LIESELOTTE Habang binabaybay ang daan pabalik sa bahay ni Boss Caius ay huminto kami sa isang magarang kainan na kahit ata ibenta ko lahat ng organs ko ay hindi ko afford dahil itsura pa lang mukhang mamahalin na. Naunang bumaba si Hunter at tinulungan si Boss Caius na makalabas ng kotse, sumunod din ako agad at lumapit kami sa entrance ng kainan. “Anong ginagawa natin dito?” takhang tanong ko at nilingon silang dalawa. “Malamang kakain tayo, restaurant ‘to, duh?” sagot sa akin ni Hunter at napailing. “Malay ko ba, baka naman kasi makiki-Cr ka lang.” Napangiwi ako at sumunod na lang sa kanilang dalawa. Sa pagpasok namin sa loob ay napaawang ang aking labi dahil sa pagkamangha sa nakikita. Napakaganda ng loob ng kainan na ito na tila ba ginto ang mga disenyo. May naglalakihang ilaw s

