “Kaya nga” pag sang ayon ni Eve. “Friends pa rin naman kami ah” sagot ko. “Hoy last time I checked nagiisnaban pa kayo” tinaasan pako ng kilay ni Prim. “Tsaka exes cannot be friends kaya” sabat ni Ara na nakikinig pala. Nakipag apir pa kay Yumi na tatawa tawa lang sa gilid. “Oo nga sabi nila pag mag Ex daw tapos naging friends nagkakabalikan” sabi ng kaninang nakikitawa lang na si Yumi. “Hoy issue kayo, may girlfriend yung tao” iiling iling kong sabi “Nag carpool lang naman kasi namiss namin maging magka banda” dagdag ko pa sabay kain ng chips. “Bro may gf ka pala?” biglang tanong ni Nero na ngayon ko lang ulit narinig ang boses. “Oo nga, meron? Di mo man lang sinabi samin” pag segunda naman ni Over. “Hala ang galing may boses pala kayo, siguro every 10 hours lang kayo nagkaka boses no?” sabat ni Kiel na naabot ng hampas ni Prim at Eve. Agad naman syang nagsumiksik kay Zein na natatawa nalang. “Haha dapat kasi Bro nananahimik ka nalang eh, double kill ka tuloy” panunukso naman ni Axe kay Kiel. “Hoy teka lets go back to the question. May gf ka Trav?” mataray na tanong ni Prim. “Ah si Trix siguro tinutukoy ni Ian na gf” sagot ni Nero. “gf mo pala yon akala ko kasi Pet mo” pairap na sabi ni Prim. Agad naman syang inawat ni Nero. “Nako magsi tulog na nga kayo” sabi ko bago umayos ng upo. Nagma marathon yata tong Dj ng Taylor Swift songs. Breathe naman ni Taylor ang now playing nya. Grabe medyo masakit ah. Na hotseat ako kanina tapos ganito pa tugtog. Pumipikit pikit na ako nang magsalita si Trav “Recline mo Love, para makahiga ka ng ayos” bago nya mismong inayos ang upuan ko. “Foul yan Erp, pag may gf wag pa fall” sagot ko sa kanya kahit inaantok nako. Ni hindi ko na nga naintindihan yung sinagot ko. ___ nagising ako sa boses na naririnig ko. Hindi naman dahil sa pang bulahaw sya. Kundi iyon ang boses na nasanay akong naririnig ng walong taon. Tapos biglang nawala sakin dahil sa maling desisyon. He is singing. Mahina pero dahil nasa tabi nya lang ako rinig na rinig ko. Lumingon sya kaya nag panggap akong tulog. Saktong tumigil ang sasakyan. Stop light siguro. Hindi ko inasahan ang sumunod nyang ginawa. “~~ That I love you I have loved you all along And I miss you Been far away for far too long ~~” Hinahaplos nya ang pisngi ko. At ang palagi nyang ginagawa, gamit ang hintuturo nya. Mula sa hugpungan ng kilay ko hanggang sa tungkil ng ilong. “~~ I keep dreaming you'll be with me And you'll never go I'll stop breathing if I don't see you anymore ~~” naramdaman kong nawala ang daliri nya sa pisngi ko, kasunod ay ang pag andar ng sasakyan. Nagkunwari akong kakagising lang. Lumingon naman sya agad. “Nagising ba kita?” tanong nya. “Hindi. Hindi ka naman maingay ah” pagkukunwari ko. Ngumiti lang sya bago minwestra ang orasan “Papalitan na tayo nina Nero dito” Tumango ako “Gising na ba sila?” “Yep. Kanina pa. Ganda nga ng show eh. Diba Trav?” sagot ni Prim sakin pag lingon ko. “Anong show?” tanong ko kunwari. Kahit alam kong ang tinutukoy nya ay yung ginawa ni Trav. “May dumaan kasing baka kanina. Mag Ex na baka yata yon. Sinusuyo yata nung guy na baka yung girl” paliwanag ni Prim na halatang gawa gawa nya lang. “Pano nyo nalamang mag ex yung baka?” tanong ko. Nagkibit balikat lang si Prim. Wala nang maisagot. “Palit na tayo. Ayan oh pull over ka sa Mcdo Trav. Bibili ako ng burger saglit. Lipat na kayo dito” sabi nya. Mabilis ring ginilid ni Trav ang sasakyan sa parking. Tumango si Prim samin bago akmang bubuksan ang pinto ng HiAce. “Gusto mo ng Fries? Bff?” nagkatinginan kami ni Prim sa tinanong ni Trav. “Okay lang, sasama ako don. May bibilhin rin” sagot ko. Tumango naman sya. Sabay naming binuksan ni Prim ang pinto. Nang makalayo ng konti tsaka sya nag salita. “Alam mo, napaka tapang nyong dalawa ngayon. Kasi iniisip ko yung sitwasyon nyo eh. Pano kung ako yung nasa posisyon ninyo, kami ni Nero. Walong taon kayong nasanay sa isat isa. Kahit pa sabihing dalawang taon na kayong wala. Hindi maiaalis non na kabisado nyo pa rin ang isat isa” mahabang litanya nya bago umorder. Kung tutuusin pwede namang mag drive thru. Gusto lang talaga nya akong kausapin tungkol dito. Ganyan talaga si Prim. Pribadong tao. “Tsaka bukod don, halata namang mahal nyo pa isat isa. Kanina kitang kita ko yung mga ginawa nya” “Mga ginawa? Alin yung hinawakan nya mukha ko?” tanong ko. “Hindi lang yon. Napasarap tulog mo girl. Hawak nya kaya kamay mo tuwing hindi nya kailangang kumambyo. Inaayos pa buhok mo” natahimik ako don “Halata namang mahal nyo pa isat isa eh” dugtong nya pa. Ngumiti ako ng mapait “Masyado ng late para samin. Kasalanan ko. Kasi hindi pako handa ng mga panahong yon” “Sayang kasi talaga kayo. Ni wala nga akong maalala na pinag awayan nyo ng malala. Aside nung aso at pusa pa kayo ha. Ngayon medyo quits. Pareho na kayong may kasalanan. May gf sya. Or should I say may mga naging gf sya. Hindi naman kayo totally nag hiwalay eh. At ikaw naman, pwede mo pa naman bawiin. Pwede nyo pang ayusin pero anong ginawa mo. Masyado mong pinanindigan yung desisyon mo.” dumating ang take out namin. Buti walang tao kaya saglit lang ang hinintay namin. “Sa tingin ko maaayos nyo pa. Depende sa inyo” sabi nya bago kamo pumasok sa HiAce. “Bff fries mo girl” tsaka inabot sakin ni Prim. Binibigay sakin ni Trav ang unan pero umiling ako. “Gamitin mo na lang muna. Di naman na ako matutulog eh” sabi ko bago bumaling ng tingin sa harap. Sa tingin ko naman hindi na kami maaayos. Siguro bilang magkaibigan, oo. Pero sa tingin ko hindi na namin maisasalba yung walong taon. Ibang tao na kami ngayon eh. Hindi ko alam kung kasama pa rin ako sa pangarap nya. Siguro hindi na. Isasama pa ba nya ako kung ako yung nanakit sa kanya noon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD